Chapter 6

1.3K 52 4
                                    

KUMAKAIN sila ng ice cream ni Dion habang nanunuod ng romantic comedy movie sa kwarto nito na kwarto na rin niya. Simula kasi nung dumating siya ay doon na siya nag-stay at ito naman ay sa guest room sa tapat ng kwarto na inookupahan niya.

"Oh, wag kang iiyak! Alam kong may karapatan ka ngayon kasi may dalaw ka. Wag ka ring huhugot."

Binalingan niya ito. "Gusto mong tusukin ko yang ilong mo gamit itong kutsarang hawak ko?" nakangiting banta niya rito.

"Hehe. Sabi ko nga hindi na ako magsasalita eh."

"Teka nga pala.. diba may mga pasyente ka sa ospital na pinagtatrabahuhan mo? Wala bang emergency doon ngayon na kakailanganin ka?" usisa niya rito.

Umiling ito at kinuha sa kanya ang hawak hawak niyang tub ng ice cream na pinagsasaluhan nila. "Kaya na nila yun. Inihabilin ko na rin sa ibang doktor ang mga pasyente ko."

Napatango siya. "It must've been tough to be on call 24/7."

"Mas malala yung residency ko. 24/7 akong gising. Kasi siyempre bago ka pa lang. Ikaw ang uutusan mag-rounds, magturok sa pasyente, i-check kung okay pa ba ang vitals nila, i-adjust ang IV.. pero mas malala sa emergency room. Mapa-araw man o gabi busy."

Nilingon niya ito. "Ganun pala yun no?" napatangu-tango siya. "Ang hirap din naman pala ng dinanas mo. Pero look at you now! Isang respetadong doktor na tumutulong sa mga magagandang katulad ko." biro niya rito.

Natawa ito. "Hay naku! Akala ko naman iko-comfort mo ako sa mga paghihirap ko. Naghahanap ka lang pala ng cue na maisingit ang kagandahan mo?" bulalas nito.

Napangiti siya. "Wag palampasin ang pagkakataon!"

Sandaling katahimikan ang bumalot nang basagin nito iyon. "You look breath taking when you smile." seryosong saad nito.

"Kapag naka-smile lang?" idinaan niya sa biro ang malakas na kabog ng dibdib niya.

Awtomatikong pumailanlang ang nakakahawang tawa nito. "Siyempre naman palagi! Ikaw talaga! Gusto mo lang marinig na maganda ka eh. Kahit hindi ko naman sabihin na maganda ka.. naghuhumiyaw naman sa mukha mo."

Inungusan niya ito. "Iba pa rin kapag galing sa'yo."

Natigilan ito. Huli nang bawiin niya pa ang sinabi niya. "K-Kasi diba.. ano.. p-pareho tayong g-gwapo at maganda!" dagdag niya.

Nagulat siya nang ilapit nito ang mukha nito sa mukha niya. "Ikaw ha.. crush mo na ako no?"

Napalunok siya. "H-Hoy! Lumayo ka nga sa akin! Babatukan kita!" banta niya rito.

Natigilan siya nang marahang dumampi ang mga labi nito sa noo niya. "Okay lang na maging crush mo ako. Basta wag mong idedeny. Atsaka dapat ako lang ang crush mo ah."

"Crush? Ano tayo highschool?" pilit siyang kumakawala rito.

Napangisi ito. "So.. mahal mo na ako?"

Nang humawak siya sa t-shirt nito para sa suporta ay napaigtad ito. Nagtatakang tiningnan niya ito. May sumilay na pilyang ngiti sa mga labi niya. Prepare for my revenge! "Tickle! Tickle!"

Nanlaki ang mga mata nito ngunit bago pa ito makaiwas ay nahawakan na niya nang mahigpit ang t-shirt nito at sinimulang kilitiin ang tagiliran nito.

Bumunghalit ang malakas na tawa nito. "S-Stop it, Phine!"

Natawa siya sa naging reaksyon nito. Mukhang malakas talaga ang kiliti nito sa tagiliran. Halos maluha luha pa nga ito.

Natigil ang pagkiliti niya rito nang dumapo ang isang kamay nito sa leeg niya. Naningkit ang mga mata nito. "Oy! May kiliti ka sa leeg no?" panunudyo nito.

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon