[14- Mapasakin]
Christian
Naiinis ako na ewan bakit siya may flowers? Bakit nandon si Axel? Sa pagkakaalam ko wala naman nanliligaw sa kanya dapat oras ko yun nasira yung pagbibigay ko ng bracelet dapat magiging sweet yun.*knock knock*
"Come in!" Ayos parang kanina nagkita lang kami
"Axel may maitutulong ba ako sayo?"
"Wala naman may gusto lang ako sabihin sayo" nagaayos ako ng mga papers kaya nakatalikod ako sa kanya nasa harap padin siya ng pinto ayaw niya ba pumasok?
"Sige ano ba sasabihin mo maupo ka muna" humarap na ako sa kanya ewan ko ba parang gusto ko siya asarin dahil sa nangyari kanina
"Hindi na doc mabilis lang to back off! Wag mo na siya lapitan" napangiti ako sa sinabi niya si kesha ba ang tinutukoy niya hah don't tell me may gusto din siya kay kesha? Sa pagkakaalam ko wala naman siya sineseryoso na kahit sino babae
"Sino ba tinutukoy mo?" Sumandal na ako sa lamesa mukang may kompetisyon sa pagitan namin ayoko masaktan si kesha at mapunta sa walang kwenta lalaki na gaya niya
"Kesha" woah medyo maangas ka pa kaya ko ibigay si kesha pero sa taong karapat dapat
"Bakit ko naman siya lalayuan? At sino ka ba para sundin ko?" na mag halong nakakalokong ngiti tignan natin kung hanggang saan kaya mo
"Basta layuan mo siya tapos ang usapan" sabay alis wow ha boss ba kita para gawin ko yun dahil diyan mas lalo ko tuloy magugustuhan si kesha lalo na alam ko na may karibal ako.
_________Kesha POV
Sa wakas tapos na lahat ng assignment makakapagpahinga narin humiga na ako sa kama nakakapagod talaga ngayon araw ang dami nangyari kakaiba una si axel nagbibay ng flowers sunod si doc bracelet tapos si xander na binalaan ako na magingat wala naman ako kaaway or kagalit para pagingatan ang weird talaga.
*calling bes*
"Hello dyosa speaking"
"Loka! Dyosa ka dyan may chika ako sayo bes!" Inaantok na ako pero gusto ko muna malaman kalokohan nito
"Ano yun? Nakabuntis ka?" Natawa siya sa sinabi ko hmm muka siyang masaya ngayon
"G*ga may nanliligaw na sakin!" Woaah napadilat ako sa narinig ko kakaiba talaga to si breezy
"Really? Sino nabiktima mo?"
"Hmm si Luke" asdfghjk! Seryoso ba to? Teka baka nananaginip lang ako kinurot ko yung pisngi ko masakit so totoo to paksh*t.
"Bakit siya pa? Pumayag ka na kagad!" Halos pasigaw ko na tanong sa kanya.
" uhmm oo" ohh no!
"Hindi ka man lang nagpabebe or pakipot? Umoo ka na kagad?"
"Bes relax ligaw pa lang hindi pa kami" oo nga masyado ata ako naging oa
* knock knock*
" bukas na tuloy ang chika may gagawin pa ako bye bye love you!" Tumayo ako sa ako sa kama para pagbuksan yung pinto at bungad sakin ang napakaganda ko mommy.
"Yes ma? " hindi ko na siya pinapasok kasi magulo ang kwarto ko hindi pa ako nakakapagligpit
"May bisita ka sa baba" sabay haplos sa aking ulo at matamis na ngiti hindi pa ako nakakasagot umalis na kagad siya. Nagayos muna ako nagpalit ako ng short ayoko bumaba ng naka panjama nakakahiya tapos hindi ko man lang natanong kung sino yung bisita. Pagdating ko ng sala hindi ko inaasahan na nandito yung mokong na yon yes si Axel at teka ang ganda ng porma niya ngayon new haircut tapos naka long sleeve na nakatupi hanggang siko with short na hanggang tuhod at black vans wow ano meron?
"Yes bakit ka nandito?" Mataray ko na sagot
"Anak hindi kita tinuruan sumagot ng ganyan sa bisita" oops narinig pala ni mommy kami lang kasi ni axel nandito sa sala nasa kusina sila ni daddy teka bakit nandon sila? Omg baka nakikinig sila samin!
"Sorry po ma" narinig ko na tumatawa si axel tignan mo ito mokong na ito pinagalitan na nga ako tatawanan pa ako.
" uhmm tita?" Tumayo siya at tumingin kay mommy kaya napatingin na ako sa kanilang dalawa.
"Yes anak?" Wow grabe si mommy yung ngiti niya akala mo ikakasal na ako wtf? Anong kasal? Ano ba pinagsasabi ko?
"Lalabas lang po kami ni kesha saglit babalik ko rin po siya" sabay akbay sakin wtf? Napatingin ako sa kamay niya sabay tangal grabe ah!
"Sure iho kahit bukas mo pa siya ibalik" nanlaki ang mga mata sa narinig ko mommy ko ba talaga yan?
"Haha hindi naman po tita sige po mauna na po kami" sasagot pa sana ako kay mommy kaya lang hinatak na ako ni axel ano ba meron ngayon araw puro kakaiba ang mga nangyayari.
"Teka nga!" Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya nasa kabilang kanto na kami ang bilis niya maglakad!
"Bakit?" Aba may gana pa siya ngumiti ng nakakaloko
"Anong bakit? Bakit ka ba nandito? Bakit may pahawak hawak pa?!"
"Chill ka lang basta sumama ka na lang sakin sa playground lang tayo" tss hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumama sa kanya malapit lang naman yung playground teka bakit walang ilaw? Lagi may ilaw dito tska wala man lang mga tao?
"Axel bitawan mo nga ako!" Tinakpan niya yung mata gamit ang panyo niya sisigaw na sana ako natakpan niya kagad yung bibig ko
"Relax ka lang wala ako gagawin na masama sayo" naglakad kami ng konti binulungan niya ako na bumilang daw ako ng one to three at tanggalin ko na yung takip saking mga mata.
"1.....2......3......" Unti unti ko tinggal yung takip halos maiyak ako sa nakikita ko napakaganda na parang sa pelikula ko lang nakikita. Puro pink petals ang nasa sahig ng playground maraming ilaw na nakasabit na nagsisilbing liwanag dito natanaw ko si axel na nasa kabilang bridge na kumamay sakin.
"Halika dito!" Sigaw niya mula sa kabila bridge
Pumunta ako miski itong bridge ay may mga nakasabit na ilaw at petals na pink sa sahig. Napalibutan din ng mga bulaklak ang hawak ng bridge napaka romantic naman nito ng makarating na ako sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang ganyang side ni axel totoo ba ito nakikita ko?
"Axel ano meron?"
"Kesha hindi na ako magpapaligoy ligoy pa liligawan kita" sabay abot ng pink na bouquet of flowers sakin, omg! Kinikilig ako! Hindi ko matago ang ngiti saking mga labi.
"Kesha gusto kita, Gusto kita mapasakin"
-Vote-Comment-share
![](https://img.wattpad.com/cover/24209629-288-k430110.jpg)
BINABASA MO ANG
Try Me, Heal Me Arranged Marriage
General FictionWhen the bad and playboy meets his "death karma" and his own guardian angel challenge him to find the meaning of love and change his self into a good boy if he failed in his angel challenge he will die and with the help of their new classmate can t...