[5-hot sauce]
Kesha
Mommyy calling
"Hello mommy? " andito ako ngayon sa library para tapusin ang aking mahiwagang thesis. Itong thesis ko ang hirap pero kaylangan tiisin, hintayin at mag effort parang pagmamahal na kaylangan mo magtiis, maghintay at mageffort maihugot lang! Hahaha"Darling i miss you" ang sweet naman ni mommy ano meron dito at naglalambing? For sure may iuutos sakin to.
"I miss you to mommy " nakita ko si apple na papasok sa library kaya kinawayan ko siya para makita ako at tumabi sakin.
" are you busy? Can we have a family dinner tonight?" Woah family dinner ang tagal narin simula nung last family dinner namin. Nasa tabi ko na si apple may bingay saking papel at talagang sinulat niya pa kung sino ba ang kausap ko ganyan yan kapag may kausap ako sa phone hindi siya nangiistorbo pero aalamin niya kung sino kausap ko. Sinulat ko mommy at binalik sa kanya.
"I'm not busy sure mom what time?"
"Susunduin ka namin dyan sa bahay pero papapuntahin ko muna si auntie zen dyan para ayusan ka" oohh bakit may ayusan na ganap? Family dinner lang naman.
"okay pero mommy bakit po ako aayusan pa for family dinner lang naman"
"We will meet someone and for sure magugustuhan mo see you later bye darling love you"
"Love you too mommy "woah talaga para iba na yan pano magugustuhan? Artista ba yan? Korean? Or baka si Doc Christian magpapakasal na ba kami? Our feeling is mutual. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo hampasin ba naman ako ng thesis book sa ulo hindi ka ba masasaktan? Well kung manhid ka hindi ka masasaktan.
"Bakit ka naka ngiti diyan? Nagpapantasya ka na naman noh?" Ayy grabe siya ohh manghuhula na siya hindi ako nainform hahaha
"Pano mo nalaman bes? Sa tingin mo magiging kami ba ni bhebhe Christian? " Oo bhebhe ko na siya ngayon.
"Tumigil ka nga kahit kelan hindi magiging kayo kasi wala ka pagasa" kontrabida talaga to ayaw ako suportahan pero totoo naman talaga yung sinabi niya.
"Tss tara na nga kumaen na lang tayo hindi naman masama mangarao " nagligpit na lang kami at umalis sa library kung saan maraming kabataan ang natutulog lol hahaha.
"Oo hindi masama mangarap pero ang umasa yun ang umasa kakain ka non ng buong buo hanggang masaktan ka! " sabay hatak sakin palabas makahatak naman to wagas.
Pero tama siya wag umasa!
_______Cafeteria
Habang nakapila kami sa tamang pila syempre mabait kami hindi kami sumisingit sa pila. May papogi na sumingit sa pila namin at talagang sa harapan pa namin sympre walang iba kundi ang napakahangin sa sobrang hangin *pede na liparin si chuchay joke* pede na liparin ang palda ko si Axle sino pa ba. Sympre mabait ako kaya binatukan ko siya nakatalikod kasi siya sakin kaya madali lang batukan sa sobrang lakas nauntog siya sa kaharap niya na lalaki. Hahaha nice karma ayan na! Lumingon siya sakin na parang tigre kung makapatay tapos namumula yung noo parang siopao hahahaha!
"Wtf! Ano ba problema mo?" Makasigaw naman siya magkalapit lang kami
"Ikaw ang problema ko matuto ka pumila sa tamang pila" pasigaw ko na sagot sa kanya
"Bait sino ka ba para sundin ko? Duterte ka ba? Presidente ka ha?!" Tignan mo nandamay pa ng ibang tao. Ang bad talaga.
"For your information sumusunod ako sa batas at tungkulin ikaw ba may sinusunod ka ba? Kaya hindi tayo umuunlad hindi ka marunong sumunod!" turo ko sa muka niya as in sa muka niya kahit matangkad siya tumingala talaga ako para sa kanya.
"Hindi lang ako ang hindi sumusunod marami pang iba wag mo nga isisi sakin yan pumila na lang ng makakakain na bwsit" ako pa bwisit ngayon siya na nga ang sumingit mukang wala siya sa mood mangasar ngayon tahimik ata siya baka may nakain kaya ganyan.
Matapos na ako maka order naghanap na ako ng lamesa ang tagal naman bumalik ni apple sabi niya mag ccr lang daw siya baka kinain na ng cr yon. May tumabi sakin na lalaki tss axle na naman hindi ba ako lulubayan nito hinayaan ko na lang siya tutal gutom na ako at tahimik lang siya busy ako kumain ng burger na may hot sauce mahilig ako sa spicy siya naman kumakaen ng meatballs sweet and sour with rice. May tumawag sa kanya na kaklase napalingon din ako akala mo kilala ko haha pinalapit siya sa kabilang table. Dahil nga mabait ako at hindi bully nilagyan ko ng hot sauce yung ulam niya super anghang pa naman ng hot sauce na to for sure masasarapan siya dito haha. Halos nakalahati ko yung laman ng bottle hot sauce ang tagal niya bumalik kaya naisipan ko umalis na lang baka magaway kami ng hindi oras mapagbintangan pa ako haha.
Axel
Nakakainis batukan ba naman ako pumila lang naman ako sa napakahabang pila ayoko pumila sa dulo ang haba kaya at nagugutom na rin ako kaya sumingit na lang ako tas babatukan at ssermonan pa ako ano ko ba siya nanay?
Nakaorder na rin ako sa wakas at kung minamalas ka nga naman walang upuan lahat bakante ayoko tumabi sa iba wala pa mga tropa ko busy sila sa kanya kanya nilang pagttrip magisa na naman ako. Ayun may nakita ako bakante may babaeng nakaupo uupo na lang ako ng walang paalam wala ako pake sa kanya. At kung minamalas ka nga naman yung nanermon at nang batok pa ang nakatapat ko si kesha napaka sungit sakin nito wala naman ako ginagawa pero alam ko sila luke ma ginawang kalokohan dito. Una namin pagkikita sa classroom nagpakilala ako singutan ako nagandahan lang naman ako sa kanya kaya ako nagpakilala akala niya siguro crush ko siya tss ganyan yang mga babae assume ng assume mga feelingera. Sa magttropa ako ang pinaka mabait at gwapo sila kasi loko loko mas seryoso ako sa kanila magisip pero sa babae hindi may sineryoso ako pero niloko lang ako kaya magloloko na lang ako para fair past is past haha pero higit sa lahat ako ang pinaka gwapo sa aming magttropa.
Habang kumakaen kami ng sobrang tahimik akala ko hindi makakabasag ng pingan tinawag ako ng isang kaibigan ko at pinalapit sa lamesa nila kaya iniwan ko muna yung pagkaen ko" tol nagtxt si coach may pinabibibay sayo ikaw na bahala sa line up wala daw training" binigay niya sakin yung maliit na notebook ni coah para sa line up. Varisty ako ng volleyball dito sa campus isang pinaka poging libero.
Kinuha ko yung notebook "cge tol ako na bahala tayo tayo lang ba ulit maglalaro?" Nakiupo narin ako sa tabi niya nakakapagod tumayo.
"Oo tol tayo lang pero alam ko open siya para sa lahat ng manunuod dito kaya kaylangan natin galingan may mga fans tayo" sympre naman ayoko masaktan mga babae ko na amaze na amaze sakin maglaro.
"Cge tol una na kami ikaw na bahala txt mo na lang kami kapag may kaylangan ka" tumayo na sila at nagpaalam sa isa't isa pagkabalik ko sa lamesa wala na si kesha wala na din yung pinagkainan niya. Binalikan ko yung pagkaen at yuucckkk! Halos iduwal ko yung kinaen ko sa sobrang anghan wala pa nama ako tubig kaya dali dali ako kumuha ng tubig sa counter napainom ako bigla sa sobrang anghang hindi naman ganon kanina yun ahh! At higit sa lahat ayoko ng maanghang! Ayy mukang alam ko na kung sino may gawa may hot sauce si kesha kanina habang kumakaen siya tss! Panigurado ako siya may gawa sakin non hindi ko alam kung bakit mainit dugo sakin non. Gaganti ba ako?
-Votes-Comments-Share-Spreadlove
special mention kay
@SpaceUnicorn_23
@SpaceUnicorn_23
@Lovskoh
@iaraykeyey
Thank you sa comments votes and supports labyou!
![](https://img.wattpad.com/cover/24209629-288-k430110.jpg)
BINABASA MO ANG
Try Me, Heal Me Arranged Marriage
Fiksi UmumWhen the bad and playboy meets his "death karma" and his own guardian angel challenge him to find the meaning of love and change his self into a good boy if he failed in his angel challenge he will die and with the help of their new classmate can t...