Chapter 6

21 1 0
                                    


Jas' PoV

Pag kaalis nila Kurt, nakangiti akong umakyat sa kwarto ko. Pagkapasok na pagkapasok ko ay andoon na si Shan sa kama, katatapos lang ata maligo.

"Babae, maligo ka na. Aba't wag mo sabihing tatabi ka sakin ng di naliligo?"

Kita mo na tong babaeng ito!!

"Bahay mo? Bahay mo?"

"Hindi naman. Sinasabi ko lang. Haha"

Inirapan ko siya at dumirecho na sa banyo at naligo. Nong malapit na ako matapos ay biglang may sumigaw ng pagkalakas lakas! Kaya dali dali kong sinuot ang roba ko at lumabas ng banyo.

"Aaaaaahhhhhhh!!!!"

"Shan?? Shan?? Why?? What's happening?"

Natataranta na ko dahil sa way ng pagkakasigaw niya.

"Aaaaahhhh!!! Aaaaaahhh!!!!!"

Sigaw siya ng sigaw pero di siya gumagalaw sa pagkakaupo sa kama ko habang nakatitig sa cellphone niya.

"Hey! Hey! Are you okay?"

"Omygod Jasmine!!!"

"Ano ba kasi yon!"

"Look at this!" Inabot niya ang cellphone sakin na halos idikit na ang screen sa mukha ko.

"Ano ba Shan!" Onti onti na rin akong naiirita sa kanya, kasi naman kung makasigaw!

Ano ba kasi eto!

Onti onti ring nawala ang pagsalubong ng kilay ko at nanlaki ang mga mata mo.

"Dibaaaaa???"

"Ohmy! I didn't expect it to be this much!"

"Yiiie!!! #KurtMine!"

Puro kami ni Kurt ang trending since last week. Hindi lang pictures, may mga short video clips pa. Simula nong sinabi ni kuya na si Kurt yong prom date ko nong nasa may SC office kami, yong unang labas namin, yong valentines, lahat!

"Sobrang bagay kayong dalawa Jasmine!"

Halos lahat ay stolen. May mga pics na titig na titig siya sakin habang nakangiti.

"At sobrang suportado din kayo ng buong SIU!"

Meron ding tawa kami ng tawa.

"Jas?? Are you listening?"

Meron din yong dinalhan niya ako ng coke float and yong sabay kaming naglalakad papuntang gym para sa una naming practice.

"Hey!!"

"Ha?"

"Tch. Di ka naman nakikinig eh! Sabi ko bagay kayo ni Kurt!"

"Ano ka ba! Wala namang gusto sakin yon eh!"

"Anong wala? Manhid ka ba! Eh kung makatingin siya sayo parang wala ng bukas! Ayan ang mga ebidensya oh!"

Tinignan ko ang mga pictures namin. Karamihan talaga nakatitig siya sakin.

Binalik ko kay Shan ang yong cellphone niya at pumunta ako sa harap ng closet ko para kumuha ng pjs. Sobrang pagmamadali niya sakin maligo kanina, nakalimutan ko tuloy kumuha ng pampalit. "Ano ka ba Shan! Wag mo nga bigyan ng malisya yong tao."

"Wag bigyan ng malisya pero nagbablush ka? Hahahaha"

Huh? Ako? Nagbublush?

Dali dali akong tumingin sa harap ng salamin.

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon