33 cheesecake
Xander POV
Nandito ako ngayon sa mall pakalat kalat sa panahon na kapag an tropa mo may girlfriends at ikaw lang ang single ganito ang mangyayari sayo pakalat kalat magisa sa mall buti pa sila masaya ako ito magisa makahanap na nga ng kafling na hindi ako magisa.
"Sh*t" may bumanga sakin na babae
"Sorry" teka? Umiiyak ba siya?
"Teka miss nalaglag yung" pinulot ko yung nalaglag na susi niya pero huli na nakalabas na siya ng pinto papunta sa parking
"Ugghh! Ano ba yan iyakin na nga careless pa!" Wala na ako magawa kundi sundan siya kesa naman hanapin niya yung susi na parang sira muka na nga siya kawawa madadagdagan pa pagiging kawawa niya.
"Miss" tapos ngayon hanap ka ng hanap sa sahig tss umiiyak ka padin teka?
"Xandra?" Napatingin siya sakin
"Xander?" Gulat na sambit niya
Kilala ko siya ex ko yan dati eh! Mahigit 1 year ko na siya hindi nakikita simula nung iwan ko siya nawala na din siya dito sa pilipinas kababata ko siya simula elementary may gusto na ako sa kanya hanggang highschool don ko na siya niligawan nagtagal kami ng 3yrs.
"Bakit ka umiiyak?" Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at lumapit sa kanya para pahiran ang kanyang mga luha.
"Wala" sabay iwas sa aking kamay na nakahawak sa kanyang magandang mukha
"Pwede ba yon umiiyak ng walang dahilan baliw ka na ba?" Inirapan niya lang ako wala siya pinagbago ganyan padin ang ugali niya sa tuwing binibiro ko siya iirapan niya lang ako.
"Wala ka na don pwede ba? Umalis ka na nga sa harapan ko" tinulak niya ako pero dahil sa matipuno ko katawan dejoke lang haha hinawakan ko ang kamay niya inipit ko ang sarili niya sa pagitan namin ng kotse niya sa likod.
"Dahil ba kay Lance yan?" Yumuko siya nung binangit ko ang pangalan ng boyfriend niya simula nung iwan ko siya dahil sa pang gg*go ko sa kanya nahuli niya kami sa isang kwarto ng best friend niya simula non hindi niya ako kinausap at biglang sumulpot yung kabute na sa Lance susulpot kapag may tampuhan kami alam ko na yung mga ganon galawan para sulutin ang may girlfriend tss.
Simula nung iwan ko siya dahil isa nga ako g*go wala na ako mukha na ihaharap sa kanya nasaktan ko na siya sa tuwing naguusap kami bumabalik ang pagkakamali at sakit na nangyari samin kaya mas mabuti na tapusin dahil hindi naman na magwwork pa kahit mahal na mahal ko siya nasasaktan ko lang din siya.
"Bitawan mo ko" naiiyak na sabi niya
Hinawakan ko ang baba niya para itaas ang mukha niya namumula na ang kanyang pisngi at mata sa kakaiyak kung ikkumpara ko si Xandra sa lahat ng babae na nakilala ko si Xandra ang pinaka minahal ko simple lang kung manamit, pananalita at ang kanyang ganda maputi at ang kanyang mahabang kulot na buhok.
"Hindi mo siya dapat iniiyakan" pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki daliri.
"Wala ka alam"
"Malalaman ko kung paguusapan natin" binuksan ko ang kanyang kotse nagulat siya ng nasakin ang kanyang susi
"Teka bakit.." hindi ko na siya pinatapos at sinakay ko na kaagad sa kanyang kotse.
"Xander pwede ba? Tigilan mo na ako at bakit nasayo ang susi ko?" Hindi ko siya pinapansin mamaya ko na siya kakausapin kapag narating na namin ang patutunguhan namin.
Matapos ang tatlong oras na byahe hinintay ko siya magising nandito kami ngayon sa first and last date namin dati sa bundok sakto malapit na ang palubog na araw kanina habang nasa byahe tumigil lang ako saglit para bumili ng aming kakainin habang mahimbing siya natutulog mahirap na baka takasan ako.
BINABASA MO ANG
Try Me, Heal Me Arranged Marriage
General FictionWhen the bad and playboy meets his "death karma" and his own guardian angel challenge him to find the meaning of love and change his self into a good boy if he failed in his angel challenge he will die and with the help of their new classmate can t...
