Chapter 3

33 2 4
                                    


Max's PoV

Naghahanda kami ng breakfast ni kuya Kai ng may napansin ako.

"Kuya, have you seen Jas?" Parang antagal naman kasi niya ngayon.

"Di padin nga eh. Pero online siya kanina." Ayos din to si kuya, facebook ang basehan.

Ah, nga pala. Tama ang basa niyo, kami ang naghahanda ng pagkain. Sila mom and dad laging out of the country, minsan business related, kadalasan trip trip lang.

May mga kasambahay kami, pero kadalasan kami talaga ni kuya ang nagluluto, especially pag nandito si kuya Kai.

Si Jas? Palamunin. Haha.

Eto ang masarap pag PoV mo eh, akin ang remote control! Ako ang batas!

Haha. Wala, taga grocery. Pag kami kasi ni kuya ang namimili, laging kulang kulang. Kaya siya nalang. Pero siya rin ang pinaka iingat ingatang yaman namin.

Speaking of, si Jas yon ah. Anong oras na to.

"Hey! What took you so long?" Bungad ko sa kanya. Ngumuso naman agad siya.

"Wala. Bakit? Di pa naman ako late."

Aba! Si babae, naka polbo!

"What?" Napansin niyang nakatitig ako sa kanya. "Kuya ba! Dont look at me like that." Kitams! Guilty! Haha. Iba talaga karisma ni Kurt eh.

Hindi ko binubugaw kapatid ko ah! Naninigurong kuya lang! Abaw baka kung sino lang ang date nito at itakbo siya sa Mars!

Kaya nong nalaman ko na wala pang partner si Kurt, tinawagan ko na agad si Jas.

-flashback-

We are playing mini militia when girls started screaming. Alam na kung sino ang parating, maliban kasi sa napaka gwapo kong pagmumukha, meron pang isa akong katambal.

"Aaaaahhh!!!! Kurt! Ako nalang date mo!"

"Kuuuuurt! Me nalang!"

Mejo nakakairita, dahil ako mismo walang date. Punong abala eh. At di ko mababantayan si Jas kung may date ako. Haha!

"Yow bro. Kailan ka pa dumating?"  Salubong ng isa naming kaklase kay Kurt Reyes, classmate namin siya since 7th grade. But he's always out of the country, kaya laging naka modules lang siya, self study. Kaya rin kami naging close, he's one of my bestfriends actually, I give him updates about whats happenin here sa campus.

"Kahapon lang." Sagot ni Kurt at lumapit na siya sa amin.

May date na kaya toh?

"Hey bro. May date ka na for the prom? Or should I ask if aattend ka ba?"

Si Jas kasi.

"I would love to, kaso wala pa eh." Umarte pa siyang nalulungkot. Pfft. Loko talaga to.

"Bakit bro? Gusto mo tayo nalang? I will fetch you at your house." Dagdag niya, at kumindat pa!! Gago talaga.

"Sorry bro. Pero you're not my type." Haha masyado akong gwapo para sa kanya. Nagtawanan naman sila.

Sumeryoso na ko "Can you accompany my sister sa prom?"

Parang nabigla naman siya. Pero di nagtagal, aba't ang loko lumiwanag ang mukha! Badoy tol! "Yeah sure! Its my pleasure."

Nice.

Baka kasi kapag kung sino lang ang kadate non, baka itakbo kung san, mejo maganda naman siya kahit papano.

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon