Prologo

48 1 0
                                    

P A N I M U L A

Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ko na lang sigurong sumuko.

Pero, minumura na 'ko ng damdamin ko, na kailangan ko pang ipagpatuloy 'to.

Itong kagagahang ito.

Kahit nasasaktan na ko.

Bakit pa kasi nagpunta dito ang isang nilalang na katulad niya??

Bakit kasi maraming nagkakagusto sa kanya?

Bakit ba kasi naging sikat pa siya?

Sa ngayon, damang-dama ko na ang katangahan ko.

Ang tanging hinihiling ko na lang ay sana, magkaroon ng kahit katiting na twist 'tong istoryang ito.


* * *

". . . let your mind dominates your heart, not your heart dominating your mind."

Narinig kong diin ng English teacher namin. Paglingon ko sa kaniya, nakaturo siya sa sintido niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin sakin.

Ugh.

Kanina pa ko 'di makapagconcentrate sa mga lessons namin.

Four months na rin kasi simula nang makilala ko ang UC ko. As in, Ultimate Crush.

Dati di ko naman siya masyadong pinapansin everytime na sinasama ako ng bestfriend ko sa mga gigs at shows ng banda niya.

Ewan ko ba.

Alam ko lang dati super fans ng band nila ang mga hinayupak na mga kababaihan at sangkabaklaan sa school namin, lalo na ang bestfriend ko.

Magkaibigan na kami? Sa tingin ko. Nagugulat na lang kasi ako minsan, bigla na lang siyang magshe-share about his life.

Siguro, tingin niya, walang malisya ang bawat tingin ko sa kaniya kaya, cool siya pagdating sakin. 'Di tulad sa iba kong kiringking na kaklase, wapakels siya.

Simula nang dumating siya dito sa school namin, dahil ni-require sila ng kumpanyang may hawak sa banda nila na at least matapos muna for the meantime ang high school, at para na rin daw maka-experience ng mga kung anong bagay-bagay, ayan, nabago na ang lahat.

Pananaw ko sa music, favorite songs, pati mga bagay na dati patago ko lang ginagawa, ngayon todo broadcast na ko ng wala man lang pag-aalinlangan (like stalking kasama ang bestfriend ko sa buong banda).

Nawawala na ang utak ko.

Na-o-overpower na ng puso ko.

Shit! Sana naman makayanan kong pigilan 'tong kusang pag-aadik ng sistema ko.

Please, Pau. Kalma.

- - -

Dominated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon