"No! Di ako papayag sa gusto mo. Di ko pipirmahan yan!" Saad ni Toni at nilapitan si Vhong habang pilit itong niyayakap. Pilit namang inaalis ni Vhong ang pagkakayakap sa kanya ni Toni
"No. No. No!" Paulit ulit na sabi ni Toni. Mas lalo niyang hinihigpitan anf pagkakayakap sa asawa.
"Toni! Ano ba!"
"Vhong! Pleaseeee.. wag ganto! Ayusin natin 'to. May anak tayo. Ano nang--" naputol ang pagsasalita ni Toni ng biglang pumasok sa kwarto nila si Von namangilid ngilid ang luha.
"N-nag aaway p-po ba kayo?"
"Hindi. N-nag uusap lang kami" umiiling na sagot ni Vhong. Nilapitan niya si Von saka hinawakan ang mukha at pinunsan ang mga luha sa mata.
"Von" lumapit din si Toni sa anak " Let's go. Paliliguan na kita" sabi ni Toni ang kinukuha si Von kay Vhong.
"Vhong let's do a family bath" suggestion ni Toni na agad sinimangutan si Toni. "Joke"
Lumapit si Toni kay Vhong at bumulong " Hinding hindi ko pipirhan yan. You're mine Vhong." Saad niya bago lumabas ng kwarto.*
"Anne!" Tawag ni Vhong kay Anne habang kumakaway. Agad naman lumingon si Anne at nilapitan si Vhong.
"Kanina kapa?" Tanong niya at hinalikan sa pisnge ang nobyo.
" di naman. Let's go" aya niya habang kumukuha ng push cart.
Parang mag asawa sila habang namimili ng grocery. Habang nagkukulitan at nagtatawanan, masayang namimili ang dalawa.
"Vhong..alam na ba ni Toni?" Tanong ni Anne sa nauunang si Vhong Napatigil naman si Vhong sa paglalakad at nilingon siya.
Ngumuti si Vhong at nag salita."Hindi pa" simpleng sagot niya.
"A-anong gagawin mo?" Tanong ng dalawa.
"Ako na bahala don. Trust me okay. " tumango si Anne at nagpatuloy sila sa pamimili.
*
"Daddyyyy!" Salubong ni Vonn sa ama habang tumatakbo. Kasunod ang si Toni na may hawak pang siyanse.
"Oh na--" natigil siya sa pag sasalita ng makita si Anne. Tinaasan niya ito nf kilay at nag patuloy. " nandito ka rin pala. Kumain na ba kayo? Matatapos na yung niluluto ko." Saad niya saka bumalik sa kusina.
Binuhat ni Vhong ang anak saka tumungo sila sa kusina."Tumulong po ako kay Tita Toni sa pagluluto" pagmamalaki ni Vonn sa ama.
"Wow! Big boy na ang baby ko" tugon ni Vhong sa anak.
Si Anne naman'y kukuha na sana ng pinggan ng pigilan siya ni Toni.
"Ako na" saad ni Toni"Hindi. Ako na."
"Ako na talaga. Tama lang siguro na pagsilbihan ko ang pamilya ko diba". Matigas na tugon ni Toni. Nanahimik nalang si Anne at bumalik sa tabi ni Vhong.
"Okay ka lang?" Tanong ni Vhong na mapansin na tahimik si Anne.
"Ah. Oo. Okay lang. Medyo pagod lang" pagsisinungaling ng dalaga.
Pero ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi ni Toni. Para kasing pinalalabas niya na sa kanya lang ang mag ama. Totoo naman kasi. Noon. Ngayon iba na. Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya mahal ni Vhong. Si Anne na ang mahal niya ngayon. Kaya hindi niya rin masisi si Toni don.Alam ni Toni na may gusto ang dalaga sa asawa, bago pa man sila ikasal. Laking pasalamat na lang ni Toni na nag paubaya siya noon. Pero iba na ngayon. Hindi kaya ni Toni ang magparaya na katulad ng ginawa ni Anne. Iba na ngayon dahil may anak na sila. Hindi niya kayang palayain ang taong mahal na mahal niya.
"Daddy.. alam mo ba yung classmate ko may bago silang baby. Ang cute cute pa" saad ni Vonn.
"Gusto mo ba ng kapatid?" Tanong ni Vhong sa anak.
"Opo! Gusto ko dalawa! Para masaya at may makakalaro ako!.. kaya Tita Anne! Gawa na kayo ni daddy!" Saad ni Vonn na kinagulat ng tatlo.
"Ahh hahaha. Kumain ka na nga diyan" saad ni Anne.
"Pleaseeeee!!" Pagmamakaawa ni Vonn.
"Hahaha Vonn. Kumain kana nga. Kung anu ano pang sinasabi mo" saad ni Toni
"Pleaeee! Daddyyy!!" Mangiyak ngiyak na saad ni Vonn habang nakatingin sa ama.
"Osige na. Gagawa kami!" Masayang nagtatalon si Vonn sa upuan. Napatingin naman ang dalawang babae kay Vhong.
'Ba't ka pumayag?' Bulong ni Anne.
'Nang di na siya umiyak. Saka ayaw mo nun. Siya na mismo nag recquest.' Sagot ni Vhong.
"Kumain nalang tayo" saad ni Toni at nagpatuloy na sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)
FanfictionIts better to be late than Never..