Epilogue: The End of the Tale

790 24 7
                                    

Ganda's POV (3rd Person)

Graduation na.

Eto na ang pinakakahintay na pagtatapos ng mga 4th year students ng HIA. Sa wakas, pagkatapos ng 10 buwan ng paghihirap sa bagong school, magtatapos na ang triplets.

At dahil Valedictorian si Cloud, kinakabahan siya sa magiging Speech niya.


"Kaya mo yan. Ikaw pa. Ikaw kaya ang Ulap ko." sabi pa ni Ryu. na nagpalakas ng loob nya.


Bago magsimula ang Commencement Rights,nagkaroon muna ng misa.

(++++++Fast Forward+++++)

At eto na. Ang pinakakahintay na Valedictory speech.


Kinakabahang umakyat ng stage si Cloud.

Huminga muna sya nang malalim bago nagsimulang magsalita.


"M-magandang umaga po sa inyong lahat. To the administartion and to our beloved parents, good morning. "


Bago magpatuloy, tumingin sya sa mga magulang nyang nakangiti.

"As a transferee, I didnt really expect na ako ang magiging Valedictorian. I was just a shy girl in the corner. Walang makakapansin.  Walang may gustong kumausap. Looser at nerd kumbaga. Malapit na akong sumuko noon. Pero naisip ko, sayang. 4th year na ako. Sayang ang binayad ng parents ko sa mahal na tuition.  At naisip ko din ang mga kakambal ko."

Tumingin ako kay Sky at Dawn. They are smiling. Sobrang saya nila.


"Kung hindi dahil sa kanila, baka wala ako sa harap niyo ngayon. Sila yung naging knight in shinig armor ko. Dahil sa kanila nagkaroon ako ng confidence at pagkabilib sa sarili ko. Kaya naisip ko, paano kung wala akong kapatid? Magiging ganito pa kaya ako kasaya? Paano kung walang Dawn at Sky na nasa tabi ko, matututo kaya ako kung paano maglakad sa sariling paa? Siguro hindi. Never."


"Gusto kong magpasalamat sa inyo, Sky at Dawn. Marami tayong pagsubok na pinagdaanan at natuwa akong malagpasan na natin yun nang magkasama. Mas naging matibay pa tayo. BFFs. Sisters Forever. Ganyan tayo. And girls, I love you.... so much."


Nakita ko kung paano pinunasan ni Dawn ang pisngi nya. She's crying. Si Sky naman namumula.


"Dear batchmates. Gasgas na nga ang katagang 'This is not the end but the beginning', pero hindi po gasgas ang gustong ipahiwatig nito. Yes, this is indeed the end. The end of our highschool Life. And yes, this is the beginning. The new beginning. Ito ang pagsisimula ng pagsuong natin sa totoong mundo. Sa mga totoong pagsubok. Sa mga totoong pangyayari sa ating buhay na magiging tulay, para malaman natin ang totoong tayo."


"Malalayo nga tayo sa mga kaibigan natin ngayong highschool. Pero tandaan, walang 'its complicated' sa friendship. At okay lang ang 'long distance relationship'. Basta always remember guys. In Friendship, TRUST is a MUST."


"As we enter our college life, there's no turning back. Straight ahead ang ruta natin.And my fellow graduates, eto lang ang payo ko sa inyo...."


"....Be Brave and Face Our World full of Mysteries and Lies. Dahil tayo..... Tayo ang pag asa ng ating bayan.. Tayo.. Tayong lahat... Malay natin nasa atin ang susunod na presidente. Believe in yourself. Sabihin mo sa sarili mo na kaya mo. Kayang kaya mo."


" Before I end my dramatic speech, I just want to share this quote: There is no key to happiness. Because the door to happiness is always open. Therefore, its our choice kung gusto nating sumaya o hindi. Dahil Happiness is the true key to Success  Thank you and Good Morning."


Isang standing ovation ang natanggap ni Cloud nang matapos ang kanyang speech. Marami ang napaiyak at maraming mata ang nabuksan dahil sa madamdaming speech nya. Deserve nga talaga nya ang pagiging Valedictorian.

*********

"Graduate na tayooooooooooooo!!!!!!!!" sigaw ni Sky nang matapos ang Graduation. Niyakap na niya sina Ray. Na nagbulgar na talaga. At si Lenn na happy na happy sa bago niyang girlfriend---- si Julia.

"Natapos na din ang mga paghihirap natin." dagdag pa ni Dawn. Nagawa na niyang patawarin si Aly. Sayang lang at hindi nakita ni Raf ang pagtatapos nila. Nakakatuwa pa rin dahil nakita niya ang pagmamahalan ni ate Gia at Art. So sweet.

"At marami din tayong natutunan." sabi naman ni Cloud. Mas naging masaya na siya dahil mas tumibay ang friendship sa pagitan nina Rain at Fate. She was indeed contented.

Ngkatinginan ang magkakapatid. At sabay pa silang ngumiti at niyakap ang isa't isa.


"I love you girls."

Napangiti na rin ang mga magulang nila pati na ang mga prince charmings nila. It was a perfect moment.


Tapos na nga  ..... ang highschool life nila.

Pero simula na ito ng pagiging parte ng totoong mundo....

Handa na si Cloud....

Kahit siya ay naging pipi at hindi magawang makapagsalita sa kung ano ang gusto nyang sabihin, kaya pa rin niyang panindigan ang sarili. At ang mga kapatid niya.


Kaya na ni Dawn...

Kahit siya ay nag bingi bingihan sa sinasabi ng puso nya kung gaano pa rin niya kamahal si Raf, nagawa pa rin niyang makinig sa puso na muling magmahal. Sa lalaking nagpahalaga sa kanya, kay Rukawa. Hinding hindi din nya malilimutan si Rafael... ang una niyang pag ibig.


Hindi aatras si Sky...

Kahit na na-bulag siya sa galit sa lalaking inakalang nanakit sa kapatid niya, nagawa pa rin niyang imulat ang mga mata at tumingin na meron pa rin syang halaga para sa mga taong nagmamahal sa kanya. Ang mga magulang, mga kaibigan, si Recca at lalo na ang mga kapatid niya.


Iba't ibang pagsubok...


Pero naging happy ending naman...

Hindi sila tuluyang nabuwag...

Sila pa ring triplets ang magkakasama..

magdadamayan...

at magmamahalan...

Forever...


******


END

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon