Chapter 20: Loading

483 13 0
                                    

Beware of the grammatical errors.


abangan ang nalalapit na pagtatapos :)

************

Sky's POV


Isang luha na naman ang lumundas sa pisngi ko.


Agad ko namang iyon pinahid.


Sht lang. Nakakainis! Bakit ba kasi kami naging triplets?! Bakit kailangan pareha kami ng mukha. Yan tuloy... Nagkagulo na kami.


At nakakainis naman ang Ulan na yun!!!! Sinaktan nya ang kapatid ko..

At ngayon ako naman ang nasasaktan ..


Well nandito ako ngayon at nag eemo.. Naglalakad patungo sa Unknown place. Alam ko gabi na at delikado pero wala akong paki. Naiiyak na ako sa sakit.


Galit ang kapatid ko...


Galit pa si Lenn at Jay.


Ano bang buhay to!!!

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng isang park.

Umupo ako sa isa sa mga swing. Im so alone. Na mimiss ko na agad si Cloud. Kung paano sya maglambing..


At kung paano nya maparamdam sa amin ni Dawn na mahal nya kami.

Daig ko pa ang heartbroken. Tsk.


"Ayokooo naaaaa!!!!"

Tuluyan na akong napaiyak.

Gusto ko nang bumalik sa dati ang lahat.

"Sky."


Nahinto ako sa pag iyak at tiningnan ang lalaking nasa harapan ko.


Di ko inaasahan na makikita ko sya dito.


"Rafael."

Kinapa ko ang damdamin ko kung galit pa rin ba ako sa kanya dahil sa pananakit nya kay Dawn.


Wala na ang galit.. Pero naroon ang matinding pagnanais ko na malaman kung bakit nya sinaktan si Dawn.


Ngayon ko lang napansin.. Namumutla sya at parang nangayayat .

Nag di-diet kaya si Rafael?


"A-anong ginagawa mo dito.?" tanong ko.

Sa halip na sumagot, umupo sya sa tabi ko na swing at may inabot.

Isang panyo.

Pero hindi ito isang ordinaryong panyo...


"Wag ka nang umiyak." sabi niya.


Tiningnan ko sya.. Bakit ko kinamuhian ang isang lalaking mahal pa rin si Dawn . Dahil sa maling akala. Binulag ako ng galit sa kanya. Kaya di ko nakita....

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon