Chapter 29

2K 49 22
                                    



Abalang nagluluto ng meryenda si Vhong para sa anak at sa girlfriend ng may biglang nagdoor bell.

*ding dong* *ding dong*

Dali dali niyang pinatay ang kalan at nagpunas ng kamay saka dumeretso sa pinto upang pagbuksan ang bisita.
Wala paring tigil sa pagdoor bell ang tao sa likod ng pinto.

"Sandali! eto na!" Binuksan niya ang pintuan at laking gulat niya kung sino ang nagdoor bell.

"P-p-pa--" dali dali niyang sinarado ang pinto at sumandal doon.

"V-Vhong! buksan mo 'to!" sigaw ng tao sa likod ng pinto.


"H-hindi!! h-hindi ka totoo!" takot na takot na sigaw niya doon.

"H-hindi siya totoo, Vhong. Hindi" saad niya sa sarili habang nagsa-sign of the cross. Tagaktak na ang pawis niya sa sobrang takot.

"Babe! open the door please!!" sigaw ng babae sa likod ng pinto


"No!" madiin na sagot niya.

"T-teka?! b-bakit ko siya nakikita? b-bakit ko siya nakakausap?" Tanong niya sa sarili.

Nagulat na lang siya ng biglang bumukas ang pinto mula sa kusina at niluwal ang taong kanina'y nasa likod lang ng pinto na sinasandalan niya.

"H-Hindi!! p-patay kana!" sigaw niya.

"Vhong! tumigil ka nga. Wag kang magulo!" sigaw ng babae

"H-hindi ka totoo!" sigaw niya at akmang tatakbo ngunit hinarangan siya at niyakap ng babae.

"B-bitawan mo ako" nagpupumiglas siya ngunit lalong hinigpitan ng babaeng nakayakap sa kanya.

"V-Vhong,Babe,b-buhay ako. *sobs* w-wag kang matakot p-please.." nahinto lang siya sa pagpupumiglas ng marinig niya ang hikbi ng babae.

"T-toni.." kumalas siya sa yakap at hinawakan sa magkabilang pisnge ang asawa. Tinignan niya ito ng mabuti, sinisigurado niya na ito si Toni, ang asawa. "p-pero? d-di--"

"Hindi ako yun." Natigilin si Vhong sa sinabi ng asawa. binitiwan niya ito at tumalikod. Naguguluhan siya sa sinabi ng asawa. Hindi niya maiintindihan ito. naramdaman niya nalang na nakayakap ang asawa niya mula sa likurad niya.


"P-paanong nangyari yun?.. hindi ko maiintindihan. Kung hindi ikaw yun, sino yun? sino yung pinakasalan ko? sino yung nilibing namin?! sino yun?!" kumalas siya at hinarap ang asawa.


"S-siya si Cathy. A-ang kambal ko" mahinang saad ni Toni.

"K-kambal?"nagtataka si Vhong. Walang nasabi ang asawa niya sa kanya noon na may kambal siya.

"P-aanong nangyari yun?! wala ka namang sinabi sa akin na may kakambal ka!..pinagloloko mo lang ba ako?!" umiling si Toni. ang mga luha niya ay sunod sunod na tumutulo.


"Hindi kita niloloko! Ngayon ko lang din nalaman na may kakambal ako.. "

"Ngayon?! bakit ngayon ka lang nagpakita? alam mo bang hinahanap ka ng anak mo.. a-anak m-mo?" Natigil si Vhong ng maisip ang anak niya? anak niya nga ba?

"S-si Von? a-anak ko ba siya?" umiling si Anne. biglang nanlumo si Vhong. "Anong ibig mong sabihin? hindi ko anak si Von?!" tumango si Toni.

"A-anak siya ni Cathy sa dating boyfriend niya." Lalong siyang naguluhan sa sinasabi ng asawa.

"A-ano--"natigil si Vhong sa pagsasalita dahil bumukas ang pinto at niluwa ang anak niyang tumatakbo habang bibit ang eroplanong gawa sa papel.

"DADDDYY!! look. gumawa ako ng airplane!" saad ng bata at pinakita sa ama ang eroplano. pinahiran ni Vhong ang luha niya at umupo para makapantay ang anak.
masayang saad niya at niyakap ang anak. pinagmamasdan lang ni Toni ang mag ama.

"Babe, may uw--" napalingon si Toni sa babaeng kakapasok lang mula sa pinto at may dalang cake. "T-toni?" gulat na tanong ni Anne.

Tumayo si Vhong at hinarap ang dalawang babae.

"Daddy, who she is?" tanong ni Von habang hinihila ang laylayan ng damit ni Vhong.

"V-vhong.. Hinatid ko lang si Von at 'tong cake.. u-uuwi na rin ako." binaba ni Anne ang cake sa lamesa at tumilikod.

"Anne!" tawag sa kanya ni Vhong ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad palabas ng bahay.

Si Toni naman ay nagtatakang sinundan ng tingin sina Vhong at Anne.

"Sino ka po?" tanong na bata kay Toni.

"Im your Tita Toni" sagot ni Toni at ningitian ang bata.

Samantalang sinundan ni Vhong si Anne hanggang sa gate. papasok na sana ito ng kotse ngunit agad niya itong hinila at hinarap sa kanya. Nanlumo si Vhong ng makita ang kasintahan na umiiyak. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

"Shhh..Wag umiiyak, di bagay sayo" biro niya. Pero lalong umiyak si Anne at sinubsob ang mukha sa leeg ni Vhong.

"V-Vhong..p-paanong nangyari yun? d-diba p-patay na si Toni" humihikbing saad niya.

"Y-yun din ang alam ko." sagot niya.

"P-pano na tayo? p-pano na--" hinawakan siya ng sa pisnge ng kasintahan at marahang hinalikan sa labi. nagtagal ito ng ilang segundo bago maghiwalay ang kanilang labi.

"W-wag ka ng umiyak. aayusin ko 'to" muli siyang niyakap ang ni Vhong at hinalikan sa noo

Lingid sa kaalaman nila, tahimik na nakamasid si Toni sa kanila. Muli na namang tumulo ang luha niya. Nagulat na lang siya ng may kumalabit sa kanya.

"Why are you crying?" Tanong ni Von habang nakatingin sa kanya. Pinahiran niya ang luha niya at lumuhod sa harap ng bata.

"Hindi ako umiiyak. napuwing lang ako.. let's go! magmeryenda na tayo" aya niya sa bata.

Pumasok si Vhong dala ang maleta ni Toni. Hindi pa sila naguusap ng mabuti.

"Vhong.. kain?" nahihiyang alok ni Toni. Tumango si Vhong at sabay nilang tinungo ang kusina.

Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon