Chapter 7

2.6K 75 39
                                    

HAPON na nang makabalik sila ni Dion sa mansyon. Ayon kasi rito ay pupunta silang bayan para bumili ng stocks ng pagkain dahil inubos raw ni Frazier ang laman ng ref nito nang magtagal ito roon ng halos dalawang araw nang hintayin siya nitong magising.

Mabilisang naligo lang siya at nagbihis ng cotton shorts at maluwag na t-shirt. Nagpapasalamat nga siya at natuto rin siyang magsuot ng bra gamit ang isang kamay lang. Hindi niya na kasi maatim na walang suot na bra tapos silang dalawa lang ni Dion ang magkasama.

Hindi rin siya nakaligo sa falls kanina dahil hindi raw siya pwedeng magbabad sa tubig at baka pasukin ng tubig ang ilang tahi na natira sa katawan niya. Sa susunod na lang raw kapag naghilom na ng tuluyan ang mga sugat niya.

Nakarinig siya ng katok sa pintuan ng kwarto niya. "Future wife? Tapos ka na?" ibinaba niya ang suklay sa side table at tinungo ang pintuan.

Natawa siya at binuksan ang pintuan. "Opo, tapos na po. May kukunin ka?"

Umiling ito. "Hinihintay na lang kita. Nakahanda na yung yacht."

"Ready na ako!" excited na wika niya. "Sa palengke ba tayo?"

"Gusto mo ba doon? Sa grocery sana tayo para hindi ka mahirapan maglakad. Kasi baka madulas ka sa daan."

Napanguso siya. "Mag-iingat ako promise! Gusto ko sa palengke at mas fresh ang mga bilihin doon."

Malalim na napabuntung-hininga ito. "Fine. Bubuhatin na lang kita kapag may madulas na daan." nakangising inakbayan siya nito.

"Sus! Gusto mo lang makaisa eh." biro niya rito.

"Grabe siya oh! Paano mo nalaman?" eksaherado pa itong napasinghap nang lingunin siya nito.

Natawa siya. "Tara na nga para hindi tayo gabihin sa daan.. este sa dagat?" nag-isip pang wika niya.

Iginiya na siya nito patungo sa wooden dock. Maingat siya nitong pinangko pasakay sa yate nito. Napailing na lang siya sa sobrang pag-iingat nito sa kanya.

"Papasa ka nang tatay ko sa sobrang pag-iingat mo sa akin." wika niya nang makaupo na siya sa may couch sa tabi ng ship's wheel.

"Hindi ba pwedeng asawa na lang? Tatay talaga?" biro nito sa kanya habang masuyong sinimulan nang paandarin ang yate nito.

"Ayoko nga. Asawa agad? Di pwedeng manliligaw muna?" tinaasan niya ito ng kilay.

Natatawa itong nilingon siya. "Wag kang mag-alala.. kapag nagkita tayo sa Maynila, hindi kita tatantanan hangga't sa hindi mo ako papakasalan."

Inirapan niya ito. "Anyway, ang ganda ng yate mo ah. Parang nasa mansyon mo lang tayo." Para kasi siyang nasa lounge area lang ng isang five star hotel. May TV pa nga roon, dining table, at mga couch na pwedeng pagpahingahan.

 May TV pa nga roon, dining table, at mga couch na pwedeng pagpahingahan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Binili ko talaga ito para maka-travel ako ng kumportable. Nakakapagrelax lang kasi ako kapag nakapalibot sa akin ang dagat." may pinindot ito at umupo na rin sa tabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doc Gamutin Mo Ang Puso Ko (Dion Fidel & Josephine Tiffany Lira Coloma)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon