Chapter 21: Revealed

487 13 1
                                    

Beware of the grammatical errors.


follow me on Instagram pipz!

@thepinkish_rose

**************

Dawn's POV

Sana mapigilan ko ang sarili ko na bugbugin ang lalaking nakatalikod sa akin ngayon.


"Rain." sambit ko.


Agad naman syang lumingon. Kumpara sa Rain na lagi kong nakikita sa school, ang Rain na nasa harapan ko ay parang ibang tao na base na rin sa expression ng mukha nya.



He is cold as an ice.



"Kilala mo ba kung sino ako?" tanong ko kay Rain.



Nanatili ang expression ng mukha nya.

"Dawn."



Lumapit ako sa kanya.





****paAAaaaaaKkkk






"Mabuti naman kilala mo ako! Pero bakit di mo nakilala sina Sky at Cloud?! Ganoon ka na ba katanga?!" galit na sabi ko..



Wala syang karapatan na saktan ang mga kapatid ko. Siya ang puno't dulo ng lahat!


Siya ang dahilan kung bakit nasasaktan kaming tatlo ngayon.



"Bakit mo ginawa yun Rain?! Bakit mo niyakap si Sky? Sa harapan pa ni Cloud?! Di ka naman siguro Tanga at Bulag para di mo malaman na may gusto si Cloud sayo!"



Nanigas siya. Halatang nagulat.




Ang tanga nya!!!!!!!




"Oo Rain! Gustong gusto ka ni Cloud! O baka nga mahal ka na nun. Kaso may girlfriend ka na. Alam mo ba kung gaano sya nasaktan nang malaman nya yun?! At ang tanga rin ng kapatid ko dahil patuloy pa rin sya sa paglapit sayo."





Kumpara kanina,may expression na ang mukha nya.




Guilt.




"At sa ikalawang pagkakataon, sinaktan mo na naman sya! Ano ka ha?! Wala ka na ba talagang puso?!!!"



Biglang may tumulong luha sa pisngi ko.Paking tape! Naiiyak na ako nang dahil sa galit!



"Ano Rain?! Di ka pa rin ba magsasalita?! Magpaliwanag kang gago ka!!!!"



Tuluyan na akong napahikbi.







Akala ko  di na sya magsasalita....



"Mahal ko si Cloud."


Napaangat ako ng tingin kay Rain. Hindi sya nakatingin sa akin.



"A-anong sabi mo?"



As if on cue , tumingin sya sa akin at doon nakita ko kung paano umagos ang luha nya.




Umiiyak si Rain.




"Mahal ko si Cloud. Kaya ko ginawa yun dahil nagseselos ako. Dahil akala ko, si Art ang gusto nya."




Tuluyan na akong napanganga. Paano napasok si Art?



"Oo, may gf ako. Mahal ko naman talaga si Fate eh. Pero iba ang nararamdaman ko kay Cloud. Mas grabe pa sa nararamdaman ko kay Fate. At di ko maintindihan yun! Alam mo ba yun? Ha Dawn?!"



Nakikita ko na ang sakit sa mukha nya habang patuloy na umaagos ang mga luha nya.



"Hindi lang si Cloud ang nasasaktan. Pati na rin ako. Mas nasasaktan ako ngayon dahil nalaman kong.... mahal rin nya ako."



Di ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Rain. Mahal rin nya si Cloud.


"Ngayon gusto kong humingi ng tawad sa kanya. At simula ngayon, gagawa ako ng paraan para mas mapalapit ako sa kanya. At para maramdaman nya na mahal ko sya. Kailangan ko ring ayusin kung ano ang meron sa amin ni Fate."  maya maya ay sabi nya habang pinupunasan ang luha nya.

Biglang humupa ang galit ko . Siguro ay mapapatawad n rin ni Cloud si Rain.

"Gawin mo yan. Titingnan ko kung okay ka pa para sa kapatid ko."

Nakatingin lang sya sa akin.

At unti unting ngumiti.

"Salamat Dawn."

Im sure miss na ni Cloud ang ngiting yan.

Ngumiti na rin ako. "Walang Anuman."

Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

Cloud calling...

"Tumatawag si Cloud." sabi ko kay Rain

"Wag mo munang sabihin na nagusap tayo."

"Okay."

"Hello Cloud?"

"Dawn! Nasa Ospital si Sky. Puntahan natin sya."

Nanlaki ang mata ko. At kumabog ng husto ang tibok ng puso ko.

"P-paano sya na ospital? May nangyari ba sa kanya."

"Di ko alam Dawn. "

Dinig ko sa kabilang linya na umiiyak si Cloud.




Nang ibaba ko na ang telepono, tumingin ako kay Rain..

"Kailangan nating pumunta sa ospital."

"Bakit? May nangyari ba kay Cloud?"

"May nangyari kay Sky."

"Kay Sky?!"

"Wag ka ng madaming tanong. Tara na."

Hinila ko na si Ulan pero bago kami makapunta sa dala nyang kotse, may isang babaeng nakatayo sa harap namin..

Di ko sya kilala. At di ko maintindihan ang nababasa ko sa mga mata nya.


Pain.

"Fate." usal ni Rain.






O.O



Siya si....




Fate?!


****************




Abangan ang nalalapit na pagtatapos.

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon