31

20 3 0
                                        

31 - Past
Kesha POV

"Hi kesha happy anniversary! Love you"

"I love you too love see you later!"

"Sure"

Si Reyron ang una at huli ko na naging ex well una pala kasi ang huli ko na ex ay si Axel. Siya ang una nagparamdam sakin ng sakit at pighati kung pano ka lokohin sa pangalawang pagkakaton oo pangalawa ang st*pid right? Kasi mahal ko siya kahit sino magmahal nagiging mahina tayo nagpapadala tayo sa emosyon na alam natin susugal tayo sa bandang huli masasaktan. Kahit galit na sakin si Apple sa ginawa ko pagtanggap ko sa kanya tiniis ko padin yon kasi Mahal ko siya. Hinahanap hanap ko siya at hindi ko rin matiis kaya binabalik balikan ko na hindi naman dapat dahil ang mali ay mananatiling mali.

"Nasan ka?"

Text ko sa kanya kasi usapan namin na magkikita kami sa isang restaurant para ipaghanda namin ang aming 3rd anniversary naghintay ako ng ilang oras para hintayin siya bago ko lisanin ang restaurant na ito. Matapos ang tatlo oras napagdesisyunan ko na umalis at puntahan siya sa kanyang condo.

"Babe aalis na ako" boses ng isang babae

"Mamaya na" Reyron?

"May pasok pa ako bukas"

Alam ko ang code ng kanyang condo kaya tuluyan na ako pumasok natanaw ang kanilang likuran sa banda kusina nagtago pa ako para hindi nila ako mahalata muka ako sira dito.

"Babe tama na may bukas pa" nakita ko na naghahalikan sila naka upo sa counter yung babae habang nakayakap kay Reyron teka Si May ba ulit iyon? Yung Vice President ng student council namin sh*t at bakit suot niya yung tshirt ni reyron? Si May yung babae na matagal na niya ka flirt siya din ang babae na naging dahilan para iwan ako ni reyron at ipagpalit na ngayon bumalik at tinangap ko na parang aso na nawawala lang sa daan at inaalgaan ko. Magaling reyron isa ka talagang alamat ginawa mo ulot ang nakaraan mo mali. Oo mali dahil nahuli ko rin sila noon sa isang classroom sa school na ganitong senaryo din ngunit ang pinagkaiba parehas sila naka uniform. Humingi siya ng tawad sakin at pinangako na magbabago hindi sila nagusap ng matagal na buwan peo ngunit sa nito nakalipas na panahon napapansin ko na madalas ulit sila magusap dahil sa isang event na parehas nila inoorganize. Si reyron ay isang basketball captain kaya siya ang nakikipag coordinate kay May sa sports festival namin na kung saan iba't ibang year ang maglalaban laban hinayaan ko lang sila dahil alam ko na may tiwala ako sa kanya at ayon din ang kanya "pinangako" sa akin na mag tiwala ako sa kanya.

Pangako? Ano salita yon? Isang kalokohan na salita na madaling sabihin sa panahon ngayon na akala mo simple pagbitaw mo lang ng salita kaya mo na panindigan ngunit doon ka nagkakamali.

"Reyron" sambit ko sa pangalan niya

Humarap siya sakin

"Kesha" ang ngiti sa kanya mga labi na masarap punitin sa araw na ito

"Hi kesha may inaayos lang kami" bati ni May nakaramdam siguro siya ng hiya ng titigan ko siya ng matagal bumaba na siya sa counter at naghugas ng mga plato na katatapos lang nila kumain.

"Pwede ba tayo magusap?"

"Ahh oo naman tara" pinunta niya ako sa terrace ng kanya condo

Try Me, Heal Me Arranged MarriageMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon