Chapter 9: PROM ❤

13 2 0
                                    

Jas' PoV


Di padin ako makapaniwala sa mga nangyari, ngayon prom na and I'm here sa isang hotel na malapit sa venue, si kuya Max ay nasa kabilang room.

Katatapos ko lang ayusan, I'm wearing a simple but elegant beige colored cocktail, 4 inches heels na pinagtalunan pa namin ni Mom. Thanks to tita Kris and Shan.


*knock knock*

Door opens, kuya Max entered the room. "Are you ready young lady?" Sinamaan ko lang siya ng tingin, kasi ngingisi ngisi siya eh!

Hmph. Gwapo siya ngayon ah.

Araw araw naman siyang gwapo. Matangkad kasi si kuya. Pointed nose, maputi, maganda ang hibla ng mga buhok, maganda ang mata. Matalino din, at laging mabango. Di ko nga alam kung bakit walang girlfriend. Ts

"Hey, let's take a picture. Sabi ni kuya Kai send him a picture daw as soon as possible. Pfft. Sila Mom and Dad din nagrerequest." Kinuha ni kuya ang cellphone niya at inabot kay ateng makeup artist.

Lumapit siya sakin at inakbayan ako, namaywang naman ako. Hahaha.

Nakailang takes din kami, may wacky, may formal, may solo. "Thanks ate." Pasasalamat ko kay ateng.

"Kuya sila Mom pala asan? Kanina pag kagising ko, wala na sila." Mejo nalungkot naman ako bigla. Ganun kasi sila Mom, minsan bigla nalang mawawala, bigla bigla ding lilitaw. Pero wala naman silang pagkukulang.

"Hey! Don't cry! Ang ganda ganda mo pa naman ngayon."

"Lagi naman."

"Asa ka!"

Di na ko sumagot pa, hahaba lang ng hahaba yong usapan eh.

"Nasa Maldives na sila ngayon, may business meeting sila para sa upcoming 2nd resort natin doon."

"Really? Another one? Pero diba kahit nga wala na yong iba nating property at yong isang resort lang na yon sa Maldives eh sobrang laki na ng income?"

"Yes, tama ka. Pero alam mo naman si Mom, mahal na mahal ang dagat."

Sabagay, si Mom kasi sobrang hilig sa beaches. May pinagmanahan talaga ako. Nasabi rin ni kuya Max na si kuya Kai daw nasa Palawan na rin, inaadikaso ang ilang resorts namin doon.

"Let's go?" Inabot ni kuya Max yong kamay niya sakin. Ang gwapo niya ngayon wala sa biro. Nginitian ko naman siya. "Tara." Taka pa ko, magkapatid nga pala kami kaya no doubt na pogi talaga siya. Hoho


Bumaba na kami ni kuya Max, pagkalabas na pagkalabas namin sa main entrance ng hotel andun na pala si Kurt hihi.

"Bro!" Nag fist bump sila and ginawa yong signature handshake nila.



Grabe lang. Grabe lang talaga.



Sobrang gwapo niyaaaaaa!!!! Ewan ba, eh halos same lang naman sila ni kuya Max ng suot. Pero ewan talaga, sobrang gwapo niya talaga.

He's wearing a black tux, dirty white naman ang panloob niya and black tie. His hair is neatly comb. Umaalingasaw rin ang pabango niya na di narin bago sa pang amoy ko. Boy next door ang dating.

Di ko mapigilang di mapatitig sa kanya.

"Jas? Jas! Hey! Kanina pa kita kinakausap!" Ohmy! Kanina pa pala ako kinakausap ni kuya. Ergh!

"Pfft. Gwapo noh?" Binubungo bungo pa ko ni kuya. Kainis! Si Kurt naman, as usual, ngingiti ngiti lang.

"Kurt, ang kapatid ko ah, tandaan mo nag iisa yan, bunso pa." Biro ni kuya Max.

Mr. Destiny's Playing His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon