(56)

42 1 1
                                    

Dyosang Author's POV

Unang nagising sila Dara at Chanyeol sakto namang katatapos lang maghain  ang mga staffs.

Natapos silang kumain at sabay ring naghugas.

"Tulog pa sila. Gala muna tayo?"aya ni Chanyeol sa kanyang Noona.

"Sige"

Naglakad silang dalawa sa tabing dagat.

Si Chanyeol busy sa pagsipa sa buhangin habang si Dara busy sa pag kuha ng mga litrato.

"Selca tayo?"

Tumango si Chanyeol at nakipagselca kay Dara

"Ipopost ko lang 'to sa Instagram saglit"

"Wag na noona. Baka makita pa ng iba mong fanboys "

"Aigoo~ Hindi ganun yung mga iyon. Mababait 'yon. Di ka naman nila gagalawin kung wala kang ginagawang masama"sabi ni Dara.

"Pag ako noona hindi na nakauwi sa dorm namin ng buhay,sa inyo na ako titira"biro ni Chanyeol.

"Dun ka sa sofa matutulog"

"Okay lng noona basta makasama kita lahat titiisin ko"

Nag blush naman si Dara.

"Ang cute mo talaga noona pag namumula ka"sabay kurot sa pisngi ni Dara.

"Ha? Namumula ba ako?Hindi a!" pag pigil ni Dara sa kilig nya.

Lalo itong namula kaya lalong natawa si Chanyeol.

"Pinagtatawanan mo ako e! Dyan ka na nga!"

Inunahan ni Dara si Yeol sa paglalakad.

Natigil naman si tenga sa pagtawa saka sinundan si Dara sa paglalakad.

"Noona ko! San ka pupunta?"

"Babalik na ako sa rest house! Pinagtitripan mo na ako e!"sabi ni Dara habang patuloy parin ang paglalakad.

"Hindi dyan ang daan!" 

Napatigil sa paglalakad si Dara.

"Anong dyan? Dito tayo galing e!"

"Dyan?! Noona naduduling ka ba?Dito tayo galing!" turo ni Yeol.

"Ano?! Hindi! Mali ka!Dito!"

"Teka" napakamot sa ulo si Chanyeol "saan nga ba talaga tayo galing?"

"Ba't ako tinatanong mo?"

"Diba sabi mo dyan ang daan?"

"Di ako sure! Malay ko bang di mo rin pala alam "

Kinapa ni Chanyeol ang bulsa nya.

"Shit!"

"O bakit?"

"Naiwanan ko cell phone ko. Yung sayo?" kinuha ni Dara ang cellphone nya at tinignan kung may signal sya.

"Walang signal"

"Di ko namalayan na nakalayo na pala tayo"

Nanlaki ang mga mata ni Dara nguni't bago pa ito makasigaw tinakpan na agad ni Yeol ang bunganga nya.

"Noona relax! Nandito naman ako"

"Sigurado ka ba dyan?"sabi ni Dara pagkababa ng kamay ni Yeol.

"Ako pa ba?"

"E bat parang tuwang tuwa ka pang nawala tayo?"sabi ni Dara sabay upo sa buhangin.

"Ewan ko ba. Parang mas natuwa pa ako kasi mas hahaba pa ang oras nating dalawang magkasama"

Roommate | 2NE1 • EXOWhere stories live. Discover now