'Dark Aura'
~i want you to stay
Never go war away
From me~Bumangon naman agad ako at aakmang papasok na sa banyo para maligo. Ayoko naman kasing gisingin pa ako ni Nay Odesa dahil alam kong abala pa siya sa pag luluto.
Knock knock knock!!
"Ija!! Gising na!!" Rinig kong sigaw ni Nay Odesa sa labas nang kwarto ko. Pinagbuksan ko naman siya nang pinto.
"Nay naman, Diba sabi ko sa inyo na wag na kayong mag abalang gisingin ako." Sabi ko na parang nag tatampo.
Si Nay Odesa kasi yaya ko na siya simula nang sinilang ako. Yaya narin siya ni Daddy simula bata pa kaya matanda na si Nay Odesa. Tapat siya sa pamilya namin kaya napamahal na siya sa amin nila Mom. Wala naring pamilya si Nay Odesa namatay sila dahil sa pag guho nang bukid nila dati. Galing probinsiya si Nay Odesa at wala na siya mauuwian dun kaya dito na siya pina tira nila Dad sa Mansyon."Ikaw talagang bata ka. Sige na at maligo kana nang makakain kana at makapasok nang maaga." Napangiti ako. Napaka caring talaga ni Nay Odesa kaya mahal ko siya eh.
"Opo nay." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi at dumeretso na sa banyo ko para maligo.
Pagkatapos ay bumaba na ako para mag breakfast. Napansin ko namang napakatahimik nang bahay. Umalis na naman siguro sila Daddy. Nalungkot ako bigla. Parang kahapon lang nandito sila at nagyayakapan kami tapos ngayon umalis na naman sila.
"Nay anong oras umalis sila Mom?" Tanong ko kay Nay Odesa nang maka upo na ako sa dining table.
"Kanina lang ija at di kana nila pinagising kasi mukhang sarap na sarap ka sa tulog mo ayaw naman nilang istorbohin ang ginagawa mo sa dreamland." Ngumiti pa siya nang nakakaloko.
"Nay naman eh! Pagod lang po ako sa klase kaya sarap nang tulog ko. Ikaw talaga nay kung ano anong iniisip mo." Sumimangot naman ako.
"Biro lang ija. Sige na at mahuli kapa." Gaya nga nang sinabi ni Nay Odesa kumain naman agad ako. Fried Rice, Sausage, at egg lang ang brinekfast ko. Ayoko namang mag mukhang tukmol ulit si Emi kahihintay sakin. Tsk baka mag super Saiyan yun pag nagkataon.
"Sige Nay alis na ako ba-bye!" Sabay halik sa pisngi niya at takmabo na sa kotse kung san naghihintay si Mang Tonyo.
***
"OMG!! A-ang lakas niya!!"
"S-sobra!! Halos mapatay na niya si Razen!!"
T-teka? Si R-razen? Ano bang nangyayari dito bakit sila nagkukumpulan sa Hallway? Nasan na ba si Emi at Bella? Na late ba ako? Napatingin naman ako sa wrist watch ko. Oh shoot!! Its 09:56 na pala kaya pala!! Bat di ko namalayan yung oras!!?? Naman oh!!
"OH MY!! RAZEN IS BLEEDING!!!" May biglang sumigaw na ikina agaw nang atensyon ko. R-razen??!!! T-teka ano bang nangyayari??
Agad naman akong tumakbo at nakipag siksikan sa mga nag kukumpol na mga estudyante.
"Excuse me!!"
"Padaan!!" Sigaw ko. Ang sikip naman kasi!
"Ano ba!!" Reklamo nang iba na nababangga ko.
"Sorry. Padaan lang." Sabi ko. Nang makalagpas na ako ay napatulala ako sa nakikita ko. Si Razen may dugo sa kilay niya at gilid nang labi niya tumutulo ito at halatang sinuntok. Agad akong lumapit sa kanya nang nag aalala.