Chapter 24: Rain

508 13 1
                                    

Beware of the grammatical errors :)


Dedicated to Pangit_ko.
A beautiful fan of SBPB. Salamat gurl ..

******************

Cloud's POV


Dahan dahan akong pumasok sa silid ni Sky.

Natutulog pa rin sya.


Napangiti ako. Sobrang saya ko na ligtas sya. Makakasama ko pa rin ang kakambal ko.

Siguro ito yung lesson. Na kaya binuhay ni Lord si Sky, ay para ma realize ko na masakit palang mawalan ng kapatid. Di kompleto yung pagkatao ko.

Doon ko rin na realize na mahal na mahal ko ang kapatid ko. At walang silbi na magalit pa ako sa kanya.

Napalis ang ngiti ko nang maalala ang pag uusap namin ni Fate. Siya pala ang gf ni Rain.

Ang liit ng mundo.

Flashback

"Cloud."

Nagmulat ako ng mata. Kasalukuyan akong nasa chapel at nagdadasal para kay Sky.

Si Fate.

Umupo sya sa tabi ko.

"Fate."

Ngumiti sya. "Ikaw pala ang kinukwento ni Ian. Ni Rain. Ikaw pala yung... bago nyang gusto."

Nakita ko kung paano nalungkot si Fate.

Nakaramdam ako ng guilt at pagkalito.

Gusto ni Rain?

"Fate walang namamagitan sa amin ni Rain. M-magkaibigan lang kami." sabi ko sa kanya.

"Alam mo bang magkasama sila ni Dawn bago ka tumawag na na ospital si Sky?"

Magkasama sila?


"Doon inamin ni Rain na ikaw na ang mahal nya. At wala na syang nararamdaman para sa akin."

Nakita ko ang luhang lumandas mula sa mata ni Fate.

"Fate.."

Hinawakan ni Fate ang kamay ko. At ngumiti sya nang malungkot.

"Cloud, pinapakawalan ko na si Rain...


....pinapaubaya ko na sya sayo Cloud."


Nabigla ako sa sinabi ni Fate. Akala ko sasabunutan nya ako.


"I love him Cloud. That's why I want him to be happy. And that's why Im letting him go. Alam kong mas magiging masaya sya kung nasa piling ka nya....

......Make him happy for me."

Yun lang at tuluyan na nya akong iniwan.

End of Flashback


Hindi ko alam kung paano ako mag rereact kung magkausap kami ni Rain.


"Cloud?"


Biglang nagmulat ng mata si Sky. Agad ko naman syang niyakap nang mahigpit.

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon