'Hurt'
Fiona's POV
Minsan kahit sobrang hirap kailangan nating kayanin. Kahit sobrang sakit kailangan nating magpakatatag. At sa buhay kailangan lagi tayong nag dedesisyon. At ngayon buo na na ang loob ko sa desisyon ko.
"Fio sorry kung wala kaming maitutulong sayo. Were really sorry." Yumuko si Emi.
I tap her shoulder.
"You don't need to say sorry Emi. Ok lang." I smile at her.
Pero sino bang niloloko ko? Ang sarili ko lang naman. Ngumingiti nga ako pero sobrang nasasaktan na ako sa loob loob ko.
"Wag ka ngang ngumiti nang pilit! Ang panget mo!" Napalingon naman ako kay Bella at ngumuso.
"Tsk. Mas lalong pumanget." Dugtong pa nya sabay iwas nang tingin.
As if I know. Naaawa talaga sakin.
"Fio oras na." Sabi ni Emi.
Two weeks had past. At ngayon kailangan ko nang gawin. Dumeretso muna ako sa Cr tsaka tumingin sa salamin.
I'm totally mess. Napaka haggard ko at namamaga ang mga mata. Pula ang ilong ko at sobrang halata na umiyak ako nang umiyak.
Hindi na ako nag abalang ayusin ang sarili ko. Wala rin namang kwenta yun. Nag lakad na ako papuntang parking lot kung saan nag hihintay si Razen sakin. Ilang beses narin akong bumuntong hininga.
Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nang matanaw ko na ang parking lot. Bigla akong napatigil. I saw him standing infront of his car while waiting for me. Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan sya.
How perfect he is in my eyes. Ayokong mawala sya sakin pero kailangan ko syang bitawan. I love him so much to the point na di ko kayang may mangyaring masama sa kanya. Hinding hindi ko kaya.. I step forward. Pero habang lumalapit na ako sa kanya sya namang pinapatay ang puso ko.
Bakit ganito? He's my first love at gusto ko sya lang rin ang huli kong mamahalin pero hindi eh. Hindi pwede. Shit lang ang sakit!
"Oh babe. I miss you so much." Hindi nya yata na pansin ang mukha ko kasi deretso nya akong niyakap. Dalawang linggo rin akong nagtago mula sa kanya.
I don't hug him back. Ayoko, baka pagnagkataon ayaw ko nang bumitaw at mag bago ang isip ko. Natatakot ako.
Iiwan ko na sya. I will break his heart. Mawawala na sya sakin. Iiwasan ko na sya. At kakalimutan. Ganun din sya sakin. Mawawala ako sa kanya. Iiwasan nya rin ako. At kakalimutan. Gusto kong murahin ang sarili ko nang napayakap ako sa kanya bigla.
Hindi ko kaya! Napahagulhol ako nang iyak.
"Hey babe whats wrong?" Humiwalay sya sa yakap nakin at saka ako tiningnan. Puno nang pag tataka at pag alala ang mukha nya.
"Z-zen." Napapikit ako.
"I-m breaking up with y-you." Tila may naka bara sa lalamunan ko nang sabihin ko iyon. Sobrang hina lamang pero alam kong hindi iyon nakaligtas sa pandinig nya.
"H-ha.ha.ha stop joking Mai. Di yan nakakatuwa." Tila pinagpawisan sya nang malamig.
"Hindi ako nag jo-joke." Deretsa kong sabi. Nagsusumamo syang tumingin sakin.
"M-mai naman." Hinawakan nya ang magkabilang braso ko saka sya tumitig sakin.
"Bawiin mo ang sinabi mo." Ramdam ko ang sakit sa boses nya.
Umiling ako.
"Im breaking u---"
"Stop!" He cut me off. "B-bakit?" Nakita ko ang paglunok nya.
Inalis ko ang ang pagkakahawak nya sa braso ko. Ayokong nang umiyak sa harap nya. Marahas kong pinunasan ang luha ko. At hinarap ko sya nang blangko ang emosyon.
"Sawa na ako sayo Zen. Tapos na akong paglaruan ka." Agad kong naitikom ang bibig ko.
"W-what?" Tila nagulat sya. Hindi na ulit ako umimik.
Napasabunot sya sa buhok nya at mura nang mura. Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero huli na. Gusto ko syang yakapin at sabihing tama na at mahal na mahal ko sya. Pero di na pwede.
"All this time! You just fooled me huh Mai?" Garalgal na boses nyang sabi.
Still hindi ako umimik. Nakatayo lang ako dito. Napakapit ako nang mahigpit sa palda nang uniform ko nang makitang umaagos ang luha sa mata nya. Sunod sunod itong tumulo.
"A-answer..m-me!."
"M-minahal mo ba ako?"
Napapikit ako.
"No." Yun lang ang sinabi ko bago tumalikod.
At sa pag hakbang ko palayo sa kanya ang pag buhos nang luha kong masagana.
Ayoko nang makita ang mata nya. Yung mukha nya na bakas na bakas ang sakit na binigay ko sa kanya. Para akong pinapatay.
*******
"Leave me alone! Pwede ba tigilan nya muna ako!" Sigaw ko nang tinawag nila ako mula sa labas nang kwarto ko.
Umaga na at iyak parin ako nang iyak. Sabado ngayon kaya pinuntahan ako nina Emi at Bella. Oo concern sila sakin pero gusto ko munang mag isa. Ayokong may kumausap sakin na kahit sino. Alam kong alalang alala na naman si Mommy sakin pero ayoko munang makinig sa kanya.
Masyado na akong nasasaktan. Ginawa ko na ang gusto nila. Hiniwalayan ko na si Razen kaya wag nila akong magulo gulo. Tinakpan ko ang mukha ko nang unan at na alala na naman ang mukha ni Zen. Argh! Kainis! Ang sakiiiit! Tokwa! Tokwa! Tokwa!
Nagpagulong gulong ako sa kama ko habang umiiyak. Kung may nakakakita lang siguro sakin ngayon iisiping nababaliw na ako. Napaupo ako nang makita ang pag appeared nang mukha ni Zen sa Cp ko.
Shocks! He's calling! Nag panic ako. Sasagutin ko ba o Hindi? Naman oh!
"H-hello?" Sinagot ko na nga! Nahihiya pa akong magsalita eh. Litsi pisti naman!
"Is this Mai?" Tanong nya. Natutup ko ang bibig ko nang babae ang sumagot dito. Sino sya?
"Y-yes?" Nataranta ako bigla.
"Wait--- hey darling ito na yata yung Mai na sinasabi mo kagabi---"
(Tsk. Hayaan mo na yan darling.)"Eh? Bakit naman--mmmm"
(She's nothing.)
*toot toot toot*
Naibato ko ang cp ko sa inis at sa sakit na rumaratay sa kalamnan ko. May babae agad? Tokwa naman! Wala pa ngang 24hours kaming break eh!
Umagos na naman ang pesteng luha ko. Bakit pa nga ba ako nag tataka? He's a Casanova. At mukhang di na nya kailangang mag Move on sakin. Sobrang sakit isipin! Ano nalang kaya ang ginagawa nila nung babaeng yun! Kainis! Ang sakiiiiit talaga!
Nakita ko ang cp ko sa sahig na basag na basag. Napalakas ko ata ang pag bato dito. Tumayo ako at pumasok sa banyo. At tumingin sa salamin. Ang panget ko. Sabog na sabog ang buhok ko. At sobrang namamaga ang mata ko. Kaya pala ang hirap nang ibuka ito. Pulang pula naman yung mata at ilong ko. Talo ko pa yung mga adik sa kanto.
Naligo ako at nagbihis. Bumaba agad ako at dumeretso sa kitchen. Di ko sila pinansin sa sala. Kinuha ko yung ice pack saka yung apple bago umakyat ulit. Pero bago paman ako makatapak sa hagdan nag salita si mommy.
"Sweetie. Talk to us please." Pagsusumamo nito. Pero nanatili lang akong nakatalikod.
"Ayoko." Matipid kong sagot.
"Fio naman! Parang yun lang di kana namamansin." Nagpantig ang tenga ko.
"Yun lang? Ganon ba kababaw ang tingin nyo dun! Ha! Hindi mo kasi alam ko gaano kasakit Bella! Hindi mo alam! Kaya tumahimik ka! At alin ba dun ang hindi nyo ma intindihan? Na ayokong makipag usap sa kahit na kanino!" Napasigaw ako sa matinding frustration.
"Fiona! Nakakasakit kana!" Napatingin ako kay Emi. Tahimik lang kasi sya at ngayon ko lang ulit narinig mag salita.
"Wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon." Tumalikod ako at umakyat na ulit. Pati si mommy di ko pinansin.
*******