Chapter 13

3 1 0
                                    


Jas' PoV

Days passed, but I think this feeling will last.

Ang sakit, ang sakit sakit parin hanggang ngayon. Sa mahigit isang buwan simula ng mangyari un, wala akong ibang inisip kung hindi…

Bakit ako? Bakit ako pa ang nakararanas ng ganito?

Siguro nga, di talaga ginusto ni Kurt un. Di niya intensyong saktan ako ng ganto.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siya kwestyunin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Pero parang hindi ko pa kaya.

Hindi ko pa kayang marinig ang mga sagot niya.

Sa nakalipas na isang buwan ay palagi akong naririto. Nag mumuni muni, nag hahanap ng sagot sa mga katungan ko, at kumakain.

Yep! You read it right...kumakain. Siguro nga nong mga nakaraang araw ay wala akong gana sa lahat, pero lagi akong ganun. Sa una ay walang gana kumain, pero pag lumipas ang topak ay bakbak.

Lagi akong nandito sa Street Market na to, malapit lang ito sa may village namin. Dati nong bata pa ako ay lagi ako dinadala dito nila Mom, minsan kasi ay dito sila namimili ng mga gulay dahil fresh from farms daw ang mga gulay dito, mas mura pa.

Meron rin ditong mga kung anu anong street foods, may ihaw ihaw din.

Maraming tao rito pag 5:30am-8am tapos kapag 6pm 'til midnight ulit.

Tinignan ko ang oras sa relo ko saka tumingala sa langit.

4:35? Hapon na pala.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko, pinag pag ang likurang parte ng black shorts ko, inaayos ang itim na sumbrero sa ulo ko, at dinampot ang black backpack ko sa tabi saka nagsimulang lisanin ang lugar na napapadalas kong puntahan nitong mga nakaraan.

Kahit di ko utusan ang mga paa ko'y kusa ako nitong dinadala sa isang stall kung san ako madalas dumaan bago tuluyang umuwi sa bahay.

Mejo malayo pa ako pero tanaw na tanaw ko na ang ngiti ng tindera't tindero'ng madalas ko bilhan.

Pag kalapit ko ay binati agad nila ako. "Oh, Sam. Akala namin di ka na dadaan eh, mejo nahapunan ka ata ngayon ah?" Ani ni kuya Boy.

"Mejo nasarapan ho tumambay eh." nginitian ko din sila.

"Gaya parin ba ng dati?"

"Opo."

"Tamang tama, may nakasalang na. Irereserve agad kita." si ate Belle, asawa ni kuya Boy. Sila ang may ari nitong stall na lagi kong binibilhan. Kahit napaka rami lagi nilang customer kapag bumibili ako ay lagi nila akong inuuna. Suki raw kasi nila ako, kahit kakarampot lang ang binibili ko parati.

"Salamat ate Belle."

"Sige na, Sam. Upo ka muna, tatawagin lang kita kapag luto na." si kuya Boy, sabay abot ng upuang plastic sa akin. Kinuha ko ito at binitbit sa bandang gilid lang nila.

Habang nag aantay ay pinag mamasdan ko ang mga tao'ng halos pumila na sa dami upang makabili lang ng paninda nila. Bago ko pinag masdan sila ate Belle at kuya Boy, na todo ngiti sa nag dadagsaang mamimili. Napaka simple ng buhay nila, pero makikita mong sapat na yon sa kanila, at mas sapat na ang isa't isa para sila ay sumaya. Parang wala silang mga problemang di kayang lutasin, dahil magkasama sila.

Pero wag mo isiping na iinggit ako sa kanila ah! Mejo lang siguro? Hehe. Pero hindi talaga, dahil sa halos araw araw ko rito ay marami rami na rin akong narealize.

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon