Chapter 9 - "I killed her."

893 16 2
                                    

A/N: Ako na ang slow! Naadik kasi ako sa Fairy Tail eh. :3 Kaya wala nakapag-update. HAHAHA. Pasensya na po. Anyway, tapos na ako sa Fairy Tail. LOL. Update na ulit ako. Sorrry. *bow*

Chapter 9

Amethyst’s POV

Wala teacher namin sa first subject kaya naglakad-lakad kami nina Arthur at Alex sa campus. Si Sammy sinamahan si Rence sa clinic, may migraine daw eh. Kaya kaming tatlo ang magkasama ngayon.

At…para akong yaya ng dalawang to eh. Sobra pa sa bata! -___-

“Daya mo naman eh!” Biglang sigaw ni Alex.

“Hindi ah! Di mo lang matanggap na talo ka!”

Naglalaro sila ng volleyball. Marunong din ako ng konte pero ayokong pagpawisan kaya nanuod nalang ako.

“Sige ulitin natin!” Sigaw ni Arthur. Nagserve na siya, na-dodge naman ni Alex pero binalik sa kanya ni Arthur with smash.

“HOY!”

“Ano nanaman?!”

“Ba’t ka nag-smash?!”

“Bakit bawal?!”

“Heee! Ayoko na!”

Hala. =____=

“Hahaha! Hoy wag kang pikon Alex!”

“Tse! Magsama kayo ng bola mo!”

At nagwalk-out si Alex.

“Hay naku naman…” Napakamot ng ulo si Arthur papalapit sakin.

“Di mo ba susundan?”

“Haha, sisigawan lang ako nun, di kasi talaga tumatanggap ng pagkatalo yun,” Sabi niya habang paupo. “Lagi siyang ganyan, lalo na pag may game siya tapos natalo siya, sa’kin niya nilalabas kaya lagi ako sinisigawan nun, hahaha,”

“Ok lang sayo yun?”

“Kung malalaman mo kung bakit, maiintindihan mo din siya, pero di ko pwede sabihin, hahaha!”

Wala naman akong balak alamin eh. >.>

“May game sila kahapon,” Panimula niya. “Dinaya siya, sa sobrang galit niya pinuntahan niya ako sa bahay tapos nagsisisigaw. Haha. Ginulo niya pa yung kwarto ko, nakakainis, kawawa naman si yaya, siya maglilinis,” >3<

“Hahaha, para kayong magkapatid,” Sabi ko nalang. “Hanapin mo na siya, baka kung ano na ginawa nun,”

“Hala oo nga!” Tapos tumakbo na siya palabas ng gym. At mag-isa nalang ako ngayon. Haaay.

“Pero anong gagawin mo pare?”

May narinig akong mga boses. Teka, pamilyar yung boses!

“Nangengealam ka nanaman dude,” Sabi nung isang kasama nung lalake.

Yung lalake nung isang araw! O___O

“Humanda talaga sakin yun,”

Omg. Boses yun nung lalakeng humilak ng buhok ko!

Pag nakita nila ako baka anuhin nanaman nila ako.  >.<

Tumakbo ako sa likod ng mga baskets na lalagyan ng mga bola sa may gilid. Dito muna ako hanggang sa umalis sila. Tama.

Narinig ko yung mga paa nila papasok sa gym.

“Babaliin ko kamay nun bukas, tingnan natin kung makakasuntok pa yun,”

“Pero pano naman?”

“Madali lang yan. May soccer game bukas diba? At kasali siya dun. Tatapakan ko yung kamay niya, sasagadin ko pa.”

The Missing Heiress (TMH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon