'Daimone'
Naglalakad ngayon si Fiona papunta sa kanilang silid na matamlay para itong walang buhay na naglalakad dahil sa sobrang lungkot na bumabalot dito kaya ang mga ka schoolmate niya ay panay tingin sa kanya. Parang nung isang linggo lang ay masaya ito sa piling nang kanyang mga kaibigan at sa kanyang kasintahang si Razen. Pero ngayon para siyang yelo na di natutunaw. Mararamdaman mo talaga ang bigat na kanyang nararamdaman.
"Haaayyy!!"
Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Sobrang bigat kasi nang kanyang nararamdaman tila ba pasan niya ang mundo. Isang linggo narin kasi ang lumipas nang hindi pa umuuwi ang kanyang mga magulang nasa states parin ang mga ito dahil sa kanilang malaking kompanya. At ang kanyang kasintahan naman ay hindi na rin nagpaparamdam at balita niya ay di na daw ito pumapasok. Kaya sobrang sama nang kanyang loob. Lalo na nang di siya pinapansin nang kanyang mga kaibigan dahil nag tampo ang mga ito nang hindi siya sumipot sa kanilang plano na mamasyal sa Enchanted Kingdom dahil mas pinili niyang makasama ang kanyang kasintahan.
Fiona's POV
Nakakainis!! Sa sobrang inis ko gusto kong umiyak. Sobrang lungkot na lungkot rin ako! Dalawang linggo nang di nagpaparamdam si Razen sakin! Tapos sila Mommy at Dad dalawang linggo naring Busy!! Buti nalang at bati na kami nung Dalawa di na sila nagtatampo kasi naiintindihan naman daw nila ako pero sana daw di ko sila pinaasa. Kung nagkataon kasi baka mabaliw na ako.
BINABASA MO ANG
Married To A Mafia Leader
Roman d'amour"I own you but your not mine in the first place."