(55)

42 2 1
                                    

Dyosang Author's POV

Interview

"Anong feeling nyo na malapit na matapos ang Roommates?" tanong ng isang staff habang may nakatutok na camera sakanilang walo.

"Sa totoo--"

"Obvious--"

"Per--"

"Malung--"

"Medyo--"

"Nakak--"

"Iniis--"

"Sana--"

Sabay sabay na sabi ng walo dahilan para magkatinginan sila.

"Di naman tayo excited ng lagay na yan?"sarkastikong sabi ni Bom.

"I'll start" prisenta ni CL.

"Obviously nakaka lungkot,not just because we're not going to see each other often that before.  I believe na we already have a bond na hindi ko kayang basta na lang kalimutan. The heck,sino bang mag aakala na magkakaroon kayo ng malaking part sa buhay naming apat?"sabi ni CL habang nilalaro ang mga buhangin.

"True that!"pagkomento ni Dara.

Sumunod namang nagsalita si Kris.

"I'm very thankful to this show because it gives me enough time to think of what I'm really plan to do with my life" seryosong sabi nya.

"Ako naman syempre malungkot  kasi mamimiss ko ang katakawan ni Bom noona,kakulitan ni Dara noona ,ang pagiging cool ni CL noona at pagiging sobrang maalaga,mapagmahal at maalahanin ni Minzy"sabi ni Sehun sabay kindat kay Minzy.

Nagtawanan silang lahat.

"Ako bukod sa mamimiss ko ang kahanginan ni Sehun,mamimiss ko rin ang pagiging makulit at caring nila Luhan,Chanyeol at Kris oppa"mahinhin na sabi ni Minzy.

"Ako marami akong mamimiss,lahat kayo actually" diretsong sabi ni Dara habang nakatingin sa bonfire.

"Ako mamimiss ko yung Roommate house "pabirong sabi ni Chanyeol.

"Mamimiss ko kayong lahat.. bukod siguro kay Bom"pabirong banat  ni Luhan kaya pinalo sya ni Bom sa braso.

"Pero seryoso na,bakit natin kailangan mamiss ang isa't isa kung pwede naman tayong magkita sa labas kahit walang mga camera diba? Oo mahirap dahil sa mga kanya kanyang schedule natin pero I'm sure we can find time for each other diba?"sabi ni Bom.

Napatango naman ang iba.

"Mas lamang lang ang time para sa individual schedules natin. Busy na ba kayo pagkatapos nito?" tanong ni CL.

Natahimik ang mga ginoo.

Walang gustong sumagot.

Lahat sila diretso lang ang tingin sa nagaalab na apoy.

"Medyo"sabi ni Chanyeol.

"Baka?" sagot  ni Sehun.

Nanatili namang tikom sila Luhan at Kris.



"I'll talk to my manager after this show ends "sabi ni Kris.

"Ikaw Luhan?" tanong ni CL kay Luhan dahilan para lahat ng mata  ay mapunta dito.

"Ako?Ewan ko pa e"

"Ewan mo? Diba iisa lang naman ang schedule nyo nila Sehun at Chanyeol?" tanong ni Bom.

"Di ko pa nga natatanong. Teka! Di pa ba kayo gutom? Kain na tayo" aya ni Luhan.

Sumang ayon ang iba habang si Bom naman ay naiwang nagtataka.

"Sigurado ka na ba sa magiging schedule mo pagkatapos nito ?" tanong nya kay Luhan habang naglalakad sila papunta sa rest house.

"Oo naman. Diba nga sabi ko sayo hindi ko pa na itatanong " ani Luhan sabay akbay kay Bom.

"Sabi kasi sakin ni Yeol wala naman daw kayong out of the country. So dito ka lang muna sa korea sa mga natitirang buwan?"

Hindi agad nakasagot si Luhan.

"Iche-check ko nga sa schedule namin"

"Pero sabi nga ni Chanyeol"sabi ulit ni Bom.

"Baka may biglaan na show sa China"

"Kailangan mo ba talagang pumunta ng China?" seryosong tanong ni Bom dahilan para  mapahinto sila parehas sa paglalakad.

Tinanggal nya ang pagkakaakbay ni Luhan.

"Hindi naman sa ganoon Bom--"

"E ano?"

"Saka na natin pag usapan,halata sa mukha mo na gutom ka na"biro ni Luhan.

Pagkatapos kumain,inayos narin nila ang mga gagamitin sa loob ng tent.

Lumabas ng tent nila si Bom at nangapit bahay sa tent nila Minzy.

"Annyeong!"bati ni Bom.

"Bom unnie! Tara pasok!"

"Kamusta  kayo ni Sehun?" tanong ni Bom habang pinipisil ang stuff toy  ni Minzy.

"Okay lang "

"Anong plano nyo pag katapos nito?"

"Ganoon parin. Same routine. Tawagan at text. Minsan date pag hindi masikip schedule. Di naman sya lalayo unnie kaya hindi ko kailangang mag alala masyado"matawa tawang sabi ni Minzy.

"Kayo ba ni Luhan?"

"Ewan ko dun sa mukhang babae na yun" 

"LQ na naman? Napapadalas ata"biro ni Minzy.

"Hindi to basta LQ. Hindi ko talaga alam kung anong plano nya,ayaw naman kasing magsalita"iritableng sabi ni Bom.

"Pag usapan nyo na yan"

Lumabas na si Bom pagkatapos nilang mag usap ni Minzy. 

Gusto nyang kausapin si Luhan pero hindi nya alam kung paano sisimulan ito.

Pumasok Ito sa loob ng tent nila at naabutan si Luhan na inaayos ang higaan nila.

"Bukas daw magsisimula ang taping"

"Ganon?Kailan daw ang broadcast?" higa ni Bom.

"Bukas din"

"Tapos na pala lahat ng 'toh bukas"sabi ni Bom.

Naramdaman nya naman ang pag usog ni Luhan.

Base sa peripheral view nya nakatingin ito sa kanya.

"'Tong show lang,hindi tayo" bulong ni Luhan.

Napalingon sa kanya si Bom.

"Sure ka?"

Isang mahigpit na yakap na lang ang naging sagot ni Luhan.


He held her in his arms as if it was her only comfort zone.

Roommate | 2NE1 • EXODonde viven las historias. Descúbrelo ahora