Chapter 5

1.3K 51 5
                                    

MALALIM na napabuntung-hininga siya nang makabalik sila sa loob ng mansyon ni Dion. Hindi pa rin siya makaget-over sa yaman nito. Kanina kasi ay itinour siya nito sa yacht nitong nakapirmi sa may gilid ng isla. Ayon pa rito ay dito siya nito isinakay papunta sa isla. Humihiyaw sa karangyaan ang mga pagmamay-ari nito.

"Napagod ka ba?" inalalayan siya nitong makaupo sa couch sa living room.

Umiling siya. "Di lang ako makapaniwala na ganito ka pala kayaman. Di na ako magtataka kung may helicopter ka rin at private plane."

Natatawang umiling ito. "May helicopter ako pero wala akong private plane. Baka bumili ako now that you mentioned it."

Napanganga siya rito. "Wow! Grabe! Ang nag-rescue sa akin ay isang bilyonaryo? Hanep!"

"Hindi naman.. gwapo lang." kinindatan siya nito bago abutan siya ng basong may lamang tubig. Nag-indian sit ito sa carpeted floor at tiningnan ang lagay ng paa niya. "Your foot looks pretty good. Siguro mga dalawang araw na lang at pwede nang tanggalin ang cast sa paa mo."

Napatango siya rito. "Salamat talaga sa pagbibigay mo sa akin ng oras mo ah. Akala ko talaga cannibal ka nung una kasi ang weird naman na dinala mo ako sa isang liblib na isla na tayo lang dalawa. Pero narealize ko na mabait ka pala at ginamot mo pa ako. Salamat talaga, Dion."

"Wag kang ganyan! Parang namamaalam ka na ah. Ayoko ng ganyang pagte-thank you. Gusto ko ng kiss."

Natigilan siya. "Kiss?"

"Oo. Kiss sa cheek. Ang pangit naman kung sa noo. Di mo naman ako Lolo."

Natawa siya rito. "Sige na nga. Come closer then."

Tumikhim ito at inilapit ang mukha nito sa kanya. "Pipikit ba ako--"

Masuyong idinampi niya ang mga labi sa malambot at maputi nitong pisngi. "Bayad na ako ah."

"Bakit isa lang? Dapat lima kasi five days na kitang inaalagaan." reklamo nito nang makabawi na sa pagkatulala nito.

"Hindi ba pwedeng paisa isa lang?"

"Pwede naman. Pero gusto ko dalawa."

Inirapan niya ito. "Kung alam ko lang na isusumbat mo to umuwi na lang sana ako kasama ni Cryant."

"Wag kang sasama dun. Manyak yun."

Iningusan niya ito. "Sabi ng Mamang pinagsamantalahan ang sexy kong katawan while I was unconscious."

Ngumiwi ito. "Hoy grabe ka! Nakapikit ako nun! Atsaka nagdasal naman muna ako nun!"

Binuksan niya ang TV at sumandal sa couch. "Whatever!"

"Oo nga pala. Nakita kong kanina pa umiilaw yung cellphone mo. Baka emergency na yun. Check mo kaya?" untag sa kanya ni Dion.

Binalingan niya ito. Iniabot naman nito sa kanya ang cellphone niya. "100 missed calls. 50 from Xyzab. 20 from Sebastian. 18 from Mom. 10 from Dad. 2 from Peter." she scoffed. "Akalain mo nga naman at tinawagan ako two times ng baklang yun. Pagkatapos ako lokohin may gana pa talagang tawagan ako! Kapag nakita ko talaga silang magkasama nung player na yun tutuliin ko sila uli mga hindot sila."

"Oh Kalma! Wag mo na kasi isipin yung lalaking-- err.. yung ex mo." pagpapakalma sa kanya ni Dion.

Sumimangot siya. "Paano ba naman ang akala ko may babae siya! Akala ko naman sikretong kinasal na pala siya o kaya naman may anak na siya sa ibang babae. Nakabuntis! Ay pucha naman! Paminta pala ang gago!"

"At least wala sa mga inisip mo ang katotohanan."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Sabagay! I'll get over it. This is just one heartache. Hinasa naman ako ng mga magulang kong maging matatag. Kaya ko to. Hay buhay.." kausap niya sa sarili habang panay ang pindot sa remote control.

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon