34

42 4 1
                                    

34 - Wait for me
Kesha POV

Ang tagal namin naghihintay dito sa labas ng surgery room nandito na kami lahat kanina pa dapat ito tapos pero inextend pa ata hindi namin alam kung bakit wala kami mapagtanungan dahil hindi pa lumalabas si Doc Christian nung nagtxt si tita sa amin dali dali kami pumunta hindi niya din alam pero hindi daw maganda ang kanyang kutob dahil hanggang ngayon hindi parin tapos.

"Kesha wake up" tapik sa akin ni tita nakatulog pala ako kaming dalawa na lang ang nandito,

"Tita sila Luke, Xander at tito po?" Umayos ako ng upo sa tabi niya

"Bumili lang ng pagkain lunch time narin hindi pa tayo kumakain at hindi padin tapos" tumingin siya sa orasan sa taas ng pinto ng surgery room kaya napatingin din ako

"Ano oras kaya sila matatapos?"

"Hindi ko din alam anak magdasal at ipanalangin na lang natin na sana maayos ang lahat"

"Yes tita" niyakap ko siya ng mahigpit dahil napansin ko na may namumuo na luha sa kanyang mga mata kagabi pa siya umiiyak

"Alam mo ba nung maliit pa yan si Axel pasaway na bata pero kapag pinagalitan parang pagong na magtatago sa bahay niya" hinayaan ko lang siya magkwento.

"Mabait na bata pero pasaway simula nung nangyari sa kanila ni Maxine naging loko loko narin pero alam mo ba natuwa kami ng malaman namin na nagkakamabutihan kayo"

"Bakit naman po?"

"Malaki ang pinagbago niya dati kasi hindi niya kami kinakausap simula nung kay Maxine lumayo ang loob niya sa amin pero nung dumating ka bumalik yung dating mabait na bata pero pasaway nakikipag kulitan at biruan na siya sa daddy niya sinasamahan na niya din ako mag mall kaya nagpapasalamat kami na dumating ka"

"Ganon po ba? Ang lakas ko po pala kay Axel tita" natawa din siya sa sinabi ko ayan kahit papano gumaan ang pakiramdam namin

"Mama na ang itawag mo sakin ikakasal narin naman kayo at magkaka apo" natawa na din ako sa sinabi niya teka apo?

"Hala mama apo kagad? Masyado pa po maaga yan"

"Yung arranged marriage na yan hindi namin inaasahan na magiging kayo din pala ang tagal namin pinagplanuha yan ng mama mo tapos malalaman namin na pala takaga noh? Ang cute niyo nga tignan sa hindi inaasahan pagkakataon kayo din pala sa huli" kinilig naman ako sa sinabi ni mama ngayon lang kami nagkausap ng ganito kapag magkasama kami puro pangangamusta lang kasi ang madalas namin mapagusapan

"Hindi ko din po inaasahan na siya din ang huli mama"

Bigla bumakas ang pinto ng surgery room at sabay kami napalingon

"Doc kamusta na po ang anak ko?" Dali dali ito lumapit kay doc para kamustahin si Axel

"Ililipat na namin siya sa kanyang kwarto successful naman ang kanyang surgery natagalan lang dahil sa pagbaba ng kanyang blood and heart rate obserbahan muna natin siya hindi natin alam kung kelan siya magigising at sa pagising niya ay matatandaan niya padin ang lahat" bigla tumingin sakin si doc.

Tanggap ko naman kung makakalimutan niya ako hindi ako aalis sa tabi niya handa ako gawin ang kahat para maalala niya ulit ako, kami.

"Salamat po doc" hinawakan ni doc si mama sa balikat senyales na okay ang lahat at wag siya magalala lumapit ako kay doc para magpasalamat

"Thank  you doc"

"No problem lakasan niyo lang loob niyo wag kayo mawalan ng pagasa" hindi padin nagbabago ang dating doc na kilala ko alam ko na may gusto siya sakin inamin niya iyon sa isang sulat na nakaipit sa aking test paper

"Hi kesha alam ko bawal pero mas maganda ng alam mo hindi ako humihingi ng permiso sayo gusto ko aware ka kung bakit ako iiwas sayo hindi na ako magiging tulad dati na close sayo magbibigay na ako distansya hindi bilang prof kundi bilang lalaki at respeto kay Axel alam ko gusto mo siya, Kesha may gusto ako sayo noon pa hindi ko lang sinasabi dahil mahigpit na pinagbabawal dito ang isang relationship as student and professor binibigyan ko din distansya ang sarili ko na huwag umasa sayo ito na ata ang senyales na hanggang dito na lang tayo ingatan mo ang sarili mo pati narin si Axel kung sakali saktan ka niya nandito lang ako na pwede mo lapitan gaganti ako kung gusto mo sana sa paglayo ko huwag mawawala ang ngiti sayo mga labi sa tuwing nagkikita tayo gusto ko lagi ka parin masaya at nakangiti kahit wala ako alam ko kaya gawin yun ni Axel at alam ko na mas higit pa ang kaya niya gawin kesa sakin

Kesha magaral ka mabuti hihintayin kita umakyat at makakuha ng diploma sa stage at tawagin din kita Doc nandito lang ako kapag kaylangan mo ng tulong sa mga subjects mo huwag mo papabayaan sarilo mo ah! Take care always kesha -Christian"

Hanggang ngayon nakatabi parin ito sa cabinet ko nalala ko na naman ang kanyang sulat pagkatapos non umiwas na nga siya hindi na kami ang tulad ng dati professor na talaga siya at student niya lang kung tutuusin hanggang sa nasanay na ako sa kanya hinayaan ko na lang tinuon ko ang sarili ko noon kay Axel

"Salamat po ulit doc" ngumiti siya, ngiti na matagal ko na hindi nakikita ginulo niya ang aking buhok na parang maliit na bata

"No problem kesha sige mauna na po ako sainyo tita tawagan niyo na lang po ako kung may problema po bukas ko na po dadalawin si Axel sa kwarto niya"

"Sige magpahinga ka na iho alam ko na pagod ka na" nagmano kuna ito kay mama bago lumisan

_______

Matapos ang ilang oras hindi parin siya nagigising

"Kesha mabti umuwi ka muna para magpahinga" paalala sakin ni tito kami dalawa lang ang nandito pagkatapos namin kumain ng dinner kasama sila Luke at Xander ay umuwi din sila kasama si tita para makapagpahinga

"Sige po okay lang po ako nasabi ko na po kay daddy na dito ako matutulog bukas daw po pala sila dadalaw dito" nakaupo siya sa sofa habang nanunuod ng balita

Tinignan ko si Axel sa akin tabi ng kanyang kama na mahimbing natutulog may nakapalibot na benda sa kanyang ulo hinawakan ko ang kanyang kamay sana maalala mo parin ako pag gising mo

"Anak lalabas lang ako saglit para sagutin ito tawag"

"Sige po"  matapos ang ilang minuto ay bumalik din ito kaagad

"Anak kaylangan ko bumalik sa opisina babalik din ako kaagad may kaylangan lang ako ayusin" hindi na ako nakasagot dahil pagmamadalo nito mukha nga talaga importante ang aayusin niya sa office nila.

"Axel gising ka na" hiniga ko ang aking ulo sa kanyang kamay at pinaglaruan ang kanyang mga daliri ilang minuto din ako naka ganito position

"Axel kakain lang ako saglit" inangat ko na ang aking ulo at bibitawan ko na kanyang kamay nakita ko na gumalaw ang kanyang hintuturo kaya't napatingin ako sa kanya nakatitig siya sakin. Omg! Gising na siya hindi ko alam kung ano gagawin ko basta naluluha ako na natutuwa
"Axel?" Tinititigan niya lang ako kusa na lumuha ang aking mga mata at kaagad tinawagan sila Doc Christian pati sila Mama para sabihin ang good news

Habang hinihintay ko sila, nakatitig lang kami sa isa't isa ni Axel sa palagay ko hindi niya parin ako naalala dahil wala parin siya reaction kasi kung naalala niya ako yayakapin niya kagad ako pero hindi.

"Axel may gusto ka ba kainin?" Pinikit niya ang kanyang mata hindi ko alam kung malulungkot ba ako sa sakit kasi hindi niya ako malala o lungot na sana mas hinanda ko pa ang sarili ko para dito akala ko madali lang pero kapag nagising ka na sa katotohanan ang hirap pala ang sakit.

"Sino ka?" Sa kanyang pagkagising unang bigkas ng salita na nagpaluha sakin ngayon

Vote-comment-share

Try Me, Heal Me Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon