Chapter 19: Broken

498 15 0
                                    

Beware of the grammatical errors.

Omo! Ginanahan na ako. Salamat :)

***********

Dawn's POV


And as expected...

Hindi nga nagpapansinan ang dalawa kong kapatid..

Nasa sala kaming lahat at nanonood lang ng tv.

Nasa magkabilang side sila ng sofa. Panay pa ang tingin ni Sky kay Cloud.

Umupo ako sa sofa at pumagitna sa kanilang dalawa...

"Laro tayo." basag ko sa yelo ng katahimikan.

Walang nagsalita.. .

" Uy Cloud, pahiram ako ng libro mo. Yung every day ni David.... basta david." sabi ko kay Cloud para mapansin nya ako.

(a/n: Guys maganda ang story na yan. Nakalimutan ko yung pangalan ng author basta David. Pramis. Maganda..)


"Kunin mo nalang."

====____===


Hay! Ang lamig nya..

Hmp!!!

Lumingon ako kay Sky.


"Hoy Sky, gusto mo bilhan kita ng jersey?"


Bwahahaha! Yan ang kiliti ni Sky.

"Hindi. Wag nalang. Masasayang lang ang pera m0."


========________=========

Panginoon, sinaniban na ba ng mabubuting espirito ang dalawa kong kapatid?

Kasalanan to ni Alyana at ni Lycca!!!

Tumayo ako.

"Hoy mga kamukha ko!!!"

Napatingin naman sila sa akin.

"Nakakainis yang inaasal nyo! Akala nyo di ko alam yang pag aaway nyo?! Magbati na nga kayo!"

Naiirita talaga ako. Mas pinapaniwalaan pa nila ang ibang tao kesa sa sariling kapatid..

Hindi nagsalita ang dalawa.

"Ano na? Tutunganga nalang ba kayo?"

"Wag ka ngang sumigaw!" sabi ni Sky.

Aba't----


Biglang lumapit si Sky kay Cloud.


"Cloud.. Mali yung-----"


Bigla ring tumayo si Cloud at naglakad palayo sa amin. Papunta sa kwarto nya.

"Cloud!" tawag ko.

Huminto naman sya subalit nakatalikod pa rin sa amin.


"Pasensya na pero nalilito pa ako. Alam nyo namang.... may gusto ako kay Rain. Pero... si Sky yung gusto nya...at may Fate pa sya.. Di nya nga ata talaga magugustuhan."

Lumingon sya sa amin... I can see tears in her eyes.

Parang may tumusok sa puso ko nang makita ang mukha ng kapatid ko. Parang gusto ko na ring umiyak.


"Sino ba naman ako kumpara sa inyong dalawa. Isang nerd at boring na babae na kailanma'y walang magkakainteres."

Yun lang at tuluyan na syang pumasok sa kwarto nya.

Bumangon ang galit sa puso ko. Masakit na makita ang kapatid kong nasasaktan nang dahil sa isang lalaki.

Masayahing tao ni Cloud at napakainosente. Walang karapatan ang sinuman na saktan ni isa sa mga kapatid ko.

"Kasalanan ko to." sabi ni Sky na nakatingin sa kawalan. Bakas sa mukha nya ang guilt.


"Di mo kasalanan. Kasalanan to ni Rain."

"Kasalanan naming dalawa.."

Napatingin ako kay Sky. Namumula ang mukha. Pinipigilan nyang mapaiyak.

Ang sakit na nadarama ko ngayon ay mas tumindi pa.

"Aalis muna ako." sabi ni Sky at lumabas na ng bahay.

Napaupo nalang ako...

Paano ko ba to malulusutan.?

Tiningnan ko ang cellphone ko.

Nagdial ako ng numero ng lalaking dahilan ng lahat.


Ilang ring lang ay sumagot na sya.


"Hello?"


"Magkita tayo. Hindi si Cloud na sinaktan mo. At hindi si Sky na ginamit mo. Ako to si Dawn."

Sinabi ko ang lugar kung saan kami magkikita.

Aayusin ko to. Di ko hahayaang may sumira sa aming magkakapatid..

*************

Cloud's POV

"Cloud."

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Isang babaeng kamukha ko. At minsan ko nang pinagkatiwalaan.

"Wala tayong pag uusapan Sky."

Biglang umiyak si Sky

At unti unti syang nawawala.

"S-sky!"

Pero patuloy lang sya sa pag ulan.

"SKY!!!!"


"Sorry Cloud."

Bigla akong napamulat!

Isang panaginip! Naninikip ang dibdib ko.


Bigla nalang akong napaiyak muli.

Di ba maubos ubos ang luha ko?!

May na realize lang naman ako.

Kapatid ko si Sky at mahal ko sya.... at mahal nya din ako.

Mas importante ang kapatid.

Kailangan kong kausapin si Sky.

Pero bago pa ako makalabas ng bahay. May bigla nalang tumawag sa akin.

"Hello?"

"Pumunta ka ng ospital."

Bigla nalang akong kinabahan.


"Sino to?"

"Basta pumunta kana. Naaksidente ang kapatid mo."


"Sinong kapatid?"


"Si Sky."

Ano daw?!


Si Sky?!!!!!!

*********

Omo! Nagtweet si Jhake Vargas sa akin!!!!!


Anyway, please Vote and Comment.

Lovelots <3


Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon