Picture ni Vince sa gilid. :))
Chapter 4
Pagka-uwi ko ng bahay, lumundag agad ako sa kama ko.
Kumusta na kaya mga kaibigan ko sa France?
Sina Christina, Layla, etc. etc.
HAAAAY!
Kaya ayaw ko ng nag-iisa at walang nagagawa eh!
Kung ano-anong drama ang ginagawa ko. >.<
"ANGELO! STOP!"
"NO MAMA! I WANT CHOCOLATE!" >.<
Napatayo ako nang naririnig ko ang mga sigawan sa labas.
Ano kaya nangyayari?
Lumabas ako para makita.
Huminto ako sa may hagdan.
Si Angelo ang tigas talaga ng ulo.
Ang cute cute panaman sana. >3<
Kawawa naman si ate. -____-
"MAMAAAA! CHOCOLAAAATE!!!"
"Wala na tayong chocolate! Bukas nalang Angelo,"
"NO! TELL PAPA I WANT CHOCOLATE!"
"Angelo, Papa's busy, makinig ka nga!"
Nakuuu. Pag ako nagka-anak, di ko bubusugin.
Araw-araw yan mangungulit ng pagkain eh.
"HAY JUSKO! SUKO NAKO!"
Hala. Suko na daw si Ate.
"Amy!"
Tinawag niya ako kaya bumaba naman ako.
"Pakibilhan nga si Angelo ng chocolates, ubusin mo na yan, may convenience store sa kabilang block,"
Utos ni ate habang binibigay yung pera.
"Angelo naman kasi, you're so mapilit," Sabi ko kay Angelo ng pabulong.
At alam niyo reply nya?
Inisnaban lang ako. Aba!
Ikaw na nga tong bibilhan ng chocolates eh, ikaw pa tong magsusungit! -____-
Heto akoooo...
Basang basa sa ulaaaan!
Atik lang. XD
Heto ako, naglalakad papunta sa kabiling bloke.
Ang lamig pala talaga dito pag gabi.
Puro puno kasi.
Di kaya may kapre dito? O.O
Hahaha. Imposible naman yun!
Tanga ka talaga Amethyst!
Anyway, sobrang lamiiiig! *.*
Kay nagjacket nalang ako.
Habang naglalakad, tumingin ako sa taas.
Hmmm...walang mga bituin.:(
Don't tell me uulan?
Naku, sana hindi ako abutan ng ulan. :O
Binilisan ko na ang lakad ko.
Pero hindi dahil baka umulan.
Pero dahil may sumusunod sakin.
Sanay nako, sa France kasi laging ganito.
Laging may stalker. -_____-
Sumusunod parin siya.
Hay pambihira. -____-
Oh baka naman guni-guni ko lang?
Pero ayaw ko tingnan!
After 48 yearsssssssssssssssssssss...........
Natatanaw ko na yung convenience store.
SA WAKAS!
MON AMI!!!
Naghanap agad ako ng mga chocolates.
Yung iba di ko alam pero kinuha ko na din.
Di naman siguro mapili si Angelo. Matakaw yun eh. HAHAHAHA.
Pagkatapos ko magbayad, napansin kong kumukulog na.
At, sa tinagal ko ba sa loob ng convenience store eh malamang wala na yung stalker kanina.
Kaya binilisan ko ang paglakad nung nakalabas nako.
Ayaw ko kaya maulanan noh! >.<
Vince's POV
Hindi ata si Amethyst yon.
Kanina ko pa sinusundan, hindi naman lumilingon. -___-
Kung sabagay, siguro dapat tinawag ko.
Pero malay niyo hindi siya yun.
Iba pa ang isipin! -____-
Nakatayo ako ngayon sa ilalim ng puno.
Nagsisimula nang umulan eh.
Ang layo pa ng lalakarin ko.
Kaya dito na muna ako.
Di rin naman ako masyadong mababasa.
Nilagay ko ng yung headphones ko at pumikit habang nakikinig sa music.
Nakatayo parin ako, ayoko umupo, madumi kasi. Tsaka nakakangawit! -____-
Pagdilat ko ng mata ko, may nakita akong babaeng di alam kung san pupunta.
Parang tanga lang! Hahahaha! XD
Nababasa na nga siya ng ulan.
Tapos ginagawa niyang payong yung supot na dala niya.
O.O
Teka, siya yung sinusundan ko kanina!
Parang si Amethyst eh!
Teka, si Amethyst nga! :O
Hala tumakbo na!
Tinanggal ko yung earphones ko tapos sinundan ko siya.
"HOY! HOY MISS SANDALI!"
Takte! Ang hirap naman nito!
Ang lakas ng ulan!
Halos wala akong makita!
Nasa intersection na kami.
Tumigil ako bakas kasi may sasakyan na padaan.
At meron nga!
Hinanap ko yung babae.
PAMBIHIRA!
Hinabol ko nalang tapos hinila yung braso niya papunta sa sidewalk.
"HEY! LET ME GO!"
"ANO BA! Mababangga ka na nga!"
Sa kalikutan niya, natumba kami pareho.
Ayan tuloy!
At pareho na kaming basa!
Haay samok talaga!
"Look what you've done!"
Si Amethyst nga toh. -_____-
"Aba Amethyst, at ako pa sinisisi mo, ikaw na nga tong tinulungan, nakakailan ka na ha!"
"V-Vince? Ikaw pala yan?!"
"Hindi, hindi, picture ko lang toh,"
Tapos pinalo niya ako sa balikat.
Close tayo?
"Sorry Vince!"
"Hay! Halika na nga! Basang-basa na tayo oh!"
Tapos hinila ko siya papunta sa waiting shed.
Siguro mga ilang minutes na kami nandito, di parin tumitigil yung ulan.
Nasa harapan ko lang si Amethyst tapos ako nakikinig ako ng music.
Sa ilang minuto namin na pagka-stranded sa waiting shed, may napansin ako.
Tinatakpan niya lagi ang tainga niya.
Tapos nanginginig siya.
Nilalamig kaya to?
O...
...natatakot?
Natatakot.
Tinanggal ko kasi yung headphones ko, chempo naman na kumulog.
"Eek!" >.<
Takot pala siya sa kulog.
Mga babae nga naman.
Di naman siya kakainin ng kulog. -____-
Pero....
...kawawa naman toh.
Tumayo ako tapos lumapit sakanya.
Nakapikit siya kaya di niya ako nakita.
Nagulat nalang siya ng bigla kong ilagay yung headphones ko sa kanya.
Tumingin siya sakin.
Sabi ko "Shh..."
Tapos tumabi ako sakanya.
Hinayaan ko siya makinig ng music.
Maya-maya, sumandal siya sakin.
Tapos nakapkit na siya.
ABA SINESWERTE!
Pero...pabayaan na nga.
Mabait naman ako kahit papano. Hehehehe.
Amethyst's POV
Ang lamiiig...
Sarap ng tulog koooo...
Sng lambot pa ng unaaan kooo...
Hehehe....
"HOY!"
"AY SERENANG PUTOL ANG BUNTOT!"
"Anong serena?! Walang serena dito!"
Kinamot ko mga mata ko.
"Andyan ang sundo mo oh,"
"Anung sundo?"
Tumingin ako sa kalsada.
Tapos kamot ulit ng mata.
TEKA LANG!
Tumingin ako ulit.
"ATE?!"
"IKaw babae ka! Ang landi mo! Pinabili lang kita ng chocolates kung san san ka na nagpupupunta!"
"Teka nga ate! Hindi naman ako lumalandi! Bakla kaya toh!"
"Bakla?"
"HOY! SINONG BAKLA?!"
"Ay sorry hindi pala. Classmate ko po siya ate, bigla kasi umulan,"
"Classmate mo lang yan ah?"
"Mukha ba akong papatol sa katulad niya?"
"Hoy grabe ka naman!"
"Eh sino ba nauna?"
"Tama na yan! Uwi na tayo Amy, sumakay ka na sa kotse,"
Tapos hinila ako ni ate.
Magpapaalam pa sana ako kaso pagtingin ko kay Vincent...
DINILAAN AKO NG BWISIT!
"LORD PARANG TANGA!"
"ANO?!"
"Ay, tinamaan ka? Pasensya!" :P
"Humanda ka sakin bukas!"
"I'm redaaaay!"
HAHAHA! Nakakatuwa pala asarin si Vince!
ANG SAYAAAAA! XDD
--------------A/N:
grabe wala ako ganaaa.
nawala phone ko. :((
pero sige lang, update parin.
-AJ
BINABASA MO ANG
The Missing Heiress (TMH)
RomansaIsang babaeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay ang magpanggap? Isang lalakeng nangangarap na magkaroon ng kalayaan. Paano kung ang tanging paraan upang makamit ito ay isuko ang mahal niya? The...