Shan's PoVSabay si Jas and Max na nagpark sa parking lot ng SIU. Sinigurado muna ni Jas nakalock lahat ng pinto bago kami nag simulang maglakad.
Ngunit di pa kami lubos na nakakalayo mula sa pinag parkan, nang biglang may umagaw ng atensyon namin mula sa likod.
"Hey!"
Napahinto kaming tatlo sa paglalakad at nagkatinginan kami ni Jas.
Ts. Speaking of.
"Ang makakatuluyan ni Shan Montealegre." Mahinang pang aasar ni Jas, habang papalapit yong mokong na umagaw ng atensyon namin.
"Dre! Good morning!" Bati nito kay Max ng tuluyan na siyang makalapit.
"Good morning, Chris." Bati din ni Max sa mokong na si Chris. At ginawa nila ang kanilang famous handshake.
Ts. Ang korni. Buti wala kaming ganyan ni Jas.
Humarap na ang mokong sa side namin.
"Good morning, Jasmine." Nakangiting bati ni Chris kay Jas.
"Same to you, Chris."
Ang mga ngiti ni Chris kanina ay nawala nong bumaling siya sa akin. Naging blangko ang mukha niya at tinanguan lang ako saka lumapit kay Max at nagpauna na silang maglakad.
Buwisit talaga kahit kailan!!!! Grrrr!!
"Hihi. You two look so cute together. I swear!" Mahinang bungisngis ni Jas. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Natahimik naman siya at hinarap ang kamay niya sa mukha niya. "Talk to yourself, Jasmine!" Sabi neto, na nagpapanggap na kausap ang kamay niya.
Tch. Isa pa to.
Di ko nalang siya pinansin at dumirecho na kami sa building namin. Nasa harap padin namin sila Max at Chris kaya di maiwasan na marinig namin ang nagtitiliang mga babae na di naman nila pinapansin. Sanay na siguro sila, araw araw ba naman ng buhay nila ganyan, oras oras pa nga.
Dahil sa walang katapusan na tilian ng mga babae, di ko maiwasang titigan sila Chris sa harapan namin.
Unang kong pinagtuunan ng pansin si Max, no doubt na gwapo siya at napakalakas ng appeal. Pero yong kasama niya. Napatingin ako kay Chris.
Ano bang meron sa kanya at tinitilian din siya ng ganyan? Captain ball lang naman siya ng basketball team ng SIU, matangkad din, matangos rin naman ang ilong, maganda din ang kulay brown nitong buhok, maputi rin pero mas puti lang si Maxwell ng konti.
Hm. Gwapo nga talag—
Napahinto ako sa paglalakad saka iiling iling na hinawakan ang ulo ko.
Erase! Erase! Anong gwapo, Shan Kristen? Hambog kamo! Hambog!
"Shan? Ok ka lang?" tanong ni Jasmine ng mapansin ang paghinto ko sa paglalakad. Lumapit eto sa akin at hinipo ang noo ko. "May sakit ka ba?"
"Hah? W-wala ah! Wala!" mejo uutal utal kong sagot. "M-mejo masakit lang ang ulo ko. Ang likot mo kasing matulog eh!" palusot ko nalang.
"H-hoy! Anong malikot! Hindi ako malikot matulog noh!" pagmamaktol ni Jas. Tatawa tawa naman akong nagpauna maglakad. "Owkay, sabi mo eh!"
Nang makalayo ako, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Saka pinilit burahin ang kung ano mang nasa isip ko kanina.
Madiri ka sa mga pinag iisip mo, Shan Kristen!
BINABASA MO ANG
Mr. Destiny's Playing His Name
RandomJasmine Lei Cross Pangalan palang mahahalata mo na agad na maganda siya. Di lang basta maganda, siya ang No.1 campus crush ng isang prestihiyosong paaralan, ang Stanford International University. At dahil isa siyang Cross, hindi lang ganda ang meron...