Chapter 3

1.6K 51 3
                                    

"SINONG nagpaligo sa akin nung wala akong malay?" nakakunot noong tanong niya kay Dion. Hindi ako magagalit kung magsasabi siya ng totoo. Pero I feel awkward not wearing a bra in front of this sinfully gorgeous biyaya ng Diyos sa kababaihan. And for God's sake, I am wearing his clothes!

Saglit na natigilan ito at nilingon siya. "Ako. Pasensiya ka na pero ayoko lang na mas lalong maimpeksyon ang mga sugat mo at pati na rin ang maseselang bahagi ng katawan mo. I swear to God, nagdasal pa ako kay Papa Jesus bago ka paliguan."

Simpleng tango ang isinagot niya rito. Nagtatakang hinuli nito ang mga mata niya. "Hindi ka galit? Hindi mo babangasan ang kagwapuhan ko?"

She shrugged. "No. You cared for me that's why you did it. And plus you're a doctor kaya I'm sure marami ka nang nakitang katawan." Pero mas sexy ako sa mga iyon. Di na nga lang makinis dahil sa mga tahi tahi ko. Nubeyen!

Nginitian siya nito. "I thought you'll kill me after knowing that I bathed you. Pero promise walang malisya yun. I was just trying to help you."

"Okay. Sabi mo eh. Oo nga pala. Pwede bang dito muna ako for a week or two.. I mean kung hindi naman ako makakaistorbo. Kasi ayokong magpakita sa parents ko na ganito ang itsura ko. Isipin pa nun ginahasa ako ni Peter."

Kumunot ang noo nito. "Sino nga uli si Peter?"

Binalingan niya ang magazine na nakapatong sa hita niya. "Ang hindot na ex kong pinagpalit ako sa kabaro niya." she flatly said.

"Oh, sorry. I won't open it up again." hinging paumanhin nito.

She smirked. "Okay lang. Isang araw lang yata akong nagalit sa hinayupak na yun. Di naman siya worth it." saglit siyang natigilan. "Tell me.." hinarap niya si Dion na nakaupo sa katapat na couch ng kama. ".. panget ba ako? It sounds cliché.. but I want a honest answer, Dion."

Nang lumingon ito sa kanya at tinanggal ang salamin nito sa mata ay halos matunaw siya sa uri ng pagtingin nito sa kanya. "Honestly? Okay. Physically talking.. you are gifted. Maganda ka, makinis, maputi, and some body parts of yours are what men looks for in a woman. I don't really know what that Peter was even thinking when he chose a.. uhm.. a man over a gorgeous woman like you." ramdam niya ang sincerity sa boses nito.

She flipped her hair. "Ego fed." Haba ng hair ko teh!

Natawa ito. "Aren't you going to rest? It'll help you recover faster." tumayo ito at inayos nito ang pagkakakumot niya.

Inirapan niya ito. "Ano pa bang pahinga ang gagawin ko? Maghapon na akong nakahilata rito. Ni hindi nga ako makagalaw sa sobrang sakit ng buong katawan ko eh."

"Point taken, miss. Now stop pouting. Wanna watch a movie?" nakangiting alok nito sa kanya.

Binalingan niya ito. "Oo nga pala. You said you're a doctor. Wala ka bang trabaho ngayon?" curious na tanong niya rito. Si Cryant kasi kanina pa nakaalis at parang nagmamadali dahil sa isang babaeng nagngangalang Venus, na napag-alaman niyang nakababatang kapatid pala nito.

He shrugged. "I'm on a leave." Dion turned the TV on and quietly sat beside her.

Pinakatitigan niya ito. His tantalizing brown deep set eyes were boring on the TV screen. His long lashes were fanning his cheeks as he blinks. Parang napakainteresante ng pinapanuod nito at hindi nito iyon maialis roon. Nang mapadako ang tingin niya sa TV ay nakita niyang ang cartoon na Larva ang pinapanuod nito. Napangiti siya. "That's my favorite cartoon."

Sandaling binalingan siya nito. "Yeah. Favorite ko rin yan kahit puro kalokohan at puro kababuyan yang si Yellow at Red." natatawang wika nito nang umutot si Yellow para mapakawalan sila ng nakahuli sa kanilang ibon.

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon