Chapter 6: Ex

904 21 13
                                    

Beware of the grammatical errors.

dedicated to my sisters : Jamjam and Yna.

*************

Dawn's POV

"Art!"

Napalingon sa akin si Art.

"Hi."

Ngumiti ako. Di pa rin nya talaga matukoy kung sino ako sa aming tatlong magkakapatid.

"Ako to si Dawn."

Ngumiti sya. "Oh Dawn. May kailangan ka?"

Tumango ako. " Gusto ko lang sabihin na gusto kong tumakbo as the President of the Student Council."

Lumiwanag ang mukha nya.

"That's great! You made a right choice Dawn."

"Ofcourse. Matagal ko rin tong pinag isipan."

"Very Good. Mag sign up ka na at isang candidate nalang ang kailangan para may maging opponent ka."

Ngumiti ako. "Thanks Art."

Pagkatapos kong mag sign up naglakad lakad muna ako sa school. Hanggang sa mapadpad ako sa garden ng school. Ang ganda.

Bigla ko na namang naalala si Rafael.

No I wont cry.

Pero di ko talaga maiwasang malungkot.

Kahit masyado pa akong bata, alam kong minahal ko talaga si Raf.

Kahit sinaktan niya lang ako.

Biglang akong may naramdaman na tao sa likod ko.

Sino to?!

Nang hawakan nya ang balikat ko, napasigaw ako at sinuntok sya habang nakapikit ang mga mata ko.

Defense Mechanism.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakahiga na sa sahig. Hindi ko makita ang mukha nya.

Napatay ko ata.

Dinaluhan ko sya.

"Hoy. Gumising ka. B-buhay ka pa ba?"

Pero hindi sumasagot ang lalaking ito. Kaya inikot ko sya at nang makita ko ang mukha nito.

0_0

"R-rafael?"

Bat nandito sya?

Kainis!  Di ba graduate na sya? Bat nagpakita na naman sya? Lumabas uli ang galit ko.

Parang gusto ko syang tadyakan at nang hindi na talaga sya magising but I felt bad. Para na akong sadista pag nagawa ko pa yun.

Bat kasi nandito sya?

At dahil mala anghel ako naisip kong dalhin sya sa clinic.

Pero di ko sya kayang buhatin dahil ang tangkad nya at medyo mabigat. Kaya tinawagan ko si Sky.

"Hoy." bungad ko.

"Ano?" sagot nya.

"Pumunta ka ng garden."

"Bakit?"

"May nasuntok ako at nawalan ng malay. Kasama mo ba si Ray?"

"Oo."

-_-

"O sige isama mo sya rito. Dalian mo para madala to sa clinic."

"Opo maam."

Si Bulag, Pipi at Bingi: The Tale of the TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon