(5)

203 13 2
                                    

Bom's POV

OMG this is heaven.

Nilibre ako ni Luhan sa isang bake shop ng sandamukal na tinapay.

"Paborito mo talaga ang tinapay 'no?" sabi nya habang pinapanood akong kumakain.

Panoorin ba naman ang dyosang kumakain.

"Obvious ba?" 

Natawa naman sya.

"I wonder bakit hindi ka tumataba"

"Kasi maganda ako. Kagaya mo, hindi ka tumataba kasi maganda ka rin. Maganda tayo!" biro ko.

"Maganda ako?" 

Kumunot ang noo nya. Hindi ma-gets ang joke.

"Oo, sa sobrang ganda mo mas babae ka pang tignan kesa sakin" 

Natawa ako.

"Halikan kaya kita dyan" sabi nya with a serious tone.

Which is nakapag pabago ng atmosphere sa loob ng cafe.

"Hahalikan mo ko dito? Paano kung pag simulan 'yon ng dating rumors ha? Di ka rin nag iisip eh" sabi ko bago kumagat ng tinapay.

"If that what it takes para mapatunayan ko sayong lalaki ako"

Napatingin ako sakanya, binaba ko ang hawak kong tinapay at bahagyang inilapit ang mukha ko sa mukha nya.

"Talaga? Papatunayan mo saking lalaki ka? Paano? Saan? Dito?" halos pabulong kong sabi.

 "'Wag mo kong subukan" sagot nya sa mahina ring tono.

Tinitigan ko sya sabay tawa.

"Ito naman, biro lang."

Humigop sya ng kape saka ito nilapag muli sa maliit na lamesa sa pagitan naming dalawa.

"Hindi mo 'ko kilala Miss Park. I can be Christian Grey anytime anywhere." siya naman ang naka-smirk ngayon.

Which is a good thing. Isn't it?

"Are you threatening me?" natatawa kong tanong.

"Ano satingin mo?"

His face was dark.

Unlike the one I saw an hour before.

"Tumigil ka nga! Nagbibiro lang ako!" 

Tumayo sya saka hinila ang braso.

This time, roughly. 

Nakarating kami sa kotse, sakanya binitawan ang braso kong namumula na.

Pinapasok nya 'ko at agad naman akong sumunod.

Pagkapasok ni Luhan sa kotse agad akong nag-salita.

"Ano bang problema mo? Nagbibiro nga lang ako." 

Hindi nya 'ko pinansin at binuksan ang makina ng kotse saka nagmaneho.

Nakarating kami sa bahay for a minute or two. 

Yup, ganoon sya kabilis nag-drive.

Tinanggal nya ang kanyang seatbelt saka humarap saakin.

He leaned over and I stopped breathing.

Third Person's POV

Papalapit ng papalapit ang mga mukha ni Luhan at Bom.

Akala ng babae na sa labi nya mapupunta ang labi ni Luhan ngunit dumiretso ito sa leeg nya.

"I just want to clench my thirst" bulong ng lalaki habang unti unting inilalapit ang labi sa leeg ng dalaga.

"I'm a vampire"

"Pabo!(idiot)" nakatanggap sya ng isang solid na batok mula sa ating dyosa na si Park Bom.

"Bom noon─" wala namang ibang nagawa ang lalaking mukhang babae  kung 'di humagalpak sa pagtawa.

Inirapan sya ni Bom saka nag cross arms.

Bago bumaba ang dalaga, sinamaan nito ng tingin si Luhan.

"Hindi pa April Fools Day! Pabo-ya!" saka nito tuluyang ibinalibag ang pintuan ng kotse.

Habang ang ala Christian Grey aka manly 'daw' na si Luhan ay tuloy sa pagtawa sa loob ng kotse.

Roommate | 2NE1 • EXODonde viven las historias. Descúbrelo ahora