(1)

600 20 3
                                    

CL's POV

"Good job girls!" pagbati sa amin ng aming napaka cute na manager.

"Kamsahamnida~" pagpapasalamat ko sa lahat sabay tango.

Kakatapos lang ng AON Concert namin sa Macau.

This is our last stop.

Nakakalungkot.

"CL unnie mau-una na 'kong magbihis" pagpapaalam sa akin ni Bom.

Nginitian ko sya.

Binigyan ako ng tuwalya at tubig ni Dara.

"Ang saya ng feedback​ ng Blackjacks 'no?" nakangiting sabi ni Dara saka uminom ng tubig.

"Oo nga eh, ang cute kasi ng mandarin mo" pang-aasar ko.

"Chaerin naman eh!

"You're so cute my San-tokki!~" pagpapa-cute ko.

Binelatan lang ako ng babaita.

"Okay na 'ko, Chae!" sigaw naman ni Bom.

Bom's POV

"Bakit kaya tayo pinapatawag ni Sajangnim?" tanong ko.

Kasalukuyan kaming nasa van papunta sa YG Building dahil may importanteng sasabihin daw ang aming pinakamamahal at pinakatatandang Boss.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit nya kami pinaghakot ng mga gamit namin?

"Aigoo~ I wanna eat~" pag-pout ko.

Hindi naman nila ako inimik.

- ♠ ♣ ♦ ♥ -

"PO?!"

"Yup, titira kayo sa isang bahay kasama ang isang boy group. Malaki at maganda ito kaya sigurado akong magiging komportable at magugustuhan 'nyo"

Napahawak si Dara sa bridge ng ilong nya, her usual mannerism.

"Are you sure about this?" hindi makapaniwalang tanong ni CL.

"Of course, it's a variety show. Exposure din 'to, and as far as I know, yun ang kailangan 'nyo sa mga time na 'to" pag-papaliwanag nya.

"Pwede na kayong lumipat ngayong araw mismo, and that's an order."

"NGAYON NA PO?!"

"Pwede din namang si Bom lang, tutal sya 'tong mukhang marami ng naimpake. Sige Bom, makakalipat ka na. Kayo namang tatlo pumunta kayo sa rehearsal room." utos saamin ni Tanda.

"Sajang, onti palang kaya 'tong mga naimpake ko. Mga under garments ko palang po yan," pagmamakaawa ko.

"Sige na Bom, you may go "

Wala na 'kong nagawa.

Wala naman na talaga akong magagawa pag si Sajangnim na ang nagsalita.

Tinapik nilang tatlo ang balikat ko saka umalis papunta sa rehearsal room.

- ♠ ♣ ♦ ♥ -

"Pano ba 'yan Bom, iwanan na kita dito?" tanong sakin ni manager.

"Ang laki naman ng bahay nato. Mansion.." pagsilip ko sa bintana ng kotse.

Binaba naman ni manager ang mga bagahe ko.

"Oh, Bom! Hindi purkit dito ka na titira eh libre ka ng lumamon" tinanguan ko sya.

Nagpaalam sakin si manager saka ako pumasok sa loob.

Wala pang tao.

Nilapag ko muna ang bagahe ko.

Ang daming camera.

Humarap ako sa isa sa mga ito at nagpakilala.

"Annyeonghaseyo~ Park Bom imnida! Masaya 'ko na medyo hindi na maging part ng SBS Roommate, tignan nyo ko palagi ha! Kamsahamnida!~" saka ako nag-bow.

"Room number 3 daw ang kwarto ko, teka...sa taas?!"

Ang malas ko naman talaga.

- 🆇🅾🆇🅾 -

"Kapagod!"

"Tubig! Tubig!"

Kasalukuyang nasa backstage ang EXO dahil kakatapos lang ng Solo concert nila sa Seoul.

At kung satingin nyo wala silang pahinga, you're guessing right.

"What crap is this?" reklamo ni Kris habang nakatingin sa cellphone nya.

"Bakit baba, pinroclaim na ba nila na ako ang visual sa grupo natin?" tanong ni Chen.

"Tumahimik ka nga Chen!" pag saway ni Xiumin.

"Luhan, Chanyeol and Sehun come here" utos ng spokening dollar na si Kris.

"Bakit daw?"sabi ni Luhan

"Malay ko" -Chanyeol

"Lumapit kayo sakin! Mga lintek!" inis na sigaw ni Kris.

"Ano ba kasi yun Hyung?" tanong ni Sehun.

"After ng solo concert natin dideretso daw tayong apat━no! Si Luhan sa Roommate House? I don't get it," -Kris

"WHAT?!" hindi makapaniwalang tanong ni Luhan, Chanyeol at Sehun.

"Bakit daw?"

"I don't know, but I think it's for a variety show" -Kris

"Ano?"-Luhan

"Variety show! Fans love those kind of shows,"-Kris

"Ah okay.." pagtango ni Luhan na nakapag pa-irap naman kay spokening dollar.

"Ang dami mong sinasabi Luhan, pinagmamadali ka na ni Soo Man. Nakaimpake na daw yung mga gamit mo. Ikaw na lang daw ang hinihintay ng manager natin,"

"Reporter ka ba Kris Hyung?" biro ni Chanyeol.

"I have no choice."-Kris

"Eh tayo? Kelan daw tayo pupunta dun?" tanong ni Sehun.

"Idunno, tomorrow maybe?"

"Ang unfair naman. Bakit ako lang ang mauuna?" reklamo ni Luhan.

Roommate | 2NE1 • EXOOnde histórias criam vida. Descubra agora