(54)

39 1 1
                                    

Dyosang Author's POV

Kanibukasan,dumiretso sa beach ang mga Roommates.

Syempre party party sila dahil dagat yun e.

 Sosyal.

Ang taray diba?

Sumakay muna sila sa yate papunta sa mismong beach kung saan naka set up na ang lahat. Nandoon na si direk at ang Iba pang mga staffs para i-shoot ang last episode ng Roommate.

"Dara i-interbyuhin ka daw para sa last episode ng Roommate"sabi ni Jjangmae pagkasakay nila sa tae.

"Kung tungkol dun ang interview,ayoko"sabi ni Dara.

"Pero Dar---"

"Jjangmae please,ayoko muna pag usapan yang tungkol sa last episode"sabi ni Dara.

Bigo si Jjangmae sa pag pilit mag interview si Dara kaya si Bom naman ang nilapitan nya.

Ayun nga si Bom,tuwang tuwa sa tubig samantalang mukhang tanga si Luhan na binabantayan sya.

Hindi naman kasi tatalon yan dyan si Bom,Luhan.

Chill ka lang.

"Ngayon ka lang ba naka kita ng tubig Bom? Diba balyena ka? Dapat sanay ka na dyan"sabi ni Luhan habang naka kibit balikat.

"E kung ihulog kaya kita dito tas ipalamon kita sa balyena?! Inaano ka ba dyan? Pabayaan mo ko dito!Nananahimik yung tao e!"sabi ni Bom sabay harap ulit sa karagatan.

"Ikaw kaya ihulog ko!Panigurado lalapain ka kaagad ng pating kasi ang Taba mo!"sabi ni Luhan kaya humarap sa kanya si Bom sabay pinalo sya.

"Inaano ka ba dyan!Kanina ka pa!"sabi ni Bom sabay palo parin kay Luhan .

"Aray!E para ka kasi---aray!Ouch!Tama na!Tang--aray!Bom!"natigil si Bom ng tawagin ni Luhan ang pangalan nya.

"Pag ba nahulog ako dito hindi mo ko sasagipin?"taas kilay na tanong ni Bom.

"Hindi"diretsong sagot ni Luhan.

"A hindi pala ha.." sabi ni Bom sabay akmang lulusot sa railing  kaya pinigilan sya agad ni Luhan.

"Huy! Para kang tanga dyan! Ano ka ba! Syempre sasagipin kita!Pag nalunod ka edi wala na akong ka love team. Ang pangit naman nong image sa gwapong pangalan ko"biro ni Luhan.

"A mas importante pa yung image mo ha.."inakma ulit ni Bom tumalon pero pinigilan ulit sya ni Luhan.

"Para ka talagang tanga Bom! Pag nahulog ka magpapakahulog din ako tapos sabay tayong magpapakain sa pating para hanggang sa langit magkasama tayo at wala ng makakapagpahiwalay pa saatin forever! Kahit pa ang show na 'to hindi na tayo mapaghihiwalay!"

Biglang sumeryoso ang atmospera sa paligid nilang dalawa.

Dalawang matang magkakatitigan sa gilid ng yateng sinasakyan nila.

"Seryosa na Luhan... ayoko padin matapos tong show na 'to"seryosong sabi ni Bom sabay indian seat.

Tinabihan sya ni Luhan.

"Ako din Tabaloves"sabi ni Luhan habang parehas sila ni Bom na nakatingin sa malayo.

"Ano kayang mangyayari saatin pagkatapos ng show na 'to no?"sabi ni Bom sabay yakap sa mga binti nya.

Lumalakas ang hangin.

"Yan din ang tanong ko Bom"sabi ni Luhan.

Sabay silang huminga ng malalim sabay ipinatong ni Bom ang ulo nya sa balikat ni Luhan at si Luhan naman ipinatong ang ulo nya sa ulo ni Bom.

"Basta wag mo kong iiwanan ha. Ikaw mukang babae ka wag kang mang iiwan "sabi ni Bom saka pinikit ang mga mata nya.

Dahil nga nakikipaglandian si Bom si CL na lang ang hinanap ni Jjangmae.

Naka upo si CL at si Kris sa sofa habang umiinom ng juice.

Like a boss ang peg ng dalawa.

"So anong plano mo pagkatapos nito?"sabi ni CL kay Kris.

Nagtanggal bigla ng salamin si Kris.

"Before,I planned to sign up on a new chinese label but after akong maka pasok sa reality show na 'to I obviously don't know kung ano nang susunod kong gagawin. Ikaw ba? Anong gusto mong gawin ko?"

Ayaw ni CL tignan si Kris.

 Ayaw nyang tignan ang seryosong mata nito.

Gusto nyang maging selfish at sabihing mag stay lang sa kanya at wag nang pumunta sa kung saan kaya lang ayaw nya. Iniisip nya rin si Kris at lahat ng pinagdaanan nito para mapunta sya sa kung sino sya ngayon. Gusto nya paring ipagpatuloy nito ang gusto nyang gawin sa buhay.

"I'll support your decision no matter what. Ako kakampi mo diba? Nandito lang ako"

Tumango naman 'to sa kanya saka sya hinalikan sa noo.

Dahil seryoso si CL na kausap si Kris,si Minzy na lang ang hinanap nya.

Last chance mo na yan Jjangmae.

"Minzy tara! Gayahin natin si Kate at Leonardo!"tawag ni Sehun kay Minzy.

"Tanga!Si Jack at Rose yun! Yung sa Titanic!"sabi naman ni Minzy.

"Diba sila din naman yun sa totoong buhay?"sabi ni Sehun.

"Sa movie lang na yun sila mag on!"sabi ni Minzy.

"Talo pala natin sila ano. Tayo hindi lang sa harap ng camera mag on pati sa likod at gilid pa"sabi ni Sehun sabay kindat kay Minzy.

"Sira ulo"sabi ni Minzy saka lumapit sa kanya sa may pwesto ng captain.

"Andaming controls ano?"sabi ni Minzy habang tinuturo yung mga controls para paandarin ang yate.

"Oo nga eh.Ikaw paano mo nakokontrol yung puso mong wag masyadong mahumaling sakin kasi sobrang pogi ko "sabi ni Sehun dahilan para batukan sya ni Minzy.

"Yung totoo,naka ilang extra rice yang ego mo at parang busog na busog nanaman?"sabi ni Minzy.

"Uh... mga tatlo?"sabi ni Sehun kaya nabatukan nanaman sya.

Natatawa na yung captain sa kalokohan nilang dalawa.

"Pwes, pakisabi mo sa ego mo na isuka nya lahat ng kinain nya"

"Isusuka ko?Paano ako susuka e hindi naman ako nahihilo. Capt o,sinasabihan kayong nakakahilo mag maneho"sumbong ni Sehun.

Napailing na lang si Minzy.

"Paano mo na singit yon ha?"

"Ikaw,paano ka naka singit sa puso ko?"

"Basta nag kasya ako. Marami naman akong space dyan sa puso mo e"sagot naman ni Minzy.

"Aba! Bumabanat si Minzy "sabi ni Sehun.

"Nahawa lang ako sa kakornihan mo"sabi ni Minzy sabay sampal ng mahina kay Sehun.

"Aba nga naman!" pang aasar pa ni Sehun.

Dahil nakikipagharutan si Minzy,naisipan ni Jjangmae na balikan na lang si Dara.

"Dara-sii!Dara-sii!"tawag ni Jjangmae pag pasok sa kwarto.

"Zzz..."sagot ni Dara

"Zzz..."pagkomento naman ni Chanyeol.

"Aba nga naman itong mga batang 'to"kamot ni Jjangmae sa ulo nya saka iniwan ang dalawang magkayakap na matulog.

Sa huli ay bigo si Jjangmae sa pag interview sa 2NE1.

The End.








Syempre charot lang! Hindi pa the end.

Roommate | 2NE1 • EXOTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang