Chapter Four

3K 80 10
                                    

MARAHAS na nakamot ni Christian ang ulo. “Damn it!” iritable niyang bulalas. “Gumana ka naman!”

Hinugot niya ang memory card sa laptop niya saka ito muling isinaksak. He waited for his laptop to read it pero, tulad kanina, corrupted daw ang files. Uminit lalo ang ulo niya kaya sa sobrang inis niya’y padabog niyang sinara ang laptop at humiga sa kama.

Sayang yung kinuhanan ko kanina, he thought. Mukhang napakadalang pa naman ng gano’n eksena. Baka hindi na ako ulit makakuha ng gano’n.

He heaved a sigh out of helplessness. Wala. Malas talaga ang araw niya ngayon. Naisip tuloy niya kung may balat ba siya sa pang-upo para sapitin ang ganitong klase ng disaster. Nagpunta siya rito upang makalimot pero kung unang araw pa lang niya’y ganito na ang kinahinatnan, mas mainam pa yatang araw-araw na lang siyang magmukmok sa kwarto niya at maging isang unproductive citizen.

Ah, si Desiree! Ipinikit niya ang mga mata. Kumusta na kaya ito? Maayos kaya itong tinatrato ni Greg? Masaya na kaya ito sa fiancé nito?

That thought pricked his heart. It should be him! Siya ang dapat na nakatakdang mapang-asawa ni Desiree. Napakasakit lang sa loob niya na sa kabila ng mga panahon na pagiging magkatipan nila, mas pinili pa rin nito ang isang lalaking ilang linggo pa lang naman nito nakikilala.

Naramdaman na lang niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya kaya naman ipinikin niya ito ng mariin upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Tama na! He was tired of this. Ayaw na niyang masaktan. Sayang lang din ang pagpunta niya rito – at ang pagkasira ng pinakaiingatan niyang camera – kung hanggang sa Siquijor ba naman ay si Desiree pa rin ang iniisip niya.

Kaya naman naghalungkat na lamang siya sa isip ng ibang bagay na hindi hamak na masaya. He thought of those adventures he encountered. Nariyang inakyat niya ang Mt. Apo, dahilan upang makita ang magagandang tanawin sa taas nito. Malinaw pa rin sa isip niya ang naggagandahang coral reef ng Tubataha sa Palawan nang minsa’y mag-scuba diving siya roon. Lahat ng ito’y magaganda pero hindi pa rin maipagkakaila na kakaiba ang nasaksihan niya kanina sa batis, kung saan…

“Argh!” he howled saka napabangon at ginulo ang sariling buhok. “Malilintikan talaga sa ‘kin ang babaeng iyon kapag nakilala ko siya! Sayang ang mga kinuha kong larawan kanina. Wala man lang akong back-up dahil nasira ‘yung memory card ko.”

Natigilan na lang siya nang biglang may kumatok sa pintuan ng tinutuluyan niyang silid. He was about to ask kung sino ito nang maalala niyang dadalawang tao nga lang pala sila ni Maine ngayon dito. Tumayo siya para pagbuksan ito ng pintuan. While doing so, the awkward scene happened earlier suddenly replayed in his mind. Bigla tuloy siyang natigilan.

He frowned. What the hell just happened earlier? Bakit niya naramdaman ang kakaibang bagay na iyon kanina nang magtama ang mga mata niya? He suddenly felt those weird butterflies in his stomach and, well, ungracious heat.

Kaya tuloy siya natuliro kanina. Sa dinami-dami ba naman kasi ng tao, bakit dito pa siya nakaramdam ng ganito? To think na nineteen years old pa lang ito, talagang awkward ang dating! Was he attracted to her?

What a nasty idea! Ang bata pa niyon.

Marahas na lamang siyang bumuga ng hangin as he ignored this. Baka epekto lang iyon ng ilang araw niyang pagmumukmok sa kwarto niya kaya ganoon.

Binuksan niya ang pintuan. Bumungad sa kaniya si Maine. Napasinghap pa nga ito at napaiwas ng tingin nang makita siya.

“K-Kuya Christian,” nauutal na sabi nito. Mababakas sa mukha nito ang pagiging tensyonada. “Kain po tayo ng breakfast,” dugtong pa nito saka walang lingon-likod na umalis.

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon