Chapter 26: Wow

477 16 0
                                    

Beware of the grammatical errors.

Ok so....

Im planning to make another story.

Planning palang naman.

Nalilito pa rin ako.


Anyway otherway everyway...

Enjoy this Chapterrrrrr :)

*****************

Ganda's POV (3rd Person)


Isa na namang luha ang tumulo mula sa mga mata nina Dawn at Gia habang nakayakap ito kay Art nang tabunan na ng kumot ang katawan ni Rafael.


Wala na si Rafael. Wala na ang kapatid ni Gia at wala na ang lalaking mahal na mahal ni Dawn.

Pilit nyang pinipigilan ang mapahikbi. Gusto daw kasi ni Rafael na maging malakas siya.

"Dawn."

Napalingon si Dawn sa nagsalita.

Si Cloud.

Agad nyang niyakap ang kapatid. At doon na tuluyang lumaas ang mga luhang pilit nyang tinatago mula pa kanina.

Isang yakap ng kapatid ang naging gabay nya para nya makayanan ang sakit na nadarama nya sa mga oras na yun.

"Iiyak mo lang yan."

At iniyak ko lahat. Nagluluksa ako.

Wala na sya.

Tuluyan na nya akong iniwan.

Alam ni Cloud kung gaano nasaktan ang kapatid nya nang iniwan sya ni Rafael. Pero mas nasasaktan pa ito nang tuluyan na talagang mawala si Rafael.

"Its too late. Huli na ang lahat para sa amin! Ang tanga ko talaga. Bat ba kasi ako nagbingi bingian! Di ko pinakinggan yung explanations nya. Ako ang dahilan." patuloy pa rin sa pag iyak si Dawn.


Naaawa si Cloud sa kapatid nya. Sinisisi nito ang sarili. Parang pinipiga ang puso nya nang makita na umiiyak na naman ito.

"Wag mong sisihin ang sarili mo Dawn."

Pero patuloy pa rin sa pag iyak si Dawn.

Hanggang sa nawalan ito ng malay..

*************

Sky's POV


"Nakakaawa sya Sky."


Napatingin ako kay Cloud. Nakatingin sya kay Dawn na sa kasalukuyan ay nakahiga sa isang kwarto sa ospital dahil hinimatay ito.

Kakalabas ko palang mula sa pagkaka ospital pero bumalik na naman kami dahil si Dawn na naman ang inatake.

Sh-t .


Patay na si Raf.


Patay na ang nagligtas sakin mula sa pagkakabaril .

At inaamin kong nalulungkot ako.


Binulag ako ng galit. Isa din ako sa mga dahilan kaya napalayo nang tuluyan sina Raf at Dawn.

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon