5. Same Feelings

40 0 0
                                    



Laking pasasalamat ko na lang ngayong hapon dahil pakiramdam ko umaayon sakin ang tadhana.

Mabilis nagdaan ang mga oras sa bawat klase namin. Nahirapan nga lang akong mag-focus since magkaklase kami ni Brianne at take note, nasa likod ko lang siya sa lahat ng klase.

Simula nang tumakbo ako palayo sa kanila ni Ashley, wala na kong kahit na anong narinig sa kaniya.

Nakatulong naman yon dahil baka ngumawa lang ako sa harapan niya pag kinausap niya pa 'ko.

Nagtataka lang ako ngayon kung bakit wala ni isang estudyante ang nagbubulong bulungan sa kahit saang anggulo't sulok ng school ako tumingin.

Iba kasi ang mga nababasa ko sa mga story sa wattpad at maging napapanood ko sa TV kapag ang bidang babae ay nasangkot sa mga pangyayaring katulad ng naganap kahapon at maging kaninang umaga.

Baka nga hindi talaga nangyayari yon sa toong buhay at hindi lang talaga malisyoso at sarado ang mga utak ng mga estudyante sa paaralan na 'to.

Lumabas ako ng silid namin ng payapa, walang lingon-lingon sa likod, wala munang sulyap-sulyap sa isang Greg Brianne.

Sana makayanan ko ang ilan pang buwan na ganito ang set-up bago grumaduate ng high school. Haaay.

Kasalukuyan ko nang tinatahak ang daan patungo sa paradahan ng tricycle sa labas lang ng campus.

"Meg! Meg, sandali! MEG!" Hindi ko inaasahan 'to. Naramdaman ko na lang siyang hingal na hingal na tumigil sa likuran ko.

Wala akong balak lingunin siya pero huminto ako.

"Meg, sandali." Hingal niyang sabi. "I'm sorry, okay? I can explain."

Wow. Explain. Explain-in mo yang mukha mo! Kaya ko naming i-explain ang mga nangyari lately sa sarili ko, e.

Hindi ko na kailangan ng tulong niya. Alam ko nang tanga talaga ako at ginago nila 'ko ni Ashley.

"Hindi ka pa ba nag-enjoy sa ginawa niyo sakin ni Ashley?" Malumanay kong sinabi sa kaniya ng hindi pa rin lumilingon.

"Meg, patawarin mo ko! I'm sorry! Its just that- I--I have my own reasons and explanations kung bakit ko 'yon ginawa." Naramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa kanang balikat ko.

"Ano ba! Bitiwan mo ang balikat ko-" Hinawi ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at hindi ko na napigiling lingunin siya.

Nagulat ako sa nadatnan kong hitsura niya. Hindi pwede 'to. Hindi totoo tong nakikita ko at isa na naman 'to sa mga palabas niya.

Tinititigan ko lang ang buong hitsura niya.

Pinag-aaralan kong mabuti kung mag-iiba ang ekspresyong suot suot niya ngayon o hindi at kung gaano niya katagal maisusuot ang maskarang 'yon.

Hinahanapan ko ng butas ang pag-arte niya sa harap ko.

Please, Pau. 'Wag ka na ulit magpakatanga sa lalakeng 'to.

Pero, unti-unti akong nabibigo. Wala akong makitang ni isang mali o butas sa ekspresyon na pinapakita niya sakin ngayon.

Totoo ba 'tong nakikita ko? Pagtama na pagtama pa lang ng mga mata ko sa mga mata niya, naramdaman ko na namang muli ang kirot sa dibdib ko. Unti unti na atang dinudurog ang puso ko.

Kitang kita kong nasasaktan siya at kanina pa nagbabadyang magsipatakan ang mga luhang namumuo sa kaawa awa niyang mga mata.

"M-Meg, please?" Nanginginig ang boses niyang hinawakan ako sa braso.

Dominated By You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon