Chapter 1

50 2 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*****

Jas' POV

Haaay.

Malapit na mag prom pero wala padin akong partner. Lahat sila meron na. Nag pa lista na nga sila sa cotillion eh. Tapos ako, eto, nag-aantay ata sa wala.

" Jas! Nagpiprint ka pa ba? Pacopy ako ah! "

Ts,mga kaklase talaga.

" Me too! Paki palitan nalang ng font! "

Magaling magaling! Andito kasi kami sa computer room, at ang magagaling kong kaklase walang mga assignment kaya copy paste ang galawan. Ang alam lang kasi gumimik at mag instagram.

*Ringgg.. Ringgg.. Ringgg.*

Kuya Max Calling..

Huh? Bakit napatawag to?

" Hello? Bakit kuya? " nagtatakang pambungad ko.

" Jas, may date ka na ba sa prom? " Pagkatanong na pagkatanong niya, bumilis agad tibok ng puso ko! As in!

Di ko alam kung bakit, dahil excited ako sa sasabihin niya o dahil nahihiya ako na sabihing wala pa. Sila kasi ni kuya Kai eh! Ang strict!

" Wala pa kuya eh, bakit sana? " Eto na!! Sasabihin niya na!

"May kaklase ako na naghahanap ng date, gusto mo?" Sabi ni kuya Max, may nagtatawanan pa akong naririnig sa likod niya. Eh? Seryoso?

"Really? Who?" Walang buhay na sabi ko. Pano ba naman baka mamaya kung sino lang na mukang mandaragit ng gulaman.

"Si K—"

*toot tooot tot

Eh? Biglang nag end ang call, o may nag end ng call. Hm, baka pinagtitripan na naman ako ng mokong na yon.

Lagi niya kasi akong pinagtitripan!! Btw, siya si Maxwell Lui Cross, he's my 2nd brother. Una si kuya Kaizer Lui Cross. Tatlo kaming magkakapatid, and I am the only girl, Jasm—

*ringgg ringgg ringgg*

At sino na naman to? Unknown number eh.

"Hello? Who's this?" Sino naman kaya eto? Di ko naman pinamimigay number ko, takot ko nalang kila kuya.

"Hi." Matipid niyang sagot, di ko alam kung anong meron pero parang may kumuryente sa akin pag 'Hi' niya pa lang.

"May date ka na sa prom?" OH MY G!! As in OH MY!!! Eto na kaya ung sinasabi ng buwisit kong kapatid?

Parang..parang..parang..parang ang gwapo ng boses niyaaa!

"Wala pa, bakit?" Pataray kong sagot. Baka mapansin niyang naeexcite ako eh. Hoho

"Well, can I be your date?" #%&@+ns GUSTO KONG SUMIGAW SA KILIG!!! Nahampas ko pa ang keyboard. At sa sobrang kilig ko, di ko napansin na naprint ko pala ng 20 copies ung assignment ko. Aish!

"Ehem, still there?" Hala! May kausap pa pala ako.

"Ah..eh..ano kasi..a—"

"Hoy babae wag ka na mag inarte jan! Akala mo naman kagandahan!" Aish!! Si kuya Max to for sure.

"Hey  bro! Don't treat your little sister like that!" It's him, ok na sana kaso little daw. Ouch.

"Jas right? So, ok lang ba? Don't you worry di ako bastos." Sabi niya, mejo kumalma naman ako. Ineexpect ko nadin naman na baka mabait nga naman siya dahil si Kuya Max ang 'nag reto' sa kanya. Kahit ganun si kuya, di niya naman ako pinapahamak.

"Ah. Ok sige." I just wish that he's a gentleman. And handsome, siyempre.

"Thats nice. So, see you later princess." Malambing na saad niya. Pero, see you later daw? Huh?bakit?

Sasagot pa sana ako kaso ibinaba na ata niya. Classmate kaya siya ni kuya Max? Bakit di ko kilala? 

"Hey! Sino pang walang assignment? Eto oh!"

Hm. I wonder who he is.

----------------------------------




A/N:

Hello there!! Di ko alam kung magugustuhan niyo ba o nagustuhan niyo  o magugustuhan palang itong story ko.

At mejo nakakakaba. Joke. SOBRANG nakakakaba T.T Pero sana nga nagustuhan  niyo hihi.

Pls pls pls leave a comment ah?

❤❤❤

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon