18

23 5 0
                                        

[18- Small kiss]
Kesha POV

"Bes pano mo ba malalaman kung mahal ka ng isang tao?" tanong sakin ng nababaliw ko na best friend nandito kami ngayon sa terrace ng isang coffe shop

"Bes bilang babae malalaman mo yun sa effort" sagot ko sa kanya

"Bes lahat ng lalaki kaya gumawa ng effort pero hindi lahat loyal sayo at mahal ka talaga" depensa niya hmm oo nga.

" Siguro kapag nakita mo siya nasaktan sa ginawa mo don mo malalaman at makikita na nasaktan mo  siya at mahal ka niya talaga, kasi diba kapag nagmahal ka hindi mawawala ang sakit, hindi puro saya lang kapag nagmahal" napatango siya sa sagot ko

"Oo nga so kaylangan ba saktan ko siya ganon ba yun?" Ayy loka

"Sira hindi ganon ang ibig ko sabihin basta mararamdaman mo naman yun kung mahal ka niya, hindi lahat nagiging successful sa relationship bes may nagtatapos at may nagtatagal" napa tango ulit siya

"Ahh now i know" sabay inom sa kape niya

"Teka sino ba yan? Si luke?" Nagiba ata ihip ng hangin nung sinabi ko na si luke napasimangot bigla.

"Oo"

"Bakit ano nangyari? Niloko ka na?" Tumabi ako sa inuupuan niya magkaharapan kasi kami kanina

"Hindi pero kasi hindi ko na nararamdaman yung panliligaw niya nito mga nakaraan araw hindi na kami madalas magusap"

"Baka naman busy? Nagkita na ba kayo?"

"Hindi ko alam, hindi pa"

"Mas maganda kung magusap kayo dalawa ng magkaintindihan kayo" niyakap ko siya ng mahigpit

*ring ring*
"Nasan ka?" Bungad sakin ni axel.

"Nasa 123 coffee shop"

"Kasama mo ba si Apple?" Hmm ano kaya meron?

"Yes why?"

"Sunduin namin kayo ni appe dyan" teka ano ba talaga meron?

"Bakit ano .... " ay halimaw talaga to binabaan ako

"Bes sino yun? Bakit ganyan itsura mo hindi mapinta" 

"Pupunta daw sila axel pero hindi ko alam sino kasama niya at kung ano meron binaba na niya kasi yung phone"

*Beep beep*
"Dito na kami ni luke baba na kayo"

"Bumaba na daw tayo sabi ni axel kasama niya pala si luke" sabi ko kay apple nung narinig niya yung pangalan ni luke kuminang kagad ang kanyang mata

Nakita namin sila sa labas ng kotse nila na may teka bouquet of flowers?

"Aray!" Ang sakit ng hampas grabe naman ito kiligin

"Uyy ano ba awat na" nag piece sign na lang siya sakin

"Grabe may flowers pa nakakakilig hindi ka ba kinikilig?" Sabay aklay sa braso ko

"Hindi"

"Grabe ka ha! Lakas maka hard to get bes" tsk wala ako paki dyan kahit sino lalaki kaya ako bigyan ng bouquet of flowers.

"Hi" "Hello" bati nila dalawa samin ng kami ay nakalapit sa kanilang pwesto.

"Hi luke" sabay lapit ayy iwan ba naman ako dito at ayun naging love birds na sila. Lumapit sakin si Axel para iabot ang bulaklak ng may matamis na ngiti.

"Tara na?"

Sabay kami nila luke umalis pero magkaiba ng sasakyan i think double date ang plano nito dalawa

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya tinitignan.

"Place where i can be yours and you will be mine" sabay tingin sakin ano ba ito? Tama ba ito sinamahan ko.

"Ohh really?" Yan na lang ang nasabi ko kasi kapag pinagpatuloy ko pa alam ko puro kalokohan lang ang sasabihin niya ayy teka bakit lumiko sila luke? Nataranta ako tinignan si Axel

"Axel bakit sila lumiko hh-hindi ba natin sila kasama? Baka may mangyari don? Sundan natin sila" omayy baka may hindi maganda mangyari

" chill babe relax okay lang sila walang gagawin na kalokohan si luke trust them" sabay kurot sa pisngi ko napayuko na lang ako at tumingin sa bintana.

"Namumula ka na naman" bulong na sabi niya pero narinig ko anong klase bulong yon?

"Ano yun" kunwari hindi ko narinig

"Wala po"

Nakatulog na pala ako sa byahe nagising ako dahil sa hangin na tumatama sakin sa nakabukas na bintana. Si axel nasa labas ng kotse may kausap sa cellphone.

"Wow nagising ka nadin!" Bungad niya sakin pagkababa ko ng kotse nasa dulo kami ng park

"Nasan tayo?" Inikot ko ang paningin ko nasa isang park kami napakaganda may mga bata na naglalaro, kasama pa ang paglubog ng araw  at makikita mo sa ibaba ay isang beach. Ang sarap ng simoy ng hangin napaka presko nakakawala ng pagod at stress.

"Enjoy the view ganda diba?" Nasa likod ko siya sabay yakap sakin teka? Iba na ito

"No touch please" pinipilit ko tanggalin yung kamay niya sakin pero ayaw matangal tinatawanan niya lang ako.

"Ayoko nga"

"Isa"

"Dalawa tatlo apat lima" mapangasar na sagot niya aba loko ito ah hinawakan ko ng maigi yung braso niya na nakapulupot na sakin at sabay hatak pero mali ata yung kinalabasan sa bilis nangyari magkaharap na kami ngayon hawak niya ang baba ko sa pagitan ng dalawang diliri niya napakalapit ng muka niya tinitigan niya bawat parte ng muka ko ganon din ang ginawa ko sa kanya mahaba din pala ang pilik mata niya kulay itim ang kanyang mata sabayan mo pa ng matangos na ilong at mapulang labi napatingin ako sa labi niya malambot kaya ito? Sa hindi ko inaasahan bigla niya nilapit ang kanyang labi sa gilid ng aking labi hindi ko alam kung ano gagawin ko walang kumikilos sa amin hindi ako makagalaw ang lambot ng kanyang labi na nakadikit sa aking tabi ng labi nakapikit siya kaya tinignan ko ulit ang kanyang muka.

*pok*

Napalayo kami sa isa't isa ng may tumama na bola sa ulo niya

"Sorry po kuya hindi ko sinasadya" kinuha nung bata yung bola at tumakbo na palayo

"Aba loko ka ah" hinawakan ko siya sa braso para awatin hahamunin pa ata niya ng away

"Hayaan mo na bata naman" may binulong na naman siya pero hindi ko narinig nainis na naman siya natawa na lang ako sa nangyari pero ang bilis naman ata masyado kinahaban ako buti hindi sa labi. Hindi ko napansin nasa isang maliit na gate kami hinatak na pala ako ni axel ng hindi ko manalayan ang lumilipad na naman isip ko may inabot sakin na panyo si Axel.

"Cover your eyes" sinunod ko yung gusto niya inalalayan niya ako papasok nakakailang lakad na ako ang layo na ata namin?

"Uyy Axel nasan ka?" Binitawan ba naman ako

"Just stay and wait"

Naramdaman ko na siya sa likod ko at tinatangal ang tali

"One, two and three Tada!"

Try Me, Heal Me Arranged MarriageMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon