Chapter 1: New

1.6K 43 2
                                    

Beware of the grammatical errors.

Intindihin niyo ang author na nawawala sa sarili. As of this moment.

**********

Chapter one: New

Sky POV

"Sky! Dawn! Cloud! Baba na kayo!"

Napakamot ako ng ulo.

Kainis! Ang aga-aga nanggigising na.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Sumilip ang kakambal kong terror, si Dawn. She has long hair just like mine. Kulay golden brown ang mata tulad ng sa akin.


Therefore, kambal nga kami. Wait there's more, meron pa akong isang kakambal, si Ulap--I mean si Cloud.

 

Pero kahit pareho kami ng mga mukha, alam ko kung sino si Dawn at Cloud... At kung sino ako sa aming tatlo,.. Haay! Ang guloooo!!!

"Hoy! Gumising ka na! Male-ate na tayo."


Napatingin ako sa orasan ko.


"O.A ka? 5 am pa lang no. 8 ang pasok di ba?!"


"Eh shunga ka pala eh. 7 na . Ipa ayos mo na yang orasan mo. "

yun lang at iniwan na niya ako.

Napatingin ako sa orasan kong Ben 10.


O_O

Hindi gumagana ang short hand. Bwisit!


Agad kong kinuha ang isa ko pang orasan na superman naman ang design.


Sht. 7 na nga.

Agad akong pumasok sa banyo at dali- daling naligo.

Nagbihis na rin ako at hindi ko na inabala ang sarili kong magsuklay.

Pero bago ako bumaba hinalikan ko muna ang poster ni Jeremy Lin.


"Hey baybeh! Magandang Umaga! Labya."


Napangisi nalang ako sa kagagahan ko.


Pagbaba ko, nandoon na ang buo kong pamilya.


Hinalikan ko si dad sa pisngi habang umiinom siya ng kape. Hinalikan ko rin si mom.


Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon