'The Fight'
Kunot noo akong naglakad papuntang parking lot. Nang makita ko ang kotse ni Potter deretso akong pumasok. Hindi ko na siya nilingon.
"Tita Ysa preparing the party for your birthday. At kailangan mo nang sukatan nang gown na susuotin mo this Saturday." Potter said then started the engine.
"Ayoko. Tapos na ang début ko kaya hindi na kailangan nang party." Deretso kong sabi nang hindi siya nililingon.
"Sobrang problemado mo na ba talaga para hindi maging excited gaya dati?" He ask worried.
Kahit sa Canada kasi siya nag aral nang collage at nandun ang business niya lagi parin siyang present sa lahat nang naging birthdays ko. Lagi niya rin akong dinadalaw dito sa Pilipinas. Kaya sanay siyang lagi akong excited pag malapit na ang birthday ko dahil lagi namang nagpapaparty sina mom.
"Hindi ko alam Potter. Ang dami kong iniisip at wala ako sa mood maging excited." I straightly answer.
"Then don't think so much. Madali kang tatanda niyan." Siya.
Nagkibit balikat lang ako. Saka hindi na nagsalita. Pagkadating namin sa bahay nakita ko na nandun yung Fashion designer na susukat nang gown ko. Hindi na ako nagbihis pa tsaka nagpasukat agad ayoko namang maging bastos at hindi magpasukat na nandito na siya sa bahay alam ko namag siya ang papagalitan ni Mom pag hindi ako nasukatan. Pagkatapos ay nagasalamat na ako dun sa designer tsaka deretsong umakyat sa kwarto ko.
Hindi muna ako lumabas. Nagkulong na naman ako sa kwarto but this time hindi na ako umiiyak. I'm just thinking all what happened. Sobrang bilis kasi lahat ng nangyayari ngayon. And it's confusing me so much!
My phone rang. Bago na naman ito kasi nawasak yung isa nung ibinato ko. Pero yun parin naman na sim yung gamit ko. Hindi na ako nagulat nang makita ang mukha ni Razen sa screen nang phone ko. I know na tatawag siya pero wala akong planong sagutin yon.
*****
"Where have you been at night time Potter? Sabi ni Nay Odesa madaling araw kana daw naka uwi." Tanong ko kay Potter habang umiinom siya nang kape."Somewhere down the Earth." Sagot niya saka humigop ulit nang kape. I cross my arms.
"Potter. Kilala kita san mo dinala ang babae mo?" I ask again.
"Nah. Nag hotel lang kami." Bored niyang sabi. Napa iling ako.
"Talagang inabot ka nang madaling araw ha." Sabi ko. Sya nalang naman ang hinihintay ko tagal ba namang gumising.
Nagkibit balikat lang siya saka kinuha ang susi nang kotse niya. Napa irap akong sumunod sa kanya. Kahit kelan talaga hindi na nag bago napaka babaero parin. Highschool palang kami ganyan na yan baka may HIV nang dumapo sakanya. Yuck gross.
"Ano na naman yang iniisip mo?"
"Aray! Ano ba?!" Inis ko reklamo nang pitikin niya yung noo ko.
"Ikaw kasi eh kung ano ano na naman yang iniisip mo! Wala akong sakit okay?" Pangungumbinsi niya.
"Aba malay ko ba! Tsaka mind reader kaba?" Napa iling siya saka tinulak ako papasok nang kotse niya.