Chapter 4

1.6K 52 6
                                    

"OO nga pala, Tiffany. Alam ba ng mga magulang mo kung nasaan ka? Did you already text them?" tanong sa kanya ni Dion habang may kung anong kinakalikot sa cellphone nito.

Umiling siya. "Hindi rin naman sila makakauwi agad agad kahit itext ko sila. They're too busy right now." pinaglaruan niya ang makapal na comforter.

"Dapat sinabi mo pa rin. Baka mag-alala ang mga yun nang bigla ka na lang mawawala ng ganyan." tiningnan siya nito nang matiim.

Umiwas siya ng tingin rito. "I already told my secretary slash staff that I'll be going on a vacation for two weeks. Di na magtatanong yung mga yun ng kung anu-ano." As if naman umuwi sila Mommy dahil lang sa katangahan ko? Baka sermunan pa ako nun. Psh.

"Nag-iisa ka lang bang anak?"

Tumango siya. "Pareho pala tayo." wika nito. Napalingon siya rito.

"So.. spoiled ka ba o nasa sa'yo lahat ng responsibilidad ng pamilya ninyo? Hindi madali ang maging doctor ah. Ilang taon din ang bubunuin mo para lang magkaroon ka ng lisensiya."

"It was hard, I admit. Pero kung yun talaga ang gusto ko, kahit mahirap pa yan o imposible kakayanin ko. Ako pa ba? Babae lang yata di ko matiyempuhan eh." nagkamot ito ng batok.

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

Malalim na napabuntunghininga ito. "Where do broken hearts go? On a vacation." natatawang humiga ito sa sofa sa harap ng kama at tiningala ang kisame. "Lahat ng babae na nagustuhan ko.. ayun.. kasal na sa iba. Di ko naman sinasadya na mainlove sa mga damsel in distress. Nagkataon lang talaga na nagagandahan ako sa kanila at kalaunan ay nagugustuhan ko na sila."

"Ilang taon ka na nga uli?" curious niyang tanong rito.

"Tas tatanungin mo kung anong number ko? Tas sunod yung address ng bahay ko? Tapos liligawan mo ako? Tas papasagutin mo ako? Tas magpo-propose ka sa akin? Tas ikakasal tayo? Tapos magkakababy na tayo? Baby boy at ang pangalan ay Theon? Tas magiging happy family tayo? Bakit kayo ganyan kayong mga babae talaga!" pabirong litanya nito.

Binato niya ito ng unan na kalaunan ay niyakap nito. "Eto at nagtatanong ng maayos.. kalokohan ang isasagot!" pinanlakihan niya ito ng mata.

Natatawang umupo ito at humarap sa kanya. "29 po, madame. Ikaw?"

Tumango tango siya. "Bata ka pa pala.. for a doctor, I mean. 25."

"Sabi mo restaurant connoisseur ka? So may sarili kang restaurant?"

Tumango siya. "I specialize Spanish cuisines."

Namamanghang napanganga ito. "Wow! Lutuan mo ako kapag okay na ang braso mo ah! Panigurado rapsa yan!"

Inismiran niya ito. "Sus! Pacute ka pa! Siyempre no! Laki yata ng utang na loob ko sa'yo."

"Yun oh!" ngiting ngiting napasuntok pa ito sa hangin. "Ano favorite color mo?"

"Ang random naman ng tanong mo.. pero teal ang gusto ko."

"Kulay ba yun? Akala ko inumin." nagbibirong saad nito.

Binato niya ito ng unan sa mukha. "Sira! Eh ikaw?"

"White. Kasinglinis at kasingputi ng budhi ko." proud na saad nito.

Umirap siya sa ere. "Lokohin mong lelang mo! Next question.. what are your hobbies?"

"Hmm.. golf, swimming, cooking, singing, conversing with people.. what else? Manggamot ng pasyente. Yun lang yata. Buong buhay ko kasi dedicated sa pagtulong sa mga nangangailangan eh." napakamot pa ito sa batok.

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon