Chapter 9
Nagising ako dahil sa bigat ng paang nakadantay sa akin. Yung totoo? Mukha na ba akong kilohan ngayon?!
"Tss. Alex." Tinulak tulak ko yung napakalaki niyang paa pero ang bigat talaga! Ano ba namang klaseng binti 'to?! Sakit sa legs!
"Hmmm."
"Uy, gising na." Inalog alog ko siya pero mukhang wa epek! Ayaw mo talaga gumising ah? Pwes! "Ayaw mo talaga bumangon?" I asked.
"Hmmm." Ganun ah, humarap ako sakanya at hinanda ang super powers kong mga kamay! "Stoop! Shit, oo na. Babangon na promise hahahahaha tama na Elis hahaha please hahahaha." Letche 'tong lalaking to. Kailangan ata laging kinikiliti bago bumangon! Wag siyang ano! Mainit ang ulo ko ngayon.
"Wifey, ano na namang problema?" Nakakunot noong sabi niya. Pero ayokong sumagot. Dba nga? WALA AKO SA MOOD. So, bahala siya. Maglaslas siya. Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinapit sa bewang at napabalik sa kama. Hinarap niya ako sakanya at tumingin mata sa mata. Nakuha pang makipag eye to eye?! Sarap mandukot ng mata ngayon! "Uy, ano?"
"Wala."
"Wala ba yan? Tignan mo nga yang itchura mo. Parang baliw wifey." Tinignan ko siya sa mata and glare.
"Ako pa mukhang baliw ngayon?! Letche lang ah. Umalis alis ka nga jan at magbabanyo ako!"
"Ayaw." Parang batang sabi niya at lalong hinigpitan ang pagyakap niya sa akin. Kung hindi lang siya macho baka nasipa ko na siya!
"Alis na." pag iinarte ko haha kailngan naman mag inarte minsan noh!
"Ok." sabay bitaw sa akin. Ugh bwisit, akala ko naman lalambingin niya pa ako dahil sa late na siya umuwi kagabi! Letche lang talaga!! Di pa siya nag eexplain dahil nakatulog na ako kakaintay sakanya, ni wala manlang tawag para magpaalam. Ano yun? So ano nga? Anong gusto niyang palabasin? Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Kailangan ko pa bang idetalye pati pagliligo ko? Badtrip nga dba? Nakakasura ah! Sarap palamunin ng Panty Liner nung lalaking yun! Matapos ng ginawa namin nung isang isang gabi okay na? Na okay na lahat dahil naibigay ko na yung part ko?! At ano hihintayin ko maging fake yung marriage namin? Ano ako baliw? Matapos nun yun lang?! Ang tanga ko kasi magbigay ng consequence sa deal eh! Ayan tuloy!
Lumabas na ako ng banyo pagtapos kong maligo, malamang mag stay pa ako dun dba?! Lumakad ako papunta sa closet, magbibihis na sana ako pero napansin kong wala na si Alex sa kwarto. So, tinakbuhan na naman niya ako? Letche siya. Pagkatapos kong magbihis ay narinig kong nagriring ang cellphone ko at pagtingin ko sa Screen ay bestfriend ko pala!
"Hello?" sagot ko.
"Aba't buhay ka pa pala?" Ganda ng bungad nitong babaeng 'to!
"Oo, buhay na buhay. Bakit ba?"
"Namiss lang kita tapos ganyan ka sumagot! Di mo manlang akong naalalang kamustahin at tawagan sa loob ng 3 weeks! Aba, ako pa ba ang bestfriend mo Elisha?! Napunta ka lang sa bahay ng husband-to-be mo nakalimot ka na! Ano ba ako sayo? Wala na---" Di ko na pinatapos yung sasabihin niya kasi nga dba?! Badtrip ako baka lalong uminit yung ulo ko!
"Sorry na. Namiss din naman kita eh."
"Sus, nakakatampo lang talaga bessy. Kung hindi pa kita tatawagan malamang sa malamang hindi mo ako maaalala. huhu." Pag iinarte ni Samantha sa kabilang linya. Letchugas naaman!
"Sorry Bessy."
"Okay lang, pero kailangan mong bumawi." Yan tayo eh. Paalala niyo nga sa akin ulit na bawal patampuhin 'to?!
"Ano na naman yan bessy?"
"Let's go out bessy. Please? I miss you lang naman eh." pagpapacute sa kabilang linya.
"Okay, bored din naman ako eh."
"Yay, okay! Seeyou, punta ka na dito! Dali!!"
"Agad agad? Ngayon na?!" Bakit naman ang aga?! Ganun ba talaga niya ako kamiss? Habang nag uusap kami eh sakto namang pagpasok ng Letcheng H-T-B ko! (Husband-To-Be)
"Oo, ano ayaw mo ba?"
"Hm. sge pupunta ako. Hintayin mo ako ah?" I sweetly asked! Kitang kita ko namang napatingin sa akin si Alex. Tch. I.DON'T.CARE! Capslock yan para dama!
"Okay bessy, Loveyou! Bye!"
"Loveyou too, seeyou!" then call ended. Agad naman lumapit sa aking si Alex at hindi mo maaninag ang nararamdaman. Tinignan niya ako sa mata at nagsalita "Sino yun?" He asked.
"Wala." walang kagana gana kong sagot. Eh kasi nga diba! Nagtatampo ako?!
"Ah ganun? Okay." Sabay alis sa harap ko! Bwisit, tangina talaga eh! Hindi manlang ba niya alam yung ginawa niya kagabi?! OKAY KUNG AYAW NIYA MAG EXPLAIN AT HUMINGI NG SORRY EDI OKAY!! OKAY LANG TALAGA SA AKIN. OKAY LANG.
Tumayo ako at nagbihis. Ayoko na dito, nakaka badtrip lang lalo. Nagsuot ako ng Skirt at Hangin' blouse. Syempre, di mawawala ang brown boots ko! Ewan ko nalang kung di pa ako mapansin nitong mokong na 'to! EWAN KO NALANG TALAGA! Naglagay ako ng light make up at inayos ang mga gamit na kailangan ko sa bag at lumabas. Tumambad lang naman sa harap ko ang tulog na naman na si Alex. Okay, aalis na ako at hindi nagpaalam. Pero, nag iwan naman ako ng note sa ref niya. Dumiretso ako pababa at naghanap ng taxi. At kung siniswerte nga naman eh nakasakay ako agad!
--
ALEX
Yes, buti naman nakapag POV na ako! Alam niyo kasi nakakainis na si Elisha eh kung hindi lang babae kanina ko pa sinapak! Di ko na alam nangyayari sa babaeng yun! Ang weird niya this past week. Matapos naman ng ginawa namin nung gabing yung eh nasundan pa ng tatlong beses Hahaha. Meron sa couch, sa kusina at sa banyo! Basta kung saang lugar kami mapadpad. Kahit sa sahig pa yan okay lang! Pero, bwisit din kasi. Naging cold siya nitong mga nakaraan kaya nagpunta ako sa bar kagabi. Hindi na ako nagpaalam kasi di naman niya ako papayagan. Kaya after work sa opisina dumiretso ako dun kasama sila Louie. Pero nakakainis na kasi!
Nagising ako ng walang Elisha sa buong bahay kaya lalo akong nanggigil! Hindi ba marunong magpaalam yung babaeng yun?!! "YUNG KAGWAPUHAN KO HINDI BASTA BASTA MAUUBOS, PERO YUNG PASENSYA KO ONTING ONTI NALANG!"
YOU ARE READING
One Wild Night
RomanceHow could we say or define that we love someone? How come we're going to say we're Inlove? Alex and Elisha was a victim of Arranged Marriage. Elisha tends to hate Alex because of becoming a Womanizer. Alex just agreed of the marriage because of his...