Chapter 2

27 2 3
                                    

Jas' POV

We're on our way to the Student Council's Office, sila kasi ang may hawak ng prom, magbabayad kami ng fee.

Kahit President si kuya Max, wala akong special treatment, asa pa ko kay kuya.

"Hey Jas! Dito na kayo sa harap." Pero syempre sa ibang officers meron. Hoho

"Nah, we're fine here." Bait ko noh? Nakangiting sabi ko.

Habang pumipila kami, biglang may nagtext. Unknown number.

Hey, are you at the SC office?

Parang familiar yong num, kaya nireply ko.

Yes, why? And who are you?

Minutes passed, pero walang reply. Medyo nababadtrip na ko dahil sobrang init! Andaming tao, at ang haba ng pila.

"Jas, call your kuya na, kanina pa tayo dito eh."

"Kaya nga Jas, anong oras na tayo makauwi nito eh"

Kulit ng mga kaklase ko. Ayaw ko kasi ng ganun eh, hindi purkit kapatid ako ng President ng SC diredirecho nalang ako. No! Unfair sa iba yon, kawawa kaya sila.

"Sorry guys, but no. Unfair sa kanila yon." Sabay turo ko sa mga taong nakapila rin tulad namin.

"Ikaw na talaga Jas! Vote Jasmine Lei Cross for President!" Tukso nila.

Yes yes!! Thats me! Ganda ng pangalan ko noh? Thanks to my beloved parents na gustong gusto ako pahirapan sa haba ng pangalan ko.

"K fine." Pagtataray ko.

Maya maya pa, medyo malapit na kami sa harap, ng bigla na namang may nagtext!

You're so cute when you're haggard.

Dahilan para mataranta ako! Lingon dito, lingon doon. Halos mag 360° turn na ang leeg ko. Aish, I hate this feeling!

Hey hey! Relax! Baka maging giraffe ka niyan bigla.

Aiiiish!! Lalo akong nataranta!

Red bag, plain white shirt. I'm with your brother.

Sakto namang dumaan sila kuya. At may kasama nga siyang naka plain white shirt at red na bag! And he's..he's..he's absolutely handsome!

"Jas! Sabay tayo mamaya mag uwi ah? Wala ako dalang auto eh, nasa shop pa." Ang magaling kong kuya na naaalala lang ako pag walang auto. Ts, panira ng moment!

"By the way, si Kurt nga pala."

Huwaaaat? Siya ba talaga yon? I thought thats just a joke!

"Siya yong date mo sa prom." Isinigaw pa ni kuya Max! Kaya napatingin talaga silang lahat sakin! Lalo na yong mga babaeng kanina pa tingin ng tingin doon kay Kurt daw. Na para bang iniisip nila na 'nyeee, ang swerte naman ni Jasmine!', 'sana ako nalang si Jasmine!', 'so lucky naman that girl' .. Ganun! Lalong lalo na etong mga kaklase ko na panay ang tulak sa akin.

"Kaya pala kumalabog ang keyboard kanina!"

"I agree! At nakapag print ng napakaraming copy ng assignment!"

Yeah right! As if namang si Daniel Padilla or si Alden Richards or si James Reid or si Enrique Gil ang date ko diba? Diba??

Nakaka goosebumps lang naman ang smile niya, may pointed nose, very beautiful eyes, amputi, na parang ang bango bango niya palagi. Ganun lang naman eh!

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon