Prologue

4.6K 81 5
                                    

EXCITED na excited na si Tiffany nang tawagan siya ng boyfriend niyang si Peter John. Nagyaya itong mag-dinner raw sila sa bahay nito at may pag-uusapan daw sila. Ramdam niya na magpo-propose na ito sa kanya. Bakit naman hindi? Halos limang taon na sila nito at medyo tumatanda na rin ito. Siya naman ay handa na ring lumagay sa tahimik dahil bente singko na rin siya. Takot lang niya na tumandang dalaga. At isa pa mahal na mahal niya ang kanyang boyfriend na saksakan ng gwapo at saksakan ng bait. Papasa na yatang santo ito. Sukat ba namang pag-aralin ang mga basketball player sa barangay nila at pati na ang mga batang lalaki sa boys' town malapit sa kanila. Kaya mas lalo niya itong minahal.

"Where are you?" bungad nito sa kanya nang tawagan niya ito.

"Paalis na ako, babe. Namiss kita." nakangiting wika niya habang nagda-drive palabas ng village nila.

"Mag-iingat ka. We'll talk later. Alam kong nagda-drive ka. Wag matigas ang ulo at ibaba mo na ang phone mo at mag-focus ka sa daan." sermon nito sa kanya.

Lalo siyang napangiti. "Opo, babe. I love you po."

"Sige na. Ingat ka." wika nito bago niya ibaba ang linya.

Kakilig talaga yung gwapong nilalang na yun. I do na agad agad talaga kapag nag-propose saken yun. Hihihi.

NGITING NGITI siya nang makapasok sa mala-mansyong bahay ni Peter John. Paano ba naman ay patay lahat ng ilaw. Ayan na! Hihihi. Eto na talaga. Buti na lang maganda ako ngayong araw. Di ako puyat. Makapit ang makeup ko.

Pasimpleng inayos niya ang kanyang buhok habang naglalakad sa malawak na sala nito. Napakunot noo siya nang makarinig ng boses na nanggagaling sa kusina.

"Ano ba, Peter?! Kailan mo ba sasabihin kay Tiffany?! Wag kang duwag?!" sigaw ng baritonong boses.

Ano kaya yung sasabihin ni Peter? Hihihi. Sabi na eh.. magpo-propose na talaga saken yung mokong eh.

"Sasabihin ko naman na sa kanya eh. Humahanap lang ako ng tiyempo." malumanay na wika ng boyfriend niya.

Ano ba yan? Bat di mo na lang kasi ako tanungin.. I do naman agad agad ang isasagot ko. Hihi.

"Hanggang kailan mo ba ako itatago? Hanggang kailan ba na hanggang dito na lang tayo nagkikita? Hanggang kailan ba na mananatili ang relasyon natin sa apat na sulok ng bahay mo?"

Ay.. sino ito? Tatay niya? Kuya niya? Makasilip nga.. Hihi. Hi, future in law!

Marahang naglakad siya papunta sa kusina para silipin kung sino ang kausap ng boyfriend niya.

"Mahal na mahal kita, Ivan. Alam kong alam mo yan. Mas mahal kita kay Tiffany. Pero ayoko din naman siyang saktan. Para ko na siyang nakababatang kapatid." nagsusumamong wika ni Peter John.

Napakunot noo siya. Ivan? Mahal na mahal? Ano daw?

Pagsilip niya ay halos lumuwa ang kanyang mata sa nasaksihan. Ang kanyang boyfriend at ang isa sa star varsity ng barangay nila ay naghahalikan.

"What the fuck?!" malakas na napamura siya. Halos magkandaduwal duwal siya sa nasaksihan.

Agad na napalingon sa kanya ang dalawa. Halatang gulat na gulat sa pagdating niya.

Mabilis na nilapitan niya ang dalawa. "Tangina niyong mga higad kayo! Ang lalandi niyo!" sinabunutan niya ang dalawa na walang imik.

"At ikaw punyeta kang talipandas ka! Minahal kita! Tapos ano?! Ha?! Pinagpalit mo ako sa kalahi mo? Kaya pala ni halik hindi mo magawa. At nagpapasalamat ako dahil dun. Tangina. Kaya pala pinapag-aral mo yung varsity nitong damuhong to. May relasyon pala kayo? You could've just told me.." hindi niya na napigilan ang pag-alpas ng mga luha niya. "And here I am.. in front of you.. wasting my tears. Peter.. minahal kita eh. Minahal kita for five years pero ano?! Minahal kita pero ginago mo lang ako."

Napayuko ito nang bitawan niya ang buhok nito. "I'm sorry, Tiff. Nagmahal lang naman ako eh. Tinago ko sa'yo kasi mahal din naman kita.. girlfriend kita eh.. p-pero.."

Mapakla siyang ngumiti. "Pero mas mahal mo si Ivan?" marahas na pinahid niya ang kanyang mga luha. "Five years, Peter.. five years.. five fucking years ang sinayang ko sa'yo. And here I am thinking na magpo-propose ka na saken. How stupid of me! Sana sinabi mo na lang sa akin na may iba ka na. Matatanggap ko naman eh. Pero yung pinaikut-ikot mo pa ako para lang matago yang katotohanan sa pagkatao mo? Ang selfish mo.. ang selfish selfish mo!"

Hindi niya napigilang mapahagulgol sa harapan nito. Alam niyang mukha siyang tanga ngayon.. alam niyang mukha siyang nasisiraan nang bait.. pero wala siyang pakialam.. gusto niyang ilabas lahat ng luha niya.

"Tangina talaga.. tangina niyong dalawa.. I don't usually swear.. pero nakakatangina.." pinunasan niya ang mga luha niya at tiningnan ang dalawa. "Sana maging masaya kayo ngayon at wala na kayong itatago sa akin. Sana matanggap kayo ng lahat ng tao dito. At Peter.. sana matanggap ka ng tatay mong Mayor. At ikaw Ivan. Higad kang walanghiya ka! Wag mong lolokohin si Peter. Alam kong mukha kang pera, hayop ka! Since tapos na ang monologue ko sa putanginang disaster na to. Aalis na ako. Masisira lang ang kagandahan ko sa inyo. Bwiset!"

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon