6

108 15 13
                                    

[6-banat medisina]
Axel
Andito kami ngayon sa isang private room kami lang ang pwede dito dahil una sa lahat magulang ko ang may ari nito University. Malapit na kami mag defense at grumaduate kaya kaylangan magseryoso kami. Lahat kami kumukuha ng business para sa kinabukasan ng mga mamanahin naming mga companies ng aming mga magulang.
Kasama ko yung dalawang ugok dito si Luke at Xander na silang busy din magaral.

"Luke ano na susunod natin plano kay kesha?" Tanong ni xander habang nakaupo sa silya at nakataas ang paa sa lamesa. May tatlo lamesa at upuan dito para samin may tv, speaker at refrigerator din kung sakaling magutom at mabored kami nag mmovie marathon na lang.

"Tol gusto ko yung kakaiba na yung maiiyak siya yung tipong masasaktan siya" sagot ni luke habang nakahiga sa lamesa at nakatingin sa kisame mukang maganda ideya din yan.

"Gusto ko yan tol" sabat ko sa usapan nila

"Sino tol si kesha gusto mo?" Binato ko ng libro si xander sa sagot niya "G*go" sagot ko pabalik sa kanya buti na lang nakailag siya makapal na libro pa naman yun ako na nga ang nakikisali lolokohin pa ako at tinawanan lang nila ako loko talaga

"Tol alam ko na bakit hindi mo na lang ligawan paasahin mo tapos iwan mo tulad ng ginagawa mo sa iba?" Suggest ni Luke hmm mukang maganda nga yan pero mukang mahirap mainit dugo sakin. "MAGANDA yan tol!" pahabol ni Xander.

"tol pa hard to get siya ayaw nga sakin at sungit pa masasayang lang oras ko sa kanya" sagot ko habang nagaayos na ng gamit sa aking lamesa.

"Wag mo sabihin na hindi mo kaya natatakot ka?" Hamon ni luke

"luke baka natatakot siyang mafall at masaktan?" Dugtong ni xander dumampot ako ng dalawang ballpen sa lamesa at hinagis ko sa kanila galing talaga umilag ng mga to!

"g*go ako takot? Alam niyo naman na simula ng iwan at lokohin ako nun binura ko na ang salitang love dba? Tska bakit naman ako maffall sa kanya ordinaryo babae lang naman siya gaya ng iba" sagot ko sa kanila iwan ko na nga mga tao pinagttripan lang ako

"Tol pagbigyan mo na mangttrip at biruan lang naman tayo" pakiusap ni luke oo nga trip at biro lang naman bakit ang big deal sakin?

Nasa pinto na ako ng sagutin ko sila "Oo na gagawin ko na bukas ko na gagawin masaya na kayo?"

Sabay palabas narinig ko pa sa labas na nagsabi si xander ng i love you p*ta nakakabakla. Pano ko kaya gagawin yun? Hindi ko pa naman siya kilala ayaw nga makipagkaibigan hindi tumatalab charm ko sa kanya. Habang pababa ako ng hagdan sa ground floor nakita ko siya kausap si Doc Christian sa tapat ko pa mismo naging prof ko na to dati alam ko may hawak siyang klase ni kesha yun yung naki seat in ako sa klase nila para tumabi at magpakilala pero sinungitan lang ako. Ayos lang naman sa mga professors dito ang maki seat ako dahil pabor naman ang magulang ko para may mas matutunan ako kahit sa ibang subject. Napatingin sila sakin at parehas na tumabi kasi malaking harang sila sa daan. Dinaanan ko lang sila pero nagtago talaga ako para tignan sila mukang masaya si kesha kausap si doc halata sa ngiti at sa mga mata niya hindi ko narinig pinauusapan nila pero nagtatawanan sila nagsimula na sila lumabas papunta gate ng tumatawag ang mommy ko paksh*t nama bakit ngayon mo pa ako naalala kung kelan may susundan ako. Hindi ko alam pero nacu curious na ako kay kesha.

"Hello ma" lumabas na sila ng gate hindi ko na sila masusundan.

"We have a family dinner today be ready at 6:00 susunduin ka namin dyan sa bahay" it's already 4pm pa lang

Try Me, Heal Me Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon