'Mysterious Guy'
"Langya ka talaga!! Pati ba naman ang anak natin ibibigay mo sa kanya!!"
"Hindi naman sa ganun Ysabrell its just yun na talaga ang kasunduan natin sa pamilya nang mga Hellwis at wala na tayong magagawa!"
"Meron Franc! Meron! Ilalayo natin si Fiona sa kanila!"
"Hindi natin pwedeng gawin yan Ysabrell!! Mapapahamak tayo! Lalo na si Fiona!!"
"Mas mapapahamak siya sa puder nila Franc! Isipin mo nga! Yung mundong ginagalawan nila!! Iba yun sa mundong ginagalawan nang anak natin!!"
"Mas safe siya dun honey.. Trust me.."
"No!!! Di ako papaya----"
"Mom..Dad"
Fiona's POV
Di ko maintindihan ang pinag aawayan nila Mommy at Daddy.. Pero bakit parang nasasaktan ako?
"Sweetie" sabi ni mommy na maluhaluha na.. Ano bang nangyayari? Ano bayung pinag uusapan nila.. Wala akong maintindihan..
"Ano po yung pinag uusapan ninyo? Is there something wrong? Mom..Dad?" Tanong ko at lumapit kay mommy. Tapos niyakap ko siya. This time humagulhul na si mommy habang yakap yakap ako.
"Daddy whats wrong?" Nag alala kong tanong.
"Nothing sweetie." Then ngumiti si Dad at lumapit samin ni Mommy at niyakap kami. Napa ngiti ako. Ang blessed ko talaga binayayaan ako nang mga magulang na mahal na mahal ako. At masayang pamumuhay kaya thankful na thankful ako kay Lord for giving me this happy family. :)
****
"HOOOYYY!! IMPAKTA KA!! KANINA PA KITA HINIHINTAY SA GATE EH NANDITO KANA PALA!!!" Ugh!! Napahawak ako sa magkabila kong tenga at tinakpan ito.
"Emi wag ka namang sumigaw." Saway ko sa kanya. Nang maka upo siya sa tabi ko.
"Tsk!!! Eh kasi naman!!! Bat di mo sinabing nandito kana? Nag mukha tuloy akong tukmol dun sa gate kahihintay sayo!!!!" Maktol niya sakin tapos sumimangot pa. Haha
"Sorry naman. Nawala sa isip ko eh. Pasensiya ka na." Sabi ko nang nakayuko.
"Haaayyy!! Pasalamat ka at mabait ako. Kaya pinapatawad na kita!! Pero-----"
"Sabi na nga ba eh."
"Hmf!! Libre moko mayang break!"
"Sige." Nakangiti kong sabi.