Chapter Eleven

655 6 3
                                    

'Body Guards'

Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Nasa bahay na pala ako. Masakit ang ulo ko pero pinilit ko paring tumayo. Nakita ko ang itsura ko sa harap nang malaking salamin may bandage ako sa ulo at malaking band aid sa leeg pababa sa cleavage ko. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto nakita ko si Potter na nakatalikod sakin at may kausap sa cellphone niya. Tatawagin ko na sana siya nang makarining ako nang pamilyar na pangalan.

"Yah. Tell Hellwis she's fine.... What?! No! That son of a bitch! Hindi siya papayag! It's too early fuckers!... Shit! Iniipit niyo ako dito bwesit!... Not now damn! Wait wait.. Argh!" Ibabato na sana niya ang cellphone niya nang napaharap siya sakin. Nakita kong nagulat pa siya nang makita ako.

"Who's that?" Kunot noo kong tanong  na sa cellphone niya nakatingin.

"N-Nothing." At agad niya iyong ibinulsa.

Lumapit siya sakin at tiningnan ako nang nag aalala.

"Your okay now?" Tanong niya then caress my right cheek.

Tumango lang ako bilang sagot.

"3days from now birthday mo na sana naman gumaling na yang mga sugat mo." Sabi pa niya habang naka kunot ang noo.

Tumango lang rin ako. Para kasing wala ako sa mood ngayon. Hindi ko maintindihan bigla ang sarili ko. There's something inside me na parang gustong lumabas but i can't find it out.

"Where's Emi and Bella?" Mahina kong tanong sa kanya.

"They're in there house. Hinatid ko na sila kanina." Tumango ako.

"Thanks then." Tumalikod na ako sa kanya saka bumalik sa kwarto.

Its 7 o'clock in the evening sobrang tagal ko yatang nagising. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table nang kama ko. I dialed Emi's number pero hindi ito sumagot. So instead I call Bella. Just assuring kung okay lang ba talaga sila.

"Fio? Okay ka na ba? Gosh! Sobrang nag aalala kami sayo!" I can't help but smile.

"Okay na ako. Kayo? May mga sugat ba kayo? I call Emi but she's not answering. Hinatid naman kayo ni Potter hindi ba?"

"O-Oo naman!... Pero si Emi kasi ano..." Bigla akong kinabahan.

"Anong ano? Bakit may masama bang nangyari sa kanya?" Nataranta kong tanong.

"Wala naman siguro pero kasi..." Parang nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya sakin o hindi.

"Bella naman! Sabihin mo na!" Naiirita narin ako at the same time kinakabahan.

"I have no rights kasi... Just ask her tomorrow okay magpahinga ka nalang muna. Kailangan kasi nating pumasok bukas." Napa buntong hininga ako dahil may punto siya.

"Okay I understand. Thanks bel bye." Then I ended up the call.

Tinawagan ko ulit si Emi and I surprise she answer it.

"Em where are you? Bakit hindi ka sumagot sa tawag ko kanina nag aalala na ako sayo ah!" Agad kong bungad nang sagutin niya.

Married To A Mafia LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon