Chapter 21

2.7K 44 4
                                    

Anne's Pov

"Teacher Anne, Are you okay?" tanong ng isang katrabaho ko dito.

"Y-yes" sagot ko.

Kanina pa ako nahihilo..

Kanina pa rin sumasakit yung ulo.

Tapos, ang lamig lamig pa dito sa room.

"Anne, sigurado kabang okay ka?'" Tanong sa akin ni Dianne

"Oo nga" mukhang di siya naniwala kaya kinapa niya yung leeg ko at noo ko.

"Ang taas ng lagnat mo. Bakit ka pa pumasok?.. umuwi kana para makapagpahinga ka. ako na bahala kay Ma'am Sioson" sabi niya

Nilalagnat pala ako..

Kaya pala ang lamig lamig dito.

"No, kaya ko pa.." tumayo ako ng biglang..

Dianne's Pov

"No, kaya ko pa.." tumayo ng bigla bigla siyang hinimatay.

"Anne!" Agad ko naman siyang sinalo eh.

"Shet! ano gagawin ko?!" Natataranta na ako.

Di ko alam ang gagawin sa babaeng ito.

Buti nalang at may pumasok na dalawang pang co-teachers namin kaya natulungan nila ako dalhin si Anne sa clinic. pag karating namin sa clinic ay tumawag kaagad ng ambulansya ang nurse don. kailangan daw sa ospital siya dalhin dahil may

Dengue si Anne.

Nandito na kami sa ospital..

Yung dalawang co-teacher ko ay di na sumama dito.

Nakakuha naman kami kagad ng Room for her. at ngayon chine-check up pa siyang ng doctor sa loob

Lumabas muna ako para tawagan ang prince charmin ng prinsesa.

Naka ilang ring din bago niya sagutin ang telepono niya.

"Hellow?" Vhong

"Vhong, si Dianne ito"

"Dianne.. Diba sabi ko sayo wag mo akong iistorbohin" ano ba pinag-sasabi nito?

"Vhong, si Dianne ito. yung kaibigan ni Anne" sabi ko

"Dianne?.. Ah! Dianne, pasensya na ha. kapangalan mo kasi yung secretary ko e. ba't ka nga pala napatawag ka?" kaya naman pala e.

"Okay lang.. kaya pala ako napatawag kasi si Anne dinala sa ospital"

"Dinala lang pala sa ospit-- Ano?! b-bakit?! ano'ng nangyari sa kanya?! okay na ba siya?! Kamusta ba siya?! Huy!! Ba't di mo ko sinasagot?!" Sira ulo pala ito. ba't daw di ko siya sinasagot, try niya kaya akong pagsalitain.

"Na-Dengue siya.. di ko pa nakakausap yung doctor kasi nasa loob pa siya at chine-check up pa si Anne.. pumunta ka nalang dito sa St. Lukes" Sabi ko. agad naman niyang binaba ang telepono niya

Bastos! kinakausap pa e.

Vhong's Pov

Pag karating ko sa ospital, agad ako pumunta sa front desk at tinanong kung saan naka-confine si Anne.

"Room 204, 2nd floor po" agad kong pumunta sa 2nd floor at naabutan ko pa si Dianne sa labas ng room ni Anne at kausap ang doctor.

"Dianne!" Tawag ko. lumingon naman siya pati yung doctor. Lumapit ako sa kanila.

Best friend Ko ang Asawa ko :D (Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon