(4)

195 15 0
                                    

Bom's POV

Okay din pala 'tong mga kasama ko sa bahay eh.

At oo kasama dun si Luhan, kahit may hindi kami pagkakaintindihan.

Kaso nga lang yung isa medyo weird. 

Anyways, heto ako ngayon.

Nakaharap sa bukas na refrigerator para maghanap ng makakain.

Actually minsan hindi na nga ako nagtataka kung bakit may sariling utak 'tong mga paa ko at kusa ng pumupunta sa ref.

"Ano bang kakainin ko?" 

Pumikit ako para mag-isip.

"Masarap kumain ng ramen"

Napamulat ako at napatalon dala ng pagkagulat.

Akala ko matutumba na 'ko nang may humawak sa braso ko dahilan para maibalik ko ang balanse ko.

Lumingon ako sa humawak sakin.

Tinitigan ko ang mapupungay nyang mga mata.

"Okay ka lang?" 

Tanong saakin ni Luhan nang makatayo na ako ng maayos.

Tumango ako at ibinaling muli ang tingin sa ref.

"Pero ikaw bahala kung anong gusto mo kainin"

Matawa tawa nyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang uminit ang mga pisngi ko.

Nagba-blush ba 'ko? 

Of course not.

Hindi kay Luhan.

Hindi sa taong muntikan ng kumuha ng precious life ko.

"Ramen it is"

Kumuha ako ng cup ng Ramen at isinara ang ref.

Lumingon ako sa kinatatayuan ni Luhan at nandoon parin sya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?" pag puna ko habang nakataas ang kilay.

"Galit ka pa rin ba sakin?" 

Hindi ako agad nakasagot.

Napaisip ako dun.

Honestly, hindi na ako galit sakanya dahil wala naman talaga syang kasalanan. Naiinis lang ako dahil nagas-gasan ang oh so precious and beautiful na killer legs  ko.

Asset ko 'to remember?

Pero kahit ganoon, wala narin namang use kung magagalit pa 'ko sakanya 'di ba?

Isa pa, mukha naman syang mabait at disenteng lalaki.

"Kamusta grupo nyo?" 

Pag iiba ko ng usapan habang papunta sa counter para mag painit ng tubig.

"Kami? Kakatapos lang ng world tour namin, kayo?" sabi nya sabay upo sa lamesa.

"Kakatapos lang din ng tour"

"Nasaan na nga pala yung ibang members nyo? Si Dara?"

Natawa naman ako.

"Ba't mo hinahanap si Dara? Type mo 'no?" pang aasar ko.

He shook his head.

"Not really, bukod kasi sayo sya lang ang kilala ko sa grupo nyo"

"Rude" sabi ko with a smirk.

"Hindi ako mahilig sa girl groups Miss Park Bom" sagot nya habang tumatawa. 

Hindi ko narin mapigilang matawa.

He's not a bad person after all.

"Ikaw, kamusta ka?"

"Bukod sa may gas-gas ako sa tuhod, okay naman ako. Happy I guess?"

Ngumiti sya.

Nag simula nanamang uminit ang mga pisngi ko. 

Ina-allergy ba ako o ano?

"Sorry ulit dun sa kanina"

"Wala na yun. I came to a realization din na medyo nag over-react nga ako kanina, sorry." 

Nag piece sign ako.

A minute of silence

"Gusto mo lumabas?" sabi nya habang nakapatong ang mga kamay sa lamesa.

"Ha?"

"Ililibre kita, parang piece offering. Okay ba sayo?"

I smiled.

Masyadong na syang mabait. 

Nakakain-lo━no!

Hindi ako nai-inlove. Nababaitan lang ako, yun 'yon.

"Tara?" sabi nya sabay tayo mula sa kinauupuan.

Pinindot ko ang switch ng heater at inilagay sa tabi ang Ramen cup.

"Tara." 

Roommate | 2NE1 • EXOOnde histórias criam vida. Descubra agora