Anne's Pov
"Oh.. Anong nginingiti mo Diyan?? ha!" Vice asked me
"Oo Nga..anong Meron?? Ang saya saya mo oh.." - K
"Huy! Mukhang kang baliw.. Sumagot ka naman oh.." Vice
"Kasi... Kinikilig ako!!" Naaalala ko kasi yung nangyari kagabi.. Para kaming Mag Bf/Gf lang Yieee!!
"Aber! anong Ganap?? Kwento mo naman"- Vice
"Oo nga, share share" itong magasawa na to, napakachismosa
"Ayoko nga!"
"Sige na!!" Kinukurot ako ni Vice sa tagiliran
"Arraaay!!" Di pa niya ako tinitigilan ha.
"Pag di ka Tumigil, sinigurado ko magkakagulo kayong magasawa" banta ko sakanya, nanlaki naman ang mga mata niya.
"Eto na nga.. titigil na" Vice
"So.. anong nangyari sa date niyo kagabi??" Tanong ni K na kagagaling lang sa CR kaya di niya narinig ang banta ko kaya Vice
"Kwento mo na kasi.. Istorya!! istorya!! Istorya!!"
"Oo nga, ikekwento ko na nga" kwinento ko sa kanila ang mga nangyari kagabi. sa sobrang kilig ko.. di ako makatulog, iniisip ko lahat yung mga sinabi niya.. habang iniisip ko yun di ko mapigilan hindi Kiligin.. an sweet sweet kasi niya eh..
"What?!" sigaw ni Vice pagkatapos ko sabihin sa kanila ang nangyari kagabi
"Oo nga, Anne. May point si Vhong, Ba't di mo pa kasi hiwalayan si Erwan?? " - K
"Ayoko siyang Saktan" nagbago ang mood ko.
"Gaga! kahit hindi mo siya hiwalayan, masasaktan din siya. Ang alam niya mahal mo siya pero Ang totoo si Vhong ang mahal mo simula't sapul" Vice
"Ewan ko! humahanap pa ako ng Time para sabihin sa kanya eh.."
"2 years na.. di ka parin nakakahanap ng Time para sabihin sa kan-- Aaaarrraayyy!" Binatukan kasi Siya Ni K
"Ginagawa mo na naman biro eh.." - K
"Kailangan namamatok??!" singhal naman niya
"Bakit may angal ka?!" pinanlakihan siya Ng mata ni K
"Wala po! " napangiti na lang ako sa kanilan dalawa. Pano kaya kung kaming dalawa ni Vhong yung ganya kasweet?? iniisip ko pa pang kinikilig nako!!
*ding dong*
"ako na" sabi ko at pumunta sa may pinto at binuksan to.
"Best!!" salubong sa akin ni Vhong pagbukas ko ng pinto. kasama niya si Von Von. teka! parang may bago ha?.. nagpagupit ba siya?.. oo nga, pati si Von bagong gupit eh.. Tek! ang gwapo niya lalo..
"Von!!" sigaw ko sabay yakap kay Von Von. tuwang tuwa naman ang baby ko. oo Baby KO, walang kokontra.
"Ay! ganon.. pagkatapos natin magdate kahapon, si Von lang pinansin mo?? *pout*" Wait! Date?? ibig sabihin, hindi dinner ang nangyari kahapon?? kundi Date!! OMG!!
"Date?!"
"Joke hahahaha" Tsk. kala ko pa naman date na talaga.
"He! pasok kayo"
"Guys... may cute tayong bisita at may pangit na kasama" sabi ko
"von, narinig mo yun ha.. pangit ka at cute ako" ntawa naman kaming apat sa sinabi ni Vhong..
"Asa ka naman na ikaw yung cute" sabi ko
"Bakit hindi ba??" tapos nagpacute siya
"hindi"
"weh??" sabi nung dalawa. ay! nandito pa pala sila
"Hi guys.. Von, kiss and hug ka kilala tito Vice mo" sumunod naman si VonVon
"ang cute talaga ng anak mo Vhong, sana pagnagka- anak kami ni Vice ganyan din kacute" - K
"Asa ka pa K, tignan mo nga itsura ng Asawa mo haha... joke" - Vhong
"Sira ulo ka ha"
"hahahaha... ang hard mo naman Vhong" K
mga baliw talaga, nakitawa na lang kami ni K habang yung dalawa ng aaway pa.
*
"So.. san tayo pupunta??" niyaya niya kasi akong ipasyal si Von
"kahit san.. ikaw san mo bang gustong pumunta??"...
"kahit san.. basta kasama kita" napahawak ako sa bibig ko. ba't bigla na lang lumabas yun??
"ha? ano sabi mo ??" sabi niya habang.. nililipat yung radio channel.. buti na lang di niya narinig.
"wala...magdrive ka na lang"
*
"DADAAAAAA!!!" sigaw ni Von Von na tumataakbo habang hinahabol si Vhong..
"Vhong! bigay mo na yung laruan ni Von!" sigaw ko. tinatakbo kasi ni Vhong yung laruan ni Von kaya hinahabol naman siya nung bata. tumigil na sa kakatakbo si Vhong at binigay yung laruan ni Von.
"Dada.. Bad " reklamo ni Von habang naka pout at naka cross arms sa akin.
"No, Baby. Dada is Good" Ano daw?
"hayaan mo baby, di natin bati si Dada..Magpalit ka na oh.." sabi ko kay Vhong at inabot ko sa kanya yung tshirt niya.
"yan! wag ka ng magpapapawis.."
*ring ring*
biglang tumunog yung Phone ko.. bakit parang kinabahan ako?? pag tingin ko kung sino yung tumawag.. kinabahan talaga ako..
Si Erwan
BINABASA MO ANG
Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)
FanfictionIts better to be late than Never..